Showing posts with label gala-era. Show all posts
Showing posts with label gala-era. Show all posts

Thursday, January 31, 2013

Ark Avilon Zoo!

Hello handsome guys and lovely ladies!

Today is my uber malditang niece's 5th birthday. First week pa lang ng January ay nagpaparinig na si Chin-chin na malapit na daw birthday niya. Naglalambing at may pa-yakap yakap pa ang bata kaya naman nag-promise ako na pupunta kami ng zoo. So last Tuesday nga ay nagpunta kami ng Ark Avilon!


I purchased six advance tickets for PhP200 each. 
PhP100 discount compared to reg ticket price!

Sobrang excited ni Jaydrex, 9:30am palang nakaligo at nakabihis na siya. Come 11am e hindi pa rin kami nakakaalis dahil tagal namin magpaganda este mag-prepare. Nag-slight tantrums na ang bata, padyak padyak at subsob sa sofa at sigaw ng "Antagal! Antagal naman!". Dami namin tawa sa kanya talaga. 

FX sinakyan namin papuntang Tiendesitas. We arrived in Ark Avilon in no time. Buti na lang hindi heavy traffic. While nagpa-register ako, pictorial na agad ang mi familia amor with the pets for adoption ng Pet-tissimo.



For sure, mag-enjoy din si Bff Zaicy sa Avilon. Ang dami kasing birds! At amazed ako sa mga birds na to kasi kahit walang tali, hindi sila nag-fly me to the moon at escape from Azkaban.


Taray ng Eagle - sunbathing!
Hindi ba keri ng owls na i-close ang eyes? Tamad ako mag-google.
Shy type ang silver ek ek!
Chaka-bird. Chaka di ba?

May katamaran lang ang mga animals dito. Halos lahat sila tulog. Mula sa tiger, lion, hyena at sa black bear. Oras kasi ata ng siesta yun punta namin.

Naaninag nyo pa ba yung lion?
Ang mga kontrabida sa Lion King!
May naalala kong cartoons nun bata pa ko dito, di ko alam title.
Buti pa siya gising, tulala lang!

And then nilabas yun albino burmese phyton. Nagkaroon ng konting thrill. Dahil nakahawak na ko neto nun nag-Davao kami, less na din takot ko. But this is twice bigger. Bigat at mas mahirap i-control yun head.

Cool na cool Kuya ko oh! Tapang!!
Pero ang totoo.. takot na takot naman! Napapatili pa, nyahaha!

Wag ko daw i-post yun picture niya. E sabi ko blog ko to, wag siya mangialam. Bad ko no? Hehe.

And then we toured around some more. Madami pang ibang species ng birds at andaming guinea pig. Meron ding sheeps at pygmy pigs. Crocodiles at turtles at yung mga giant arapaimas.

Bawi naman sa kagwapuhan ang Kuya ko oh!
Panalo din ka-cute-an ni Jaydrex!
Siyempre ni Mommy at Chin din
This one's a turtle. Parang crocodile ang peg.

One of the highlights din ay nun lumabas na sa Jenny. Not sure if she's an orangutan or chimpanzee. Super bango niya. Sabi ni mama, amoy downy daw. Napa-rubadabango tuloy kami. 


Kaaliw si Jenny kasi parang super love niya si mama. Muntik nya pa talagang i-kiss. Niloloko namin si Mama na akala ata ni Jenny siya ang nawawala nyang mudra.

 
But we soon found out na iba pala motibo niya. Bet pala niya yung bracelet ni Mama. At yun bag ko. At yun cellphone na laruan ni Chin. Klepto lang ang peg? Pero masunurin naman si Jenny, isang saway lang ni trainer nya, behave na ulet.



Kung si Jenny mabait, ibang level naman ng pasaway tong isang unggoy na to. Maglalambitin, bubukaka at paglalaruan ang kanyang tooot.. Pervert naman ang peg. Kaloka.




Nag-feed din kami ng mga patay gutom na carps. Stampede talaga sila, tipong dinadaganan ang isa't isa. Pero aliw to!


Hindi naman halata na enjoy ako?
Feeling namin ang tagal na namin andun. Around 3pm umalis na din kami. Naglakad lakad sa Tiendesitas Tiangge ng konti.


Oh ansabe nyo sa pose ni Mama ko?!

Sobrang hyper nun dalawa kaya naman nagutom din agad. Due to insistent public demand, sa Jollibee dapat kakain. Dahil di ko alam kung may Jollibee near Tiende at ayoko naman magtanong, fly kami to Ever Gotesco Mall. Kain lang at laro sandali yung mga bata.


At yung isip bata. Lol.


That's it! At dahil ngayon talaga ang birthday ni Chin, ni-surprise ko siya ng maliit na mocha cake pag gising niya. Sa family namin, you'll know kung talagang happy pag nawawala yun mata sa pag-smile!


Happy Birthday sa aking cute na cute na pamangkin na love na love ni Tita!


Side Kwento:

I am uberly happy ngayon dahil nakapagpabook na ko ng flights para sa Cebu/Bohol Trip ng ELF this June. I really wanted na matuloy kami kaya lang medyo nawawalan na ko ng pag-asa dahil ambilis maubos ng mga seat sale. Good thing this morning ay napadaan ako sa website ng Tiger Airways at meron silang piso fare. Pasok sa date na napagkasunduan namin. RT ticket namin ay almost PhP600 lang kasama na prepaid baggage. Ipinagdasal ko to, though sabi ko if it's not meant to be e okay lang din. Pero mukhang meant to be, yey! Thank You God.

