Nun Dec 18 dumating yung panganay na anak ng Kuya ko na si JM dito sa bahay. Last na punta niya ng pasko dito nun 2009 pa. At nagulat ako kasi nagbyahe siya from Nueva Ecija to Cubao ng mag-isa lang. From Cubao, sinundo siya at hinatid lang sa terminal ng jeepney pa-Taytay. Byahe ulet mag-isa. Lakas ng loob kahit 14 pa lang. E ako kasi hanggang ngayon Megamall lang kaya kong i-commute ng walang kasama, haha.
![]() |
Ayaw pa-picture ng binata kaya puro siya stolen shot! Laki no? Kayang kaya ako i-hagis, lol. |
At dahil nga binata na, ayaw na niya ng gift na toys. Nagpabili siya saken ng sapatos, cap, shorts, wallet.. E inaanak ko to kaya pagbigyan na, mura lang naman mga pinili niya.
Dec 23 naman naman dumating si Ate ko kasama ang apat na chikiting na sina Ate (Mo)Jarie, Kuya (Do)Raemon, Josh at Zen. Idagdag na din ang makukulet na sina Chin at Jaydrex at si Joelle na anak ng kapatid ko na kasama namin dito sa bahay.
![]() |
My Pretty Ate and Zen |
![]() |
Ate Jarie, Chin and Joelle |
![]() |
Joshua |
Christmas Eve namin e simpleng kainan lang din. Actually hindi nga kami naghihintay na mag-midnight e, basta pag nakaluto na si mama, attack agad agad, hehe. Pagkatapos kumain, tulog. O di ba? Haha.
Pagka-gising kinabukasan kami nag-gift giving. Ewan ko kung bakit nawawala yung mga pictures, ngayon ko lang napansin. After nun nagsimba at saka namasko yung mga bata sa ilang kamag-anak at mga ninong at ninang. Pero puro mahiyain naman kaya umuwi rin sila agad. Kulitan lang tuloy kami maghapon.
![]() |
Mama, Jarie, Joelle, Chin, Zen, Ate and Jaydrex |
![]() |
Papa with Joelle |
![]() |
Me with pinsan/inaanak na si Kurt |
![]() |
Hindi gaano happy si mama sa gift kong bracelet! |
Akala ko hindi na talaga uuwi sina Kuya ko kasama yung iba ko pang pamangkin. Pero nun 26 e dumating din siya kasama sina CJ at Maczene. So total ng 10 bata ang nasa bahay. Ang wala lang e yung three month old na bunso ni Kuya, kawawa kasi ang layo ng byahe.
Si Maczene pagdating pa lang nagyaya na agad sa SM. Kakatuwa ang pamangkin kong to kasi makasakay lang ng escalator e masaya na siya, haha. Kaya sinama ko sina Kuya JM a.k.a. bouncer, si Ate Jarie a.k.a. yaya, si Maczene at Chin para gumala.
Kahaggard pala pag puro bata ang kasama, nawiwindang ako pag may nawawala sa paningin ko. Baka kasi mawala e wala pa naman ako pampalit sa mga to, hihi. Maglaro sana kami sa timezone kaso ang daming tao kaya naglibot na lang kami at kumain.
Ayaw talagang magpa-picture ni JM kaya surprise shot dapat. Kasabwat ko si Jarie. Mabilis umiwas ang bata, pero mabilis din ako mag-shot, haha. Tawa tuloy ng tawa lagi si Jarie Potpot.
Ayan lang naman ang ganap. Simple lang naman lagi ang Christmas celebration namin. Pero masaya yung pagsisiksikan namin dito sa bahay. Andami ba naman namin e. Lalo na nun hindi pa napapaayos ang bahay at iisa pa lang kwarto, para kaming sardinas talaga. Natawa nga lang ako kay JM kasi sabi niya mas maganda pa daw yun dating bahay, dapat daw hindi na pinalakihan. Kamusta naman yun? Sa bubong matutulog yung iba? Hehe.
![]() | |
Christmas 2009! Oh di ba siksikan? |
Pero parang wala ding nagbago this year. Tatlo na nga kwarto pero nadagdagan naman at naglakihan mga pamangkin ko kaya more siksikan pa din. At mas magulo. Imagine mo yung takbuhan ng mga bata, kalabugan ng pinto, sigawan, tawanan, sumbungan kaliwa't kanan, iyakan.. Ganyan. Nakakaloka talaga! Pero masaya.
Advance Happy New Year everyone! Hugs! :)