By now, siguro naman alam nyo na ang Friday e gala day ko di ba?haha! Ang destination namin kahapon ay ang Zero Degree Manila na ang press release nila ay ang First Ice Bar in the Philippines! Taray di ba?
Kasama ko si Zaicy for the nth time at si Empi for the 3rd time. Nagkita kami sa Antipolo na homeland (homeland talaga?) ni Zaicy. In fairness, madali lang puntahan yun Ice Bar, sakay ng fx na pa-Cubao na ang daan dapat sa Sumulong Hi-way at chikahin si Koyang Driver ng slight para ibaba kayo sa tamang spot!
![]() |
and voila, were here! |
The bar is open from 6pm to 12mn. Dumating kami ng 5.30pm at napaka-hospitable nun receptionist, pinaghintay kami sa labas, haha! After 15mins, tinawag na kami at inofferan na mag-upgrade sa unli drinks at unli entrance sa Ice Bar for PhP200 only! Nun pumayag kami, biglang naging PhP300 yun upgrade rate! Scammer si Kuya, joke! Pero ayaw na namin, ang gulo e!
Nun 6pm na pinapunta na kami sa 3rd floor for our Eat-all-you-can buffet! Masarap yun food. Okay din yun ambience ng place. At dahil umulan ng bongga with matching kulog at kidlat pa, kami lang tatlo ang customers nila so alam na! More kain, more fun... silang dalawa! hahaha..
![]() |
Fav ko yun Orange Chicken, bongga sa magic sarap! |
Nag-stay kami til 8pm sa buffet area. Then we decided na bumaba na sa basement para ma-experience ang freezing cold na Ice Bar! May small prep area kung saan pipili ka ng jacket na isusuot mo, 2 sizes lang - large at xl!
Ganito yun walls nun prep area.. Hindi siya artsy para saken, ang dumi at gulo kaya tingnan (opinion ko lang po yan)!
Ayan, pwede na kami pumasok! But wait, may bagong policy daw.. hanggang 2 pics lang ang allowed sa loob! Joke yun? Nope! Kung gusto ng mas maraming shots, kailangan mag-avail ng drinks, nakakalowka!
Wala naman kakaiba dun sa loob, tiled floor and glass walls.. at malamig, yun lang! Sabi nga ni Zaicy na uber funny, para lang daw kami nasa loob ng Morgue, haha! May table made of ice kung san nakapatong yun mga alcoholic chuvaness at bench na gawa rin sa yelo..
![]() |
Picture#1 |
Tapos may dalawang ice sculptures, a dolphin and a swan (mas maganda yun dolphin). At eto ang bonggang eksena..
Zaicy&Me: Pa-picture tayo with the dolphin!
![]() |
Picture#2 |
Question: Nasaan ang dolphin?? Answer: Tinakpan ni Empi!
Kaloka Much! Kung hindi ko lang love tong si Empi, nabatukan ko na siya, hahaha! Siyempre, naka-dalawang pic na kami so wala ng take 2 ang picture with the dolphin, tsk tsk! LOL!
We got bored din sa loob, so after 10mins lang ata e lumabas na kami (you can stay upto 30mins). Saka kami bumawi ng slight sa pagpipicturan, kunwari malamig pa din!
![]() |
Love love Zaicy! |
![]() |
Wala kang hug dahil sa ginawa mo sa dolphin shot, haha! |
In fairness, we still had so much fun! Sabagay, kahit san naman ata kami magpunta e happy kami lagi, kahit may mga unexpected or unforeseen events! Ganun dapat di ba? :)
***
I just joined BlogsNgPinoy and they added me in their directory list! If you also want to be added, click here!
Plus you can also vote for your most favorite blogs which will be displayed in their Blogs of Fame, click here! BTW, I
If you are already on the list, let me know and I'll vote for you too! :)
Much love everyone!