Tuesday, December 4, 2012

EB at Random!

At dahil nag-uumupaw pa rin ang excitement ko mula sa EB namin kanina, eto at may first post na ko for December, yey!

So around 4pm kanina ay ni-meet namin ni Zaicy sina Arline, Hash at Theo sa Food Court ng Megamall. At hindi po kumain sina Hash at Arline ng pasta sa World Chicken (hindi talaga!) kaya gutom sila nun lumipat kami sa Pepper Lunch para kumain, tumambay at hintayin yun iba pa..


Arline, Hash and Me.. Ang gaganda namin no?!

Few minutes lang at dumating din ang isa sa aming mga special guests.. Si Super Mario ng Unplog! Ang charming lang niya sa personal, malambing ang way ng pagsasalita (Ilonggo ka ba?), at always naka-smile!


Mar, Zaicy and Theo.. Sige na, gwapo rin kayo!

Gumamit kami ng chopsticks para bumagal ang pagkain namin while waiting sa isa pang special guest! Matapos maubos ang food namin at mai-chismis siya samen ni Theo dahil college classmates pala sila ay finally dumating din ang makulet at energetic pa rin kahit napagod sa paglalakad na si SuperJaid.. at maya maya ay dumating na din si Empi! 

We came to a conclusion na nag-date muna yun dalawa bago pumunta samin. At para hindi halata e pinauna muna ni Empi si Jaid saka siya sumunod! Chos! Galing si Jaid sa OJT at si Empi naman sa work..

Matapos i-pressure ni Theo si Jaid na ubusin agad agad ang mainit na beef pepper rice ay lumipat naman kami sa Starbucks! Libre ang coffee ko ni Sis Arline, prize dahil nasagot ko questions nun blog anniversary nya, yey! Thanks sis!



If you think na wala ng special guest pa, you're wrong! Dahil around 8pm ay dumating din ang isa sa pinakasikat, iniidolo at pinagpipitagan (tama ba yun term ko?) na Pinoy blogger.. si Bino ng Damuhan! Yey!



Malapit na ang Pasko kaya nag-papicture kami sa Christmas tree nina Mickey at Minnie Mouse! 


The Guys!
And the Gorgeous Gals!

Siyempre, kailangan may group pic na kasama kami lahat. Dahil ayaw ni Kuyang Guard na picturan kami, humanap si Sis Arline ng instant tripod.. 10 shots yung ganto namin!



Pero teka lang.. sino tong umaagaw sa loveteam kong si Zaicy!! Kung maka-yakap.. wagas! Another proof na hindi lahat ng ahas ay nasa gubat..

Ay hate chu sis! :)
Hindi kayo bagay.. eto mas bagay.. bagay sa gubat.. Ang Ahas at si Donald Duck.. echos!


Labyu sis!

At eto namang si Archieviner na hindi naman kasama sa EB (kawawa naman.. dyuk!) e nakigulo din at ginawan pa ko ng bagong love team..


Oh ang kiligin..... naiihi! :D
After ng bonggang pictorial, paalamanan na walang humpay at group hug na pang-teletubbies daw ang peg sabi ni Jaid, ay nag-goodbye na kami sa isa't isa.. Nag-shopping pa kami ni Zaicy bago umuwi, nakabili siya ng new shoes at ako naman new sandals..

Perfect na sana ang gabi.. 

Kaya lang nun pauwi na ko, may nakasabay akong exhibitionist sa jeep! Ang hinayupak na yun na katapat ko, pinapakita saken yung.. nota niya! (Hindi mo alam ang nota, ask a bakla! Rhyme pa, haha) Nun dedma ako, at nagbusy-busyhan sa pagtetext, dun sa isang babae naman siya nag-show! Kaderder lang.. 

Pero seriously, natatakot ako sa mga ganun, feeling ko kasi may mga problema sila sa utak! Which reminds me of the incident nun isang araw habang nasa jeep din ako papasok ng work..

