Wednesday, August 15, 2012

Sinong may birthday??

Ola mga amiga! Dahil wala na akong hang over, it's time na ikuwento ko ang swimming namin sa Club Manila East last Sunday. Malayo to samen e, mga tatlong tumbling at limang kandirit..

Meet bff Rio!
Ang konti ng guests, yey! Closed nga lang yung ibang pools like the Ocean Waves, Lap Pool at yun 14ft na dive pool pero keri lang, wala namang ako balak mag-suicide este mag-dive!

Surfing @ Beach Waves Pool
We wanted to practice surfing kaya lang que mahal ng lessons, PhP1500 for 2 hours! So nag-kayak na lang kami, free pa! Kuripot no?

With bff Zaicy
And we also tried zipline. Wala akong fear of heights kaya super enjoy ko to. Parang lumilipad lang. Kaya lang yung partner kong si Zai, parang aatakihin sa puso sa sobrang takot, haha.. Wala kami pic, hindi kinaya ng powers ni paparazzai!

Say hi to Rowie na lang!
And of course, ang walang katapusang swimming at jumping sa beach waves pool, pakikipaglaro sa mga inaanak kong bibo, at di matawarang pictorial.

Mic&Nic with baby Athena
Joel&Lori with baby Sophie
Rio, Athena, Me, Lori & Sophie
Dami ko tawa sa two-piece ni Sophie!
The Complete Gang!

After ng swimming, go kami sa El Pedro's Grill para magpakabusog at magpakalashing. Naikuwento ko na ang resulta ng kalasingan ko sa previous post ko so there. Haha, nonsense na naman ako.

Anyways, sino nga ba ang may birthday today?? Well, ang ubod ng ganda at nuknukan ng kaseksihan at binobola naten sya dahil nga bday nya.. No other than, ang babaeng nilunod ng napaka-charming nyang anak sa pool..


Happy Birthday
Lori a.k.a. Anne of Here You'll Find Me!

O friend, pinaputi kita dito ha? Haha, Labyu!
Happy Happy Birthday my dear friend. I love you so so much! Wala ng drama drama baka maiyak pa tayo, basta more blessings and more birthdays to come! Mwaah..



53 comments:

  1. Happy Birthday to you. Sana makapunta kami sa lugar na yan para mag.unwind man lang..

    ReplyDelete
  2. adik ka... maputi tlg ako... haha!

    thanks! i luv u 2! mwah mwah mwah! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ambisyosang palakang pasikatera ka!! blog mo, blog mo?? hahaha.. sige, dahil bday mo, you're free to reply sa lahat, kaloka ka! wahaha..

      Delete
    2. hahaha! di ba nga sabi ko blog ko... :p taga-transcribe ka lang ng events... hahaha! :p

      Delete
    3. sa susunod, blocked ka na, hahaha..

      Delete
    4. Happy Birthday Anne! ito talaga ako nag greet para mag comment ulet si Juana he he :P

      Delete
  3. hahaha! ang dami ko ding tawa sa 2 piece ni sophie..ang cute nang paglunod ni sophie kay momy Lori hahaha...happy birthday Lori a.k.a Anne a.k.a Loanne and Lori Angela for short :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang dami ngang natutuwa sa killer tendencies ng anak ko... haaayyyy... pamigay ko na kaya noh? bago ako tuluyan... haha!

      thanks pink line! :)

      Delete
    2. haha..naaaliw ako..at ikaw talaga ang nagrereply sa comment..
      sige saken mo na lang ibigay..ang cute kasi ni sophie ang sarap iuwi :)

      Delete
  4. What's "kandirit"?

    Happy birthday, Lori. Next time, invite mo rin ako. hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Lili...

      hahayaan kong si Joanne ang sumagot kung ano ang "kandirit"... ;)

      Delete
    2. Lili, ang kandirit e yun isang paa lang gamit tas tatalon talon ka, hahaha, ang labo ko

      Delete
  5. HAHAHA. talagang linulunod ng anak??? :P

    Happy birthday to her :) weeee!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tuwang-tuwa nga ung mga ninong at ninang eh... sa susunod sila naman gaganyanin ng anak ko... haha!

      Thanks...

      Delete
  6. ang ganda ng place. ang laki ng pool. happy birthday ng friend mo ;-)

    just me,
    Phioxee

    www.phioxee.com
    http://phioxeeAwareness.blogspot.com

    ReplyDelete
  7. hapi bday sa friend mo :) yung bff mong si zaicy palagi mo tlgang kasama mo no? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks po...

      may relasyon silang nililihim ni zaicy... haha! (peace! baka lunurin na akong tuluyan ni zaizai...)

