Monday, December 31, 2012

Year End Special!

It's been said that all good things must come to an end. So does a good year. 2012 has been my most exciting and adventure-packed year so far. A lot has happened. And a lot is to be thankful for. And all thanks be to God for the blessings, for my family and friends, for the love and for the strength.

Now just before this wonderful year ends, I want to do a not-so-quick recap.. I have to warn you that this is a bit photo overload. :)



Places I've been to.. Ngayong taon, naging super galaera ako. "Ubusan ng yaman" nga ang peg namin ng friends ko. Mostly because I really wanted to travel kahit noon pa pero part din ay dahil na-brokenhearted ako. Oo, eto naging way ko para maka-move on, lol! At dahil moved on na moved on na ko, kailangan bawas-bawasan na ang kalalaboy, magastos!


Underground cemetery and the shoe haven

My first time in the country's summer capital!

My 26th birthday celebration!

With fun people, mostly I met for the first time
Beautiful churches and breathtaking beach

Such a clean and homey city

Bonding with friends.. Bukod sa mga major trips e madami pang ibang eksenang naganap. Siyempre, salamat sa aking mga good old, tried and tested, true friends for making every bit of it memorable. Especially ang ELF at si Zaicy who'd been with me hindi lang sa galaan pati sa inuman este hindi lang sa good times pati na sa bad times!


MOA Eye
Na-haggard sa byahe kaya sinumpang di babalik sa MOA ng at least 1 year

Logos Hope
The Floating Library

Nature-tripping nun birthday ni Joana

Birthday celebration naman ni Lori

Kids at heart!

New things I've tried.. Mga bagay na hindi ko inakala na magawa ko pero I did. Lalo na ang surfing dahil di naman ako swimmer.







New friends.. I guess this is the best thing about blogging, you gain new friends. Bonus pa pag na-meet sila in person. First na-meet si Papa Empi na shy type pa nun una pero later na-realize ko na same level kami ng kabaliwan! Kaya naging close kami agad agad. Then sina twin sis Arline at Hash and the rest of the EB babes, haha. At super thank you din sa lahat ng nagpadala saken ng kung anik-anik, you don't know how much I appreciate those.






Theo, Arline, Me, Empi, Jaid, Bino, Mar, Hash and Zaicy

Family Gatherings.. Ofcourse, ang mga pinakamahahalagang tao sa buhay ko. Super thankful ako kasi lahat kami healthy. Mula sa aking sweet na sweet pa rin na parents (na minsan nagtatampuhan na parang mag-jowa pa lang, haha) hanggang sa ika-11 kong pamangkin. And I always pray na sana dumami pa yung years na magkasama-sama kami tuwing birthdays at Christmas.


Mama and Papa
Ang magulo naming pamilya :)
Nakaalis na sina Ate at Kuya ko kasama yung mga pamangkin ko. Dun sila mag-new year sa kani-kanilang bahay. OA lang pero namiss ko agad sila. Biglang tahimik dito sa bahay. Kakapanibago bigla. Pero andito pa rin naman ang makukulet na sina Chin at Jaydrex at si Joelle. Kaya happy pa rin.

Isa sa mga namimiss ko.. boy pick-up a.k.a. my 2 year old nephew, Zen!




 
In a few hours, Lucky 2013 na! Happy New Year everyone! Boom!! :D

Saturday, December 29, 2012

Nyoskoers sa Balur!

To translate: Pasko sa Bahay. Hehe.

Nun Dec 18 dumating yung panganay na anak ng Kuya ko na si JM dito sa bahay. Last na punta niya ng pasko dito nun 2009 pa. At nagulat ako kasi nagbyahe siya from Nueva Ecija to Cubao ng mag-isa lang. From Cubao, sinundo siya at hinatid lang sa terminal ng jeepney pa-Taytay. Byahe ulet mag-isa. Lakas ng loob kahit 14 pa lang. E ako kasi hanggang ngayon Megamall lang kaya kong i-commute ng walang kasama, haha. 



Ayaw pa-picture ng binata kaya puro siya stolen shot!
Laki no? Kayang kaya ako i-hagis, lol.

At dahil nga binata na, ayaw na niya ng gift na toys. Nagpabili siya saken ng sapatos, cap, shorts, wallet.. E inaanak ko to kaya pagbigyan na, mura lang naman mga pinili niya. 