Nasa dulo ako, malapit sa estribo. Nakahinto yun jeep ng matagal, intersection kasi yun, may katapat ako na binata at may isa pang matandang babae. May white na kotse sa likod nun jeep. May lalaking medyo chubby na lumabas ng kotse, at sumigaw ng .. 

"Beh! Beh! Sorry na! Patawarin mo na ako!" 

Parang ganyan. Dahil maingay siya, napalingon ako, tas dedma.. Sumigaw ulet sya.. 

"Beh! Beh! Uuwi na ko sa bahay! Wag ka na magalit!" 

Napatingin ulet ako kasi medyo eskandaloso na si Kuya and to my surprise, saken siya nakatingin! So inirapan ko lang at dedma ulet. Tinawag niya pa yun katapat kong lalaki at sinabing tawagin ako. In-announce ko talaga sa mga kasabay ko na hindi ko kilala yun lalaki. Pero tuloy pa din si Kuya sa pagsigaw.

Umandar na yun jeep pero bababa na rin ako sa kabilang side ng intersection. Nun huminto yun jeep, bumagal at parang titigil din yung white na kotse, at nakita ko na apat na lalaki ang sakay nun. Natakot ako, at nagmamadali talaga ako umakyat ng overpass, halos tumakbo na, nakalimutan ko talagang naka-4 inches na heels ako!

Naisip ko na baka hilahin ako at isakay dun sa kotse.. OA lang kasi pwedeng pinag-tripan lang din ako nun mga buset na yun.. Pero basta, natakot talaga ako.. Bilin ng friend ko na pag ganun daw e kukunin ko yun plate number para mai-report, e hindi ko naisip agad yun..


Anyways, nag-enjoy ako sa EB kanina! Namiss ko sina Arline, Hash at Empi.. At happy naman ako to see Theo again and to meet for the first time sina Mar, Jaid at Bino.. At nasasawa na ko kay Zaicy.. chocnut! Mwah!


89 comments:

  1. I saw one of the photos posted by Bino in twitter. Tinanong ko pa nga kung si Theo ang naka read and he confirmed naman. Bigla tuloy akong nasabik sa blogger's meet up. Kasi ang last blogger's meet up ko ay nung December 2011 pa with Kaye of Life is Kulayful and Jeo of Go Figure both of whom turned out to be Caleb (my first born) ninong and ninang.

    Kabad trip yung exhibitionist na yun ah...naku kung kasama lang kita sa jeep nabigwasan ko na yun..(feeling superhero mo lang) Pero, offensive yung ginagawa niya kaya mapapaaway ang lalaki na makakasabay mo in defense of you. Nice to see you with them (bloggers).

    Ako, sabi ko kay Bino looking forward ako to arrange a blogger's meet up too pag uwi ko ng Pinas. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ansaya naman.. sana pag ako naman nagka-anak e pumayag na maging ninang at ninong tong mga to, hehe! Ambisyosa ako sa anak, e wala nga ko jowa!

      Naks! Ang sweet naman! Sana nga e may lalaking mag-defend saken kung sakali, parang wala e, dedma din sila, haha!

      Sama ko sa EB na i-set mo ah! :)

      Delete
  2. Aba, kung sawa ka na sa akin, well sawa na din ako sa sarili ko no. Mas madalas ko kayang kasama ang sarili ko. Chos! Ang tama palang reaction ay "sawa ka na sa akin huhuhuhuhu :("


    Ang saya no, sa uulitin!


    BTW pansin mo ba dumami ang ganyang eksena ngayong long and straight na ang hair mo? May sumpa ata ginamit sa hair mo marse!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Zai..ako, hinding hindi mag-sasawa sayo..promise ;)

      Delete
    2. Haha, joke lang yun nasasawa ako sayo Zaicy.. eksena naman agad si Arline oh! Haha..

      Oo nga no, makapagpagupit na nga! Kaasar!

