Picture agad agad?! So ayan, last Friday habang kasagsagan ng bagyong hindi ko alam ang pangalan Ferdie, nagpunta kami ng La Union! Sobrang guilty ko pa bago umalis kasi ayaw ako payagan ni Mama at uber warla na siya, kaso may mga naghihintay saken at for sure na papatayin ako ni Zaicy (seryoso!) pag in-indian ko siya kaya go pa rin ako.
Meet-up sa Eastwood ng 11pm, andun yun van na ni-rent namin. Originally, dapat 15 kami kaso may 5 pasaway na nagback-out (tubuan sana sila ng pigsa sa pwet,char!). Hong tagal ng byahe. Alam na alam mo kung sino yun mga night persons, dahil habang tulog silang lahat, kami ni Zaicy ay chikahan at tawanan to the max, more kain at text! Bwisit much siguro sila samin dahil sa ingay, lol!
After 6 hours, narating din namin ang San Juan Surf Resort! We had to wait til 7am bago makapag-early check-in at breakfast.
Room namin ni Zaicy yun nasa far right. Yun 8 naka-bukod ng rooms, naka-package kasi yun room nila sa surfing lessons.. saling pusa lang kami!
By 8.30am, start na ng surf mode nila. Watch muna kami ni Zaicy. Nalurkey ako sa lakas at taas ng alon!! Nakita ko silang nagpa-tumbling tumbling sa tubig. Afraid!! Ayoko na siya i-try. No no no way! Pero after 30mins, ini-stop ang lessons, lilipat daw sa mas gentle ang waves. Good.
Sumakay kami ng jeep papunta sa kabilang beach. May kasama kaming iba pang students. May conyo girl na sumakay sabay sabi "Oh My God, I'm gonna ride a jeep! Nah, I've never.. I've never.." Wish ko na sana matapos yun sentence kaso bigla siyang nag "Never mind", lol.
Malayo din yun pinuntahan na beach parang 45mins na travel time! In fairness, mas mababa nga yun alon dun so resume ang lessons nila! Observe ulet kami ni Zaicy, at nagpaka-photographer muna ako.
Using Rowie's DSLR |
Namangha naman ako sa zoom powers nun cam! Ang saya ko everytime na may makita akong nakatayo sa surf board, more pics agad! Siyempre, ang galing ni Rowie, siya yun unang nakita ko na nag-succeed sa pagtayo. Naging cheering squad tuloy kami ni Zaicy! Pero maya maya naman ay naka-tayo na halos lahat.. Galing galing!
Engineer/Manager/Photographer/Surfer Rowie |
Sakay ng surfboard, dinala ko ni Kuya Jash sa gitna ng West Philippine Sea! Charot! Basta, malayo na siya sa shore, at sobrang nervous ko. Hello?! Pwede ko ikamatay to no, lol!
Nun sa tingin ni Kuya ay di na ko makakabalik ng buhay sakto na ang layo, inayos nya na yun surfboard na nakaharap sa shore. Sabay sabi ng "ready?", tulak ng malakas at sigaw ng "tayo!" Sarap lang saktan ng instructor e, sa unang try super lakas ng tulak, sadista?! Nag-try naman ako tumayo, pero nadulas ako at napa-upo sa board, haha!
So yun, makailang ulet ko ginawang balsa yun board ko. Naloka na lang ako ng makita ko si Zaicy na nag sariling sikap at effortless ang pagsusurf! Talented?!? Di na kailangan ng instructor?! Tanong ni Kuya, "Boyfriend mo yun?" sabi ko hindi, "Ang sweet nyo kasi e" pero hindi ko na na-reveal ang katotohanan sa pagkatao ni Zaicy dahil tinulak na ulet ako ni Kuya!
O taray ni bestfriend! |
Nag-succeed ba ako sa surfing challenge? Dahil idol ko si Arline ng Pinkline, bibitinin ko din ang kwento, haha! Abangan..