Dec 23 naman naman dumating si Ate ko kasama ang apat na chikiting na sina Ate (Mo)Jarie, Kuya (Do)Raemon, Josh at Zen. Idagdag na din ang makukulet na sina Chin at Jaydrex at si Joelle na anak ng kapatid ko na kasama namin dito sa bahay.


My Pretty Ate and Zen
Ate Jarie, Chin and Joelle
Joshua

Christmas Eve namin e simpleng kainan lang din. Actually hindi nga kami naghihintay na mag-midnight e, basta pag nakaluto na si mama, attack agad agad, hehe. Pagkatapos kumain, tulog. O di ba? Haha.

Pagka-gising kinabukasan kami nag-gift giving. Ewan ko kung bakit nawawala yung mga pictures, ngayon ko lang napansin. After nun nagsimba at saka namasko yung mga bata sa ilang kamag-anak at mga ninong at ninang. Pero puro mahiyain naman kaya umuwi rin sila agad. Kulitan lang tuloy kami maghapon.


Mama, Jarie, Joelle, Chin, Zen, Ate and Jaydrex
Papa with Joelle

Me with pinsan/inaanak na si Kurt
Hindi gaano happy si mama sa gift kong bracelet!

Akala ko hindi na talaga uuwi sina Kuya ko kasama yung iba ko pang pamangkin. Pero nun 26 e dumating din siya kasama sina CJ at Maczene. So total ng 10 bata ang nasa bahay. Ang wala lang e yung three month old na bunso ni Kuya, kawawa kasi ang layo ng byahe.

Si Maczene pagdating pa lang nagyaya na agad sa SM. Kakatuwa ang pamangkin kong to kasi makasakay lang ng escalator e masaya na siya, haha. Kaya sinama ko sina Kuya JM a.k.a. bouncer, si Ate Jarie a.k.a. yaya, si Maczene at Chin para gumala.


Kahaggard pala pag puro bata ang kasama, nawiwindang ako pag may nawawala sa paningin ko. Baka kasi mawala e wala pa naman ako pampalit sa mga to, hihi. Maglaro sana kami sa timezone kaso ang daming tao kaya naglibot na lang kami at kumain.



Ayaw talagang magpa-picture ni JM kaya surprise shot dapat. Kasabwat ko si Jarie. Mabilis umiwas ang bata, pero mabilis din ako mag-shot, haha. Tawa tuloy ng tawa lagi si Jarie Potpot.




Ayan lang naman ang ganap. Simple lang naman lagi ang Christmas celebration namin. Pero masaya yung pagsisiksikan namin dito sa bahay. Andami ba naman namin e. Lalo na nun hindi pa napapaayos ang bahay at iisa pa lang kwarto, para kaming sardinas talaga. Natawa nga lang ako kay JM kasi sabi niya mas maganda pa daw yun dating bahay, dapat daw hindi na pinalakihan. Kamusta naman yun? Sa bubong matutulog yung iba? Hehe.


Christmas 2009!  Oh di ba siksikan?


Pero parang wala ding nagbago this year. Tatlo na nga kwarto pero nadagdagan naman at naglakihan mga pamangkin ko kaya more siksikan pa din. At mas magulo. Imagine mo yung takbuhan ng mga bata, kalabugan ng pinto, sigawan, tawanan, sumbungan kaliwa't kanan, iyakan.. Ganyan. Nakakaloka talaga! Pero masaya. 



Advance Happy New Year everyone! Hugs! :)


Wednesday, December 26, 2012

Merry Christmas!

Hello everyone! Naging merry ba ang Christmas nyo? Dito sa bahay namin, sobrang gulo at ingay at talagang happy! Sampung bata ba naman ang nandito ngayon na nagsisigawan, nagtatakbuhan, nagtatawanan at nag-iiyakan kaya talagang kagulo ang Pasko namin, hehe!

I am really thankful that I got to celebrate Christmas at home this year. Yun mga previous years kasi e may work ako (except last year when I was sick). Alam nyo naman pag sa call center.. open 24/7! At mahirap mag-file ng leave kaya habang nagno-noche buena yun iba, kami ay nag-assist ng mga callers na mag-setup ng mga bago nilang gadgets, haha!

Anyways, sobrang kapagod lang ang last week! Laging kulang sa tulog sa dami ng inaasikaso. Pero masaya naman. Last day of work ko last Sunday night, more or less 4hrs lang na tulog, then after shift nag-prepare naman for.. 