      Delete
  3. nashy ako hahaha. thanks sa invite. next time magdala ka ng pepper spray o kaya ung pangkuryente na nabibili sa mga hardware stores. maganda ka sa personal. nice meeting all of you :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks din sa pagpunta! Honored kami.. naks! Hehe! Ay thank you, may nagsabi din na maganda ako, madalas kasi ako lang nagsasabi e, haha!

      Delete
  4. Ang mga blogerro sa mundo ng blogosperyo. BOW.


    inggit ako. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. shet!, (napamura talaga?) ang taas ni Bino!!

      Delete
    2. Ang tatangkad nga ng mga lalaking yan! Tallest pa rin si Zaicy siyempre!

      Delete
    3. nalilito ako kay zai at kay bino. =.=" ang labo ko!

      Delete
    4. Haha, si Zaicy yun naka-bonet.. si Bino yung naka-green! :)

      Delete
  5. Replies
    1. miss u more and more and more... :D

      Delete
    2. Mark Panthony and JRo pa rin ako!

      Delete
    3. Ayiii.. kinilig naman ako sa aking original loveteam! Chocolates ko ah? haha

      Delete
  6. ansaya nio ah. pero katakot naman ung nang trip sayo. sabay pa. isang exhibitionist at tripper. tama si bino magdala ka next time ng pang spray...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Minsan nga gusto ko baril na lang dalhin e, mamamaril na lang ako agad agad, pwede ba yun? Joke!

      Delete
  7. wow ang saya.. sayang d ako nakasama salamat sa imbitasyon ma'am joane pasenxa na sobrang pagod sa biyahe d rin ako nakapasok sa opis kahapon... next time sana makasama narin ako at mameet ang mga bloggers tulad nyu :)...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayan, puro kayo ganyan, puro sayang, puro next time!! Haha, high blood??

      Delete
  8. Malaki ba yung nota ni Kuya? dyuk! Ingat ka sa susunod sis. Lalo na kung gabi. hala ka.

    Huwaw may bagong loveteam JONARIO. dyuk! Nandun din pala si Idol Bino. Ang saya ng EB nyo. Inggit lang ako. Si Empi pala yung kalbo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay hindi ko nasukat e, dyuk! Loko loko ka talaga!

      Ayaw mo talaga tantanan ang Jonario, ang panget kaya pakinggan, haha! Sa Feb, ikaw naman ang bida sa mga EB :D

      Delete
  9. Wow naman EB:)
    Ang saya niyan siguro:)

    ReplyDelete
  10. I think di ko kaya ang EB. Shy kasi ako masyado. :)

    Nagparinig ka sana kay kuya na, "ay pangtoothpick lang. :(" I kid! I kid! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay hindi pwede ang shy-shy samen ni Zai, pag nagbakasyon ka, EB tayo!!

      Hahahaha, lukaret ka talaga!

      Delete
    2. Natawa ako sa toothpick. Baka nakikipaglaro sya ng taguang ting-ting. lol

      Delete
  11. Hello, ayeeee :)

    ang saya naman ng EB. ang sweet ni zai at ate arline. ayeee ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas sweet kaya kami ni Zai no! Hahaha

      Delete
  12. wow EB ng mga blogger. na-tweet na ni Sir Bino na nakahabol pa siya sa EB na ito :D ang saya, sana makasama din ako sa ibang araw. kainggit :)))) happinesssssss

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay i-follow din kita sa twitter para next time ma-invite ka rin :)

      Delete
  13. Bilis ah! May post ka agad! hehe

    May utang pa ko sayong kape... sa uulitin!

    Be extra careful pala sa pagbyahe at maraming loko ngayon!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Na-high ako sa kape kagabi, hindi ko matulog kaya instant ang post!

      Wag ka mag-alala, hindi ko makakalimutan ang utang mong kape, haha!

      Delete
  14. wow... sayang... pwede pa pala humabol...

    hindi kinaya ng powers ko ang 4pm eh...