Dear Blogger friends and readers kong iilan, please support PBO. Follow @iHeartPBO thru twitter or click here to follow the official blog site via GFC. And also like the Facebook Fan Page, click here. We will be having a bazaar of pre-loved items this Feb. Love month naman na, so share some love. If you have any donations in cash or in kind, you may contact me thru twitter and I'll coordinate with the rest of the officers. 

♥ Have fun everyone! :D


Sunday, September 2, 2012

Star City!

Happy Sunday!

Last restdays ko, I was on a "child at heart" peg! Thursday, walang tulugan after shift, nag-explore kami sa Science Centrum. So over 24hrs ako gising, tas 10 hrs na tulog, pag gising ko Friday na, at Star City naman ang destination ko. Ayoko lang gumala, haha.

Kasama ko sina bff Zaicy, Empi at officemate Ann. Meet-up sa MRT Taft Station ng 1:30pm, quick lunch sa KFC, then off to Star City! 


Yes, naka-metrodeal vouchers kami kaya PhP230 na lang ang ride-all-you can pass
Meet Ann, ang aming sweet pero minsan gullible na teammate ni Zaicy
Just so you know, heaven para saken ang mga amusement parks. Wala akong takot sa heights so bongga excitement ko sa mga rides! :D

Pasok si Zaicy sa Land of the Giants, kami kasing tatlo ay pang-land of the midgets, haha.



First ride namin ay ang Wacky Worm (parang caterpillar), hindi kasama si Ann kasi natakot siya. Agad agad, kaloka! Then sumakay kaming apat sa Dragon Express (parang caterpillar din) at sa Telecombat (parang octopus).


Habang nakapila
Hindi takot si Ann, hindi talaga!
Blue Team
White Team
Sunod naman ang Viking, si Zai naman ang hindi kasama, kasi last time daw na sumakay siya dun ay nahilo siya (at mukhang na-trauma!).


Proud ako kay Ann, kahit nakasiksik siya saken the whole time, na-conquer nya ang Viking!
Sumakay din kami ni Empi sa Blizzard (mild roller coaster). Hindi na daw kaya ng powers nina Zai at Ann kaya nag-miryenda na lang sila habang hinihintay kami.



Okay, matapang ako sa heights, pero takot ako sa dilim, at pumasok kami sa tatlong horror tunnels - Gabi ng Lagim, Kilabot ng Mummy at Dungeon. Pagtatawanan ninyo siguro ako kami kung nasaksihan nyo pagsigaw namin! 

Ang tunay na kilabot ng mga mummy
Pinaka-scary yun Kilabot ng Mummy! Napaupo talaga ako sa exit sa sobrang takot at pagod, asar kasi yun akala ko tapos na tas biglang may bumagsak na something sa ulo ko, haha.

Highlight din ng tour namin ang Snow World (entrance fee PhP60 only dahil my 50% discount kami)! Bukod sa marumi at mabaho yun mga jackets, hehe, e sobrang ganda sa loob! Ang saya pati nun pag-slide sa ice. Sayang lang kasi bawal ang pics! 

Eto pa yun ibang rides at attractions..


Inside the Magical Forest
Pirates Adventure
Bumper Boat
Peter Pan Adventure
Nagpaka-addict kami sa bumper cars at carousel. Tig-tatlong beses namin sila sinakyan!



Bagay sina Empi at Ann no? Nag-selos tuloy ako. At nakamove-on after 15sec. Dahil dyan, hanap na ko ng ibang ka-loveteam, anyone?



Napansin nyo na hindi ako nakasakay sa mga bonggang rides - Star Flyer, Surf Dancer at dun sa Freesbie something. Ayaw kasi nila ako samahan, hmp! Tapos nun nag-decide ako na sasakay na ako kahit mag-isa lang (at mukha akong kawawa na walang kaibigan), e bigla namang umulan! Hindi tuloy natupad ang mga pangarap ko, tsk!
 
Around 10:30pm, naisipan namin na umuwi na, naka-8hrs na kasi kami, haha. At nakauwi ako sa bahay ng 1:30am, perfect kasi sabi ni Mama e wag daw ako papagabi, lol.

:D


FYI:
Star City
http://www.starcity.com.ph

Saturday, September 1, 2012

Science is Fun!

Last Thursday, me and mi familia amor went to Philippine Science Centrum in Riverbanks Center, Marikina City.



Bago pa man kami makapasok sa Science Centrum ay namangha na ko sa "hanging faucet" na naka-display sa labas ng mall.



Tas gora na kami sa loob, ang daming bata kasi may nakasabay kaming field trip ng mga pre-schoolers. Pero after 30mins, e umalis din sila so na-solo namin ang lab.

First stop ay ang exploration ng space kaya dapat naka-suot tayo ng pang-astronaut. 


Yung ceiling ay naka-design na parang solar system naten. At may ilang facts about the different planets.


Ang ating solar system!
Ang Planet Earth!
At ang dalawang makulet!
The Human Gyro Ride. Mukhang aliw to kaso walang staff na available para mag-assist so hindi namin na-try.


Eto naman ang parabolic dish. Pag tinapat mo yun ear mo dun sa gitna ng dish, at bumulong yun kasama mo na malayo sayo, maririnig mo siya.. cool di ba?



Following Faces. Medyo creepy kasi katakot yun monkey at si Albert Einstein, hehe. Kahit san ka magpunta, nakatingin sila. Dahil daw yun