ELF's Christmas Party!

Kahit busy sa buhay buhay, we really find time na magkasama sama for Christmas! Kaya super love ko talaga ang mga bestfriends kong to! Sa walang kamatayang Isaw Haus ulet ang venue. Palagi kami may color coding ng outfit dati, ewan ko kung bakit nakalimutan namin ngayon yun! Kaya for this year multi-color ang peg..


The Originals - Rnix, Lori, Joana, Stacy and Me!

Kasama siyempre ang mga extension sa aming lumalaking ELF family! As usual e late ang pamilyang Legson, haha! Ako din na-late ng very mild dahil sa tricycle driver na magulong kausap, kalurkey siya!


Lori with Joel and my uber kikay inaanak Sophie
Rnix with Mic and tinotopak na inaanak Athena
Me and my designer eyebags with bff Zaicy and Rowie
Stacy's sweet sister Apple!
Lunch time ang kita kita kaya naman nagpakabusog kami ng todo! And I didn't dare na mag-inom pa, baka kasi mag-ala sleeping beauty ako bigla e wala pa naman akong prince charming na gigising saken with a kiss! E kung si Zaicy naman hahalik saken e baka bigla siya maging palaka!


More Lafang! More Fun!


After ng kainan ay ang aming annual exchange gift! Modern ang way ng bunutan for our exchange gift, malalaman kung sino ang nabunot via a message sa fb, taray di ba? Zaicy started the gift giving, siya kasi ang newest member ng ELF!


Zaicy to Julius (proxy si Joana) - Julius to Stacy
Stacy to Joel - Joel to Me (kita nyo pa mata ko?)
Me to Rnix - Rnix to Rowie
Rowie to Joana - Joana to Mic (in his very rare smile,yey!)
Mic to Lori - Lori to Zaicy

Super fun talaga ang gift giving! It doesn't matter what you receive, big or small, fancy or not, it really is the thought that counts! And the love and the friendship! Ayiii..

Zaicy had to go home na. Kami naman e dumaan muna sa house para kunin yung gifts nun dalawang inaanak ko dahil gusto rin sila makita ni mama. Then, dumaan naman kami kina Lori para kumuha ng konting food at ng 7/11 to buy ice cream at pumunta kina Rnix para makikain ulet, hehe! Konting kain, chika, nuod ng tv, asaran, then uwian na.

Super nakakapanibago na umuwi kami ng maaga. Mga 6pm. Usually pag sa ELF, minamadaling araw or inuumaga kami e. Pero dahil Christmas eve, umuwi na rin kami to spend time with our own family.



My Christmas Gifts!

Come Christmas morning e time na para i-open ko yun gifts na natanggap ko. Nagtiis akong hindi sila buksan agad para naman makasabay ko yung mga pamangkin ko sa pag-open nun sa kanila! 

Thank You! :D

This is Empi's gift. He gave this to me nun nagkita kami for breakfast last week. I loved the chocolates. Pero na-touch ako ng sobra sobra sa musical card na binigay nya na in-effort talaga with pictures nun magkakasama kami nina Zaicy sa mga previous gala! Super like! Thanks Empi.



These are from bff Zaicy naman. Akala ko yun necklace na yun gift nya saken pero I was surprised sa super cute stuffed toy! Labyu Zaicy!



These are gifts I got from ELF. Throw pillow from Joel, chocolate mirror from Rnix, soap from Stacy, sexy top from Joana. Thanks much!



Gifts naman from friends and teammates sa office. Chocolates from June, teddy bear from Iyay, merengue from Baby Faye, cutesy slippers and bra strap from Mommy Divine, pink purse from Riez and Hello Kitty notebook from Ambet!



As I was writing this, dumating ang isa pang gift from my bebe sis dito sa blogosphere na si Jessica of Pagguhit ng mga Salita. Thank you so much beh. Happy Holidays din!



And I was also tagged kanina sa photo greeting na ginawa ni Pao-kun! It was such a sweet surprise. Thanks! I hope you don't mind me using the photo. :)




Ayan, andame ko lang kwento! Sa next post na yung about sa magulong happening dito sa bahay dahil I'm sure e pagod na kayo sa pag-scroll down sa haba ng post ko! 

Happy Holidays everyone!! Much Love!

:D