    ReplyDelete
  15. sa susunod, magdala ka palagi ng pepper spray. panlaban sa mga menyek :)
    saya naman ng EB. hihihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayoko nga kasi ng pepper spray, na-trauma ako dun dati kasi napaglaruan ng pinsan kong tila may ADHD, na-spray niya sa sarili nya, ayun na-iritate ng bongga ang skin!

      Delete
    2. i was wondering, pano kaya ko makakasama sa next na happening ninyo?? :) parang ansaya saya naman.

      Delete
    3. May twitter ka ba? Follow mo ko! Or fb, add mo ko! Pakilala ka lang, suplada ko, hindi ko nag-aadd pag di ko alam kung sino, haha!

      Delete
    4. nag send na ko ng contact number ke pink. hehehe di ko alam kung pano isesend sayo ng personal. wala akong twitter dahil di uso sa bundok yun. hahaha :) marami rin akong pinag tataguan sa facebook. madaming utang hahaha

      Delete
  16. weee ang cute ni Arline at Zai! ^_^

    sayang i wasn't able to go. huhu. -_-

    naku nakakatakot naman yun, ingat lgi sis!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually, akala ko kasama ka talaga! I was expecting you.. next time ha? :D

      Delete
  17. wow! hangsaya naman! kakainggit! saka ang cute ng mga photos... buti nagkita kita na din kayo....

    next time mas lalong mag ingat...

    at Goodluck sa bagong love team hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, good luck ka dyan! Ang panget ng pinangalan ni Archieviner sa pangatlong loveteam ko!

      Delete
  18. ang charap ng bonding ninyu. kakainggit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku, ang layo ninyo kasi ni Xoxo_Grah kaya di namin kayo ma-invite :(

      Delete
  19. sayang di ako nakasama.. may pasok kasi ako..

    ReplyDelete
  20. Nakakatuwa naman! :) Saya saya parang gusto ko makigulo! HAHAHAH!

    About sa exhibitionist, oyy ha, mahirap yung ginawa nya, nung una kong ginawa yun kinabahan ako. Dyok lang! Hindi talaga ako kinabahan. HAHAH! Dyok ulet. :D

    Pero totoo ang naiisip mo, may sira talaga sa utak ang mga yan. Tss!

    Hope to see you all as well someday. ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, pwede ka maki-gulo sa susunod na EB :)

      Ang dami kong tawa sayo.. hindi nga nag-eexhibition ka rin? Joke!

      Delete
    2. Magkikita kayo sa jip ni joanne. dyuk!

      Delete
    3. Ang susunod na exhibitionist na makasabay ko e babarilin ko agad agad!

      Delete
  21. naexperience ko na rin yang exhibitionist..pero naloka ako ng bongga sa lalaking lumabas sa white na kotse! katakot talaga yun..kung marami sila hindi kakayanin ng pepper spray yan lahat..medyo itago mo na lang ang beauty mo ganun talaga kasi pag mga magagandang katulad naten eh.. maglagay ka ng bigote at magkunwari kang lalake hehehe chos lang.. basta doble ingat sis..

    ako rin may hang-over pa ng EB hehe..nakakatuwa kasi mejo madami nakarating..sayang hindi nakasama yung iba..anyway may next time pa naman eh..

    go JoMar love team!

    sobrang namiss ko rin kayo ni Zai :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahirap talaga maging sing-gaganda naten sis.. echos! Ingat ingat din tayo baka lamunin tayo ng lupa sa pinagsasabi naten, haha!

      Ang saya no? Sana next time mga 20 tayo.. kagulo! haha!

      Haha.. pwedeng MarJo na lang, parang mas cute yun! ;)

      Delete
  22. Waaah! inggit much na naman ako. EB EB EB!!! glad you guys had a lot of fun meeting up.

    Ahahahaha, epal yung exhibitionist na yun ah XD bigla ko tuloy naalala yung nakasabay din namin ng mga classmates ko sa jeep dati, ewan ko kung matatawag syang exhibitionis kasi naka shorts lng si manong then wala syang suot na underwear kaya ang ending nag say hello yung ano nya... ahahahaha! pa simple at bulungan lang ang tawanan namin nun hahaha!

    sana makasama na ako sa next EB ahahah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana nga next time makasama ka.. mas madami, mas magulo, mas masaya!!