Fast forward muna tayo sa Day 2 - City Tour! Nagcheck-out kami ng 9am sa resort kinabukasan. Pero siyempre photo-op muna with Luke Landrigan, yun sikat na surfer ng Billabong Asia!
First stop is Ma Cho Temple. Waing borta ditey, okay? Ito raw ang largest Taoist Temple outside China though I'm not sure kung updated ang info na yan.
Next ang Filipino-Chinese Friendship Pagoda. Bongga sana ang view dito, over looking kasi. Inconsiderate lang nun mga nag-vandal!
Dumaan din kami Sa Heroes Hill, literal na dumaan lang, haha! Hindi na namin kaya umakyat pa, haggard na!
Last stop namin sa Pindangan Ruins. It is the remains of the oldest church in San Fernando that was built in May 6, 1786 and was was damaged due to the earthquake in 1892.
End of La Union Trip.. Nag-quick lunch lang kami sa KFC then fly back to Manila na. Sorry naman, ang haba ng story ko.
P.S. Anong gagawin mo kung nahulog ang pouch mo sa toilet bowl ng isang public CR? Anong i-prioritize mo? Ang kaartehan/pandidiri o ang cellphone/cash/ids/cards mo? I chose the latter.. Yuck!
P.P.S. Pictures from Zaicy. Add ko na lang yun iba pang pics, busy pa si photographer Rowie!
Fast forward muna tayo sa Day 2 - City Tour! Nagcheck-out kami ng 9am sa resort kinabukasan. Pero siyempre photo-op muna with Luke Landrigan, yun sikat na surfer ng Billabong Asia!
From Left to Right: Zaicy, Dulce, Joy, Pew, Luke, Me, Rowie, Deia, JR, Rio & Rhoda |
Bye San Juan Surf Resort! |
Next ang Filipino-Chinese Friendship Pagoda. Bongga sana ang view dito, over looking kasi. Inconsiderate lang nun mga nag-vandal!
Dumaan din kami Sa Heroes Hill, literal na dumaan lang, haha! Hindi na namin kaya umakyat pa, haggard na!
From google lang |
Tuloy po kayo? :) |
P.S. Anong gagawin mo kung nahulog ang pouch mo sa toilet bowl ng isang public CR? Anong i-prioritize mo? Ang kaartehan/pandidiri o ang cellphone/cash/ids/cards mo? I chose the latter.. Yuck!
P.P.S. Pictures from Zaicy. Add ko na lang yun iba pang pics, busy pa si photographer Rowie!
FYI:
San Juan Surf Resort
Urbiztondo, San Juan, La Union, Phillipines
Bungalow Room for 2: PhP1760(with free breakfast) + Early Check-in Fee: PhP500
Per Hour Swimming Lesson Rate: PhP400 (except with Luke Landrigan)
http://www.sanjuansurfresort.com.ph
http://www.sanjuansurfschool.ph
Van: PhP8000 for 2days + gas and toll: PhP3000+
Ui si luke landrigan fb kme nyan feeling close lang haha Ansarap magsurf sobrang miss ko na talaga at di alam kung kelan ang susunod hay, wow nauna sya kay zai na mgpost! Nag-eb pala kme ni empi,kala ko kasama kayo pero yun nga nasa LU raw kayo!
ReplyDeleteAng saya! In my 30 years of existence, never in my life naka try nang major major surfing, kainggit much lng ang mga pictures niyo.
ReplyDeleteLagi kmi sa La Union beaches pero wah naliligo! Takot sa araw hehehe.
sa lahat naman ng makukuha mo saken yung pambibitin pa lols..
ReplyDeletealam mo ba nung weekend na bumabagyo naalala talaga kita naisip ko kung natuloy ka sa L.U. kahit may bagyo..
parang bet ko kay Luke magpaturo ng surfing haha!
at kumusta naman ang cellphone na nahulog sa toilet bowl?...
Kakatuwa ka talaga ni Joanne. Ver funny ang post mo na eto and at least nakita ko na dyan. Ang tapang mo din, kahit di ka marunong lumangoy, sabi mo, nagtry ka pa din mag surf. Kung ako, pag lubog ko, di na ko lulutang uli. Kaya, si grandma, sa dalampasigan na lang. Anyway, buti di kayo inulan at binagyo.
