Showing posts with label ka-baliw-an. Show all posts
Showing posts with label ka-baliw-an. Show all posts

Friday, October 26, 2012

Kilig!

May crush ako sa office. Ay mali.. crush pala siya ni Zaicy. Ng matagal na panahon na. Kahit nun may girlfriend pa siya, patay na patay na si Zai sa kanya. Ibang level kasi ang ka-fresh-an (rosy cheeks siya, daig pa ko) at kagwapuhan (lalo na sa personal) at kasexyhan (laki ng arms, di ba Zai?) niya.

At hindi lang si bff Zaicy ang nangangarap na maging jowa nya. Pati ang milyun-milyong (exxag?!) kababaihan at kabaklaan sa office, kasama ang isa pang beki friend kong si Kim na malandi. Oo, malandi siya. Nun hindi pa kami close sa kanya dati, galit na galit si Zaicy sa kanya. Bakit? Ang cheap daw kasi. Bakit ulet? Kasi nilapitan niya si crush at hiningi ang cp number. O di ba malandi?

Deadma lang naman ako dati kasi may gf nga, di ba? Pero ngayon single na ang lolo mo. Ilang months na rin ata. Malay ko kung bakit naging single, hindi naman ako chismosa at pakialamera sa buhay ng iba.

Ewan ko kung paanong nag-start na i-bugaw ako ni June kay crush. Si June, remember? Yun baklang maganda na parang white lady sa kaputian? Hindi siya nakiki-agaw kay crush kasi in a happy relationship ang ate mo. Sa ganda nya kasi napabaliko nya yung isang straight guy na officemate din namin dati, three years na ata sila, taray di ba? At chinismis ko pa talaga si June, no?


So ayun nga, binubugaw ako ni June, hehe. Bakit bugaw? Wala ako maisip na ibang term e, haha. Nagsimula ang pambubugaw para asarin si Kim na walang ginawa araw-araw kundi landiin si crush. Ipinakilala saken si crush at ibinigay ang cp number ko at sinabing i-text ako. 


So nag-text nga saken si crush ng "hi babes :)". Kinilig ang mga bakla, nagtilian sa floor, kaloka! At dahil shy type ako, wala ako ibang nasabi kundi "hello babes :)". Nasundan pa yun ng "goodnight babes" na sinagot ko lang din ng "goodnight ___". At hindi na ako nagtext pa ulet, pakipot kasi ako, charot!

Pero siyempre kilig to the max ako nun. Sino bang hindi kikiligan sa kuya mo e ang gwapo lalo na pag nag-smile! Nagtext pa ako kay Zaicy kung kakamuhian niya ba ako kung mamahalin ko siya. Very ahas kasi ang dating ko di ba?haha.. Sabi naman ni Zaicy e hindi daw, maiinggit lang daw siya pero she ("she" kasi babae si Zai, ok?) will be happy for me.

Dapat lang naman, di ba? Sa dinami-rami ba naman ng mga naging crush namin ni Zaicy, e parating siya ang wagi! Paano ba naman, ang hirap na malaman ngayon kung straight or gay ang mga lalaki lalo na pag sa fb/blog lang nakita or pag di pa nakausap. Pero pag nakilala na ng personal, ayan na at tutunog na ang gaydar, at confirmed! Si Zai ang type, wahaha! Buti na lang straight si crush, hehe!

Anyways, may mahadera (a term I got from Marge,hehe..) pa rin naman akong kaibigan na kumokontra sa pag-iibigan namin, chos nachos burritos! Pero best in push pa rin si June at nun last day ay pinilit niyang picturan kaming dalawa. Hindi gaanong photogenic ang kuya mo, pero wag ng choosy!


Haggardo versoza na pa naman ako, sana nakapag-muk up muna
Ayan ang pic na nipost pa talaga ni June sa fb! Sabi nya kung maka-100 likes daw e ibig sabihin bagay kami. Pati si Pinkline naki-like, natawa talaga ako! Pati si Kulapitot at shumag-anak ng bexchina key, kalurkay! Pero I don't think na aabot siya ng 100 likes. Dapat kasi 10 likes lang para pasok sa banga, haha..

Siyempre, joke lang ang lahat ng to. Kinikilig lang ako, bakit ba?! Masarap lang kilig-in ulet.

Tama na nga, ang haba na!


Happy weekend!



P.S. Bagay ba kami? :D

Sunday, August 12, 2012

Hindi ako lashing!

Paminsan-minsan, ang sarap malasing no? Hindi yun lasing na lasing. Yun tipsy lang. Yung tamang kulet lang. Yun puro kayo kalokohan tapos tatawa ka lang ng tatawa sa mga nonsense na bagay. Yun tipong maalala mo pa un mga kabobohan na ginawa mo tas matatawa ka na lang ulet.

Sabi ko pa, "hindi  ako lasing!". Ayoko pa magpahatid sa bahay e. Pero hinatid pa din ako ni Rowie. Tas nun naglalakad pasakay ng tricycle, tumingin siya sa relo nya, tas sabi nya "maaga pa". Tas tumingin din ako sa wrist ko. At naisip ko "sh*t, wala ako relo!". At never naman ako nag-relo. So yun tinanggap ko na na lasing nga ako. Ng konti, haha.