      Haha, parang ganyan nga yun nakasakay ko, exhibitionist na rin yun, pero ang difference lang, yung manong talagang inaangat niya yun shorts para maipakita yun ano rin nya, kakaasar lang!

      Delete
  23. wahhhh super saya naman ng EB nyo...
    Nakakaloka naman ang experience mo pauwi... may instand behbeh ka na heheheh
    ingat palagi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, kaloka nga, ang hilig ko pa rin namang tumawag ng beh or bebe! Dahil sa kanya, gusto ko ng magpalit ng term sa paglalambing!

      Delete
  24. Finally the hunk and the sexy met each other na! Saya ng EB nyo. Marj magflat shoes ka kaya pagnagcommute ka, tas pagnasa office na dun kana magpalit, seriously mas nag-alala ako baka sumemplang ka sa pagmamadali w 4 inches pa hehe. Put ICE In Case of Emergency sa fon mo at yun ang nasa top ng contacts para madali kang makacontact o hingi ng tulong. Ingat lagi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mare, sino ba si The Hunk?? Haha..

      Mas madalas naman na naka-flat shoes lang ako, paminsan lang ako mag-heels talaga, natiyempohan pa nun buset na si behbeh boy, haha! Mag-set na ko ng ICE! Thanks Mare!

      Delete
  25. Replies
    1. Ay next time, talagang i-invite kita! Mukha ka kasing suplado e, haha, joke!

      Delete
  26. Nakakatuwa naman may post agad ang EB nyo hahaha... Naunahan mo si Zai ah. So may bago palang loveteam at ikaw pa talaga ang naagawan ng ka-loveteam. Sana may pic din kayong 3 para mala- No Other Woman ang peg hahaha...

    Nakakatakot naman yung experience mo especially dun sa with the chubby guy. Malamang ako din tumakbo kung sa akin mangyari yun, mahirap na no. Glad nothing bad happened to you. Ingat palagi especially pag nagbabyahe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bongga yang idea mo, next time kaming 3 naman para ma-judge naten kung sino talaga mas bagay! haha

      Delete
  27. Nice! Star-studded ang EB. Ang saya siguro!

    Mukang bagay ang bagong mga loveteam. Haha. Kung sawa ka na kay Zai, lipat ka na kay Ser Mar. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, chos lang yun, hinding hindi ako magsasawa kay Zai, pwede namang additional si Mar.. Haha, landi??

      Delete
  28. Sarap nyo talaga mga kabataan na nag meet:) me naman mahiya siguro sa inyo. Imagine grandma meets the young ones:) baka la ako ma say... Happy for all of you though. Mag folllow up na lang k sa mga meetings nyo:)
    Anyway, katAkot naman na experience mo. Me naman may nakatabi sa sinihan before na naglalaro ng nota nya, kaya nspalabas kami ng girl friend ko ng d oras. Ingat joanne.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe.. ikinaloka ko ang paggamit mo Mommy Joy ng word na nota, hahaha! Kaasar yun mga lalaking ganyan, sarap tadyakan! haha

      Delete
  29. Sanay ka talaga sa puyatan madaling araw na nag ko comment pa! hehehe! Wow dami nyo nagkita-kits! Cute nung shirt ni Arline! Alam ko ang nota! hahaha! grabeh! Ano ba yan! Parang lapitin ka din ng mga may topak noh? hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, oo pag madaling araw gising kaya tanghali na nakahilata pa, haha! Nasanay sa night shift e.. Lapitin ka rin ba? Buset sila no?

      Delete
  30. Ang saya naman! Sana makajoin ulit ako ng ganito!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana nga.. ipa-invite kita kay Bino pag meron ulet :)

      Delete
  31. Ang cute ng Christmas tree. Ang saya ng EB nyo. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto ko nga gawin sa bahay yung ganyang Christmas tree, haha

      Delete
  32. Mas bagay pa din ung love team nyo ni zai...hahaha si pink line na lang dapat at tsaka si super mario...hihi ang saya ng EB nyo...inggit kami ni Phioxee.