      Delete
  8. hahaha! blog ko nga pala 'to Joanne... hahaha! makaepal lang sa pagrereply... hahahaha! marami p akong energy eh... :p

    ReplyDelete
  9. wahahaha.. andami kong tawa sa "pinaputi kita dito". happy bday lori. salamat at pumayag ka na i-peer pressure namin sa ngalan ng pizza.

    NEXT STOP: ILO-ILO (can't wait! )

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks friend.. sa greetings at sa peer pressure... haha!

      excited na din kami ni Sophie sa Iloilo natin... ^_^

      Delete
  10. gusto ko gusto kung subukan yong mga activities na ginawa nyo sa tay-tay Rizal. hindi pa den ako naka-punta na lugar na yan.... pero sobrang ganda, kakaingit walang ocean dito...

    ReplyDelete
  11. Can't wait to go swimming sa pool hehe, dito kasi summer nga malamig naman ang tubig dagat kaya next week magbababad ako sa pool at bubble bath para makapagrelax naman ng konti.

    ReplyDelete
  12. Ang sarap kpag bday mo, very vocal ang mga frienship sa pagsabing mahal ka nila hehehe.
    Cute pictures, like ko ang place na yan!

    ReplyDelete
  13. nice. sarap magswimming. tagal na rin nung huli akong nakapagswim kahit di ako marunong masyado hehehe =D

    ReplyDelete
  14. Ang saya naman nito. Habang ang karamihan ay nagsswimming sa baha, kayo sa swimming pool. Hehe. Gusto ko ring masubukang magziplne.

    ReplyDelete
  15. @Everyone - Thanks sa lahat ng nag-comment at sa mga greetings para sa kaibigan kong adik! Na-carried away siya at siya na nag-reply sa mga comments nyo, lol. Pero dahil nga birthday nya, e pagbigyan naten ang kabaliwan nya sa ngayon (sa susunod e sasaktan ko na siya, char.) haha!

    Thanks! Much love! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ha ha ha I love this comment! evil friend ka talaga Juana! at ikaw na ang seksing naka- 2 piece! bow!

      Delete
    2. Ganyan talaga kami magmahalan sa ELF! Sus, over nga kapayatan ko ngayon, mukhang anorexic lang, asar, kain naman ako ng kain, why o why!

      Delete
  16. Ang saya ng bonding nyo! happy birthday to Lori!

    ReplyDelete
  17. hahaha, ang saya nyo naman, at gustong gusto ko yong description mong " ang babaeng nilunod ng napaka-charming nyang anak sa pool" clap-clap...hahaha..at nakita ko agad kung sino....syanga tell mo na lang sa friend mo happy birthday.

    ReplyDelete
  18. ang ganda naman dyan! kainggit!

    ReplyDelete
    Replies
    1. e kasi naman, di ba sinasama kita, dami mo arte! :D

      Delete
  19. required ba mag topless ang mga lalaki sa CME? hahaha, di keri ng puro stretch na body kow. hahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay hindi naman, over confident lang friends ko sa mga virtual abs nila, charot!

      Delete
    2. Naku, required yata. Last time we went there, nasita yung kaibigan ko kasi naka-Tshirt sya. hehe

      Delete
    3. Yun mga koreana dun naka hooded jacket na dark colored pa e wala naman sumita, so parang wala naman..

      Delete
  20. ang kukulet ng mga piktyurs niyo! Belated humpy burpday sa friend mo! ヅ


    http://fashionmoto.blogspot.com

    ReplyDelete
  21. Parang ang ganda jan sa lugar na yan! Malayo ba ang taytay rizal sa paranaque? Hehe talagang tinanong pa eh no, pde naman igoogle. Hay, busy kasi ang nanay na inyong lingkod :-D wish ko makapunta jan next time na biumisita kami ng pinas!

    Spanish Pinay

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa tingin ko malayo, kasi hindi ko alam kung san ang Paranaque, haha

      Delete
  22. I miss that place. Di ko alam na may zipline pala e. Haha

    ReplyDelete
  23. I have something for you in my blog. Please check if you have a chance. Thanks.

    ReplyDelete
  24. Sarap ng summer! sarap magswimming...
    Hi! (napadaan lang uli..)

    ReplyDelete