ReplyDeleteEnjoyed reading. At naalala ko lang mga araw na andyan ako. hehe
ReplyDeletebangkaggwapo ni luke! super award ang pagwoworry ko sa inyo.. tinawagan ko pa si kumareng loru angela. buti na lang at safe kayo at naenjoy nyo nang bongga. sana makasama kami next time.
ReplyDeleteI'm jealous. I want to go to the beach too but not to surf. Gusto ko lang magpacute doon. Hahahaha.
ReplyDeleteI enjoyed this post. Never been to that part of Pilipinas pa but sa photos and kwento mo, I've been there na.
ah eh nagmamadali ako, I'm heading out... gusto ko lang magsabi ng "ehem" :)))
ReplyDeleteBalik ako maya lolz
Wow, Ang ganda namna dyan..tama yan ginawa mo kahit di payag si ermat mo go pa orin...hehehehheh..Looks really fun...
ReplyDeleteWOW! ang ganda ng alon... dito ako unang natutong mag surf! nakaka-miss ang La Union! thanks for sharing... :)
ReplyDeleteok n sana.. wala k nmn pics n ngsusurf ka..bkit wala?pero ang galing mu ha.... ngtry ka,, sabi mu nga..sana njan din ako,,hehe....solve nmn ako sa mga views.ang gaganda..amazing<3
ReplyDeleteaha! ikaw pla ang salarin kung bkit may anik-anik n tumutubo kay sophia! :p (sorry naman sobra... bawi ako sa inyo... pwamis!)
ReplyDeleteasus! sabi ko na nga ba sinamantala mo na ang gabi mo kay Zaicy eh... nahalata ni Kuya oh! haha! (may pag-asa pa tlg kau... ^_^)
kainggit... :( tinatanong ko tuloy ngayon ang sarili ko kung itatry ko bng mgsurf... buwis buhay 'te!
haist joanne naiinggit ako kasi di pa ako nakapagtry magsurf!
ReplyDeleteSana makapagsurfing din ako sa la union. Sa internet lang ako nagssurf eh hehehe!
ReplyDeletehi joanne. wow! saya naman ng beach vacay nyo. :D tapang mo din..parang sports unlimited. :-) btw, abangan ko ang result ng surfing challenge mo. tc! God bless!
ReplyDeletebilib ako sa mga marunong mag surfing...marami talagang magandang puntahan sa la union....
ReplyDeleteCool! Surfing! Gusto ko rin ma-try! HAHA!
ReplyDeleteHirap ako sa pag balance pero gusto ko i try ang surfing. Pero gusto ko naka lifevest at takot ako malunod. hahaha!
ReplyDeleteastig naman! never been to launion :D
ReplyDeleteAng ganda ng place. Hindi pako nakarating jan. Great photos too. Thanks for sharing.
ReplyDeleteSURFING! nice pics too...ganda ng place, sarap puntahan pag di na tag-ulan. hihi
ReplyDelete-VIC
Mas masarap magsurfing pag may bagyo kaya good decision ang trip nyong ito. Love the photos. :)
ReplyDeleteHello fans, charot! Sorry naman at di ako nakasagot sa mga comments nyo, busy-busyhan po kasi ako!Thank you sa lahat ng dumaan at nag-comment, super appreciated kayo lahat! Mmwaaahh!!!
ReplyDeleteyehey ang sayang experience! til next time surfer girl!
ReplyDeleteThanks Surfer Boy! Este surfer girl din pala..
Deletehindi ako manager joanne. :)
ReplyDeletesorry, medyo busy pa ako. sana makapag-upload ako ng pics this weekend. dami ko pa utang. hehe.
e basta para samen manager ka, haha! keri lang yan.. add ko na lang yun pics later, thanks rowie!
DeleteWhat a great shots? I wish to see the place soon. Thanks for sharing it! shitifujon.blogspot.com
ReplyDelete