    Nakakatakot talaga ung ma tripan ka tapos gabi pa talaga....be careful always...:)


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay oo nga.. parang bagay nga ang MarLin.. parang isda lang, haha!

      Delete
  33. Feel ko ang iyong black sleeveless ha. At bakit lamang ang guys sa gals. At bakit nga may isang nakayakap ganyan. At ang mga eksena sa jeepney ha, nakakaloka at kaderder nga!!!! Lumaki ang mata ko habang binabasa ang iyong paglalahad ng kaderder na lalaking yun. Buti na lang hindi ko na experience yan nung nasa pinas pa ako.. pero oo, may na experience naman din akong hipo-hipo sa LRT... ang result, jinombag ko sya ng aking bag!

    Spanish Pinay

    ReplyDelete
  34. Nauna kong nabasa ang blog post mo kaysa kay Arline.. kaso ayaw mag-view ng comment form kaya inuna kong magcomment sa kanya... I told her, copy-paste ko na lang sana ang comment ko sayo kasi same event naman hehe... anyway, ansaya ng gatherings ah...ayos ang picturan at kainan!

    ReplyDelete
  35. waaaahhhh.. joanne, super scary naman yung mga experience mo habang nag-co-commute..!!!

    anyway, nakakatuwa naman na may mga blogger get-together din.. next time join ako... want to meet new friends... ;)

    ReplyDelete
  36. Geez! katakot kaya yan,sa sunod wag kang bumaba kung feeling mo may sumusunod sayo,bumaba ka sa pulis station kasi di mo alam ang mga utak ng tao.Wow! mga friendship mo blogger din pala buti at dumadami kayo dyan.Marami man activities ang blogger dyan sa pinas.

    ReplyDelete
  37. hanga ako sa iyo at madami ka ng na meet na may blog din....good...

    ReplyDelete
  38. Mas bagay ang ZaiJan(yung labteam nio ni Zai) hahaha. :D nakita ko sa post nia pics nio. :D may spark heheheh

    ReplyDelete
  39. Ha! Next tripleng ingat, di m alm kng kelan may panganib sa paligid, specially sa rea niu, lam qng delikado tlga der. Hehe

    Yng time na gnawa mo to h eh, gnawa q yung emo post q, haha counterpart haha, pero nagenjoy aq as in, nkta m n rn kakulitan q, pero wla pa un, dhel hnd pa aq hypre s tym n un bwahahahaha


    Hanggang sa muli! :))

    ReplyDelete
  40. Wala talagang dull momemt kapag magkasama kayo ni Zai at ang dabarkadz! Ang kulet nyo! ^◡^


    Katakot yung mga na encounters mo ah, I've met an exhibitionist dati at sa jeep din trip nila, katabi ko pa! tsk!
    Thanks for sharing about sa mga lalaki na nakasakay sa kotse, ganun din ang maiisip ko kapag ako nasa sitwasyon mo! tsk! Katakot!

    Thank God your safe! Let's always be careful! ^◡^

    Fashionmoto

    ReplyDelete
  41. dami talagang pictures if enjoy mo ang company ng iba :D at ang bastos ng mga lalake ng pinagtripan ka! kapag naka lapit cya sayo sapalin mo talaga! HAHAH

    Thank you for the comment on my blog, I'm a new follower and I'd love it if you could follow back :D

    http://steph-g.blogspot.com

    ReplyDelete
  42. saya talaga ng Eb natin noh... walang humpay na kulitan at tawanan..hay naku sis kung wala lang ako baby baka madaling araw pa tau umuwi..hehehe... pero atleast nakakalbas pa rin ako at nakakasama ko kau..

    badtrip ung guy na un ha...sana bago ka bumaba sinampal mo sya sabay takbo..bastos sya!!!

    ReplyDelete