Derecho na ko sa kwarto ko. Higa agad sa kama. Nakakahilo. Take note, 2 tanduay ice lang nainom ko! Dalawa lang talaga unless tama yun hinala ko na may nagdagdag dun sa iniinom ko. Kung tama yun, ang bad nyo, lol.

In fairness, enjoy naman. Lalo na kung stressed ka. Yun pag andaming maliliit na problema tas nagkasabay sabay at nagkasama sama, isang major stress factor na. Mas stressed pa kesa sa trending na hitsura ni Charice sa X Factor, na ni-compare kay chaka doll este kay bride of Chuckie ata yun. Sino nga ba nagpakita saken nun pic na yun?

Oh, hindi ako lasinggera! Very seldom ako uminom. At birthday lang ni Lori kaya we needed to celebrate. At remember, pag medyo tuliro ako, extraordinary ang lakas ko sa pagkain. Kumakain ako ng pork budbod (fried rice topped with pork) kasabay ng hawaiian pizza. Pareho kasi masarap, nalito ko kung ano unahin, kaya pinagsabay ko.

Sa El Pedro's Grill pala kami kumain. At masarap yun food. Especially, yun pizza. Maniwala ka na masarap dahil lasing yun nagsasabi, haha. Pero masarap siya talaga, promise! Naalala ko kasi dun yun favorite kainan namin sa Antipolo dati na nagsara na.

Bago pala kami nagpunta sa resto, nagswimming muna kami. Ang itim ko na, grabe na to. Tatlong layer na tan lines ko. Hahaha, naalala ko yun mga nagsi-swimming sa pool na naka-hooded jacket at hat. Lakas maka-laughtrip, haha.

Inaantok na ako kaya next time ko na ikuwento yun swimming namin. Antok naman na ko talaga kanina pa, tas naisip ko magpopost ako kasi baka makalimutan ko na bukas, tas ngayon naman antok na ko ulet. Gulo no? Pero I'm sure na na-gets mo kaya good night na! Mmwah!


Friday, June 22, 2012

Balik-Tanaw

Paano ako napadpad sa mundo ng blogging?


Magpapasko last year, festive ang scenario, lahat masaya, lahat excited.. 

Favorite month ko ang december.. Kasi umuuwi dito sa amin sina ate at kuya ko, at yun mga pamangkin ko.. Siyam na pamangkin ko, kaya sobrang gulo sa bahay, sobrang saya lagi..

Pero noon, hindi ako masaya.. Nagkukulong ako sa kwarto, akala nila puro tulog ginagawa ko.. Pero hindi ako nakakatulog, mabuti hindi namamaga yun mata ko kahit walang tigil pag-iyak ko noon.. Pag lumalabas ako ng kwarto, pinipilit kong makipagbiruan at makipag-harutan sa mga bata, pinipilit kong palabasin na masaya rin ako, mahirap yung ganun no..

Ang alam nila, masama pakiramdam ko, nagkasakit kasi ako, bulutong, bad trip lang, sabay sabay na pahirap.. Sobrang stressed na, sobrang panget ko pa..

So anong drama ko? Ano pa, broken hearted. Yung akala kong sa pelikula lang nangyayari, nangyari saken. Saklap much! Haha.. 

Ganito ang summary.. First boyfriend, first love, 7 years in the making, nag-propose ng kasal, pumayag ako, nag-full payment kami sa venue, magpapa-reserve na sa church.. To the highest level ang kasayahan ang lola mo..

Tapos, two days bago mag-pasko, nalaman ko na may ibang girlaloo ang koya mo.. Nadurog ang puso ko, lol! Bumagsak ang happy meter sa zero! Nag-negative pa ata, nabaliw baliw ako.. Hindi ko na iisa-isahin mga kabaliwan ko, kahiya much na na yun..

Super lungkot ko, pakiramdam ko walang nakaka-intindi sa nararamdaman ko.. Pano may maka-relate, e halos lahat ng friends ko in a happy relationship ang status, yung ibang single, hindi rin ako maintindihan..

So ayun, nag-blog ako.. dun ko ibinuhos ang mga emosyon ko, ang mga tanong ko.. Bakit ganun? Mabuti naman akong tao. Marami akong tinanggihan (naks!) dahil sa lalaking minahal ko ng todo, tapos ganun lang mangyayari saken.. Bakeet?? Ganyan ang drama ko noon, haha..

Natapos ng tuluyan ang relasyong iningatan ko ng matagal na panahon 2 days after new year. At nag-decide na rin ako na i-share sa pamilya ko kung ano ang mga pinagdadaanan ko..

At siyempre, andyan din si God na super love ako at nag-guide saken na mag-move on.. In fairness, siya yun pinaka-kinapitan ko ng time na yun, and I made the right choice.. Kaya stay positive ako..

Nun medyo okay na ako, nasawa na ko sa pagpo-post ng ka-emohan, naisipan kong gumawa ng bagong blog.. eto yun, so second blog ko na to.. In fairness, may pumatol, may nagbasa, hahaha..

Ayun lang, so now you know..

"Learn to love. Learn to forgive. Learn to forget. And Learn to live.”

**Bumalik saken ang mga alalala na yan dahil sa isang bagong kaibigan na blogger na nakakwentuhan ko about lovelife kahapon.. Wag kang assuming, hindi na ako bitter  :)

**Dedicated din sa mga tunay na kaibigan ko na hindi ako pinabayaan nun time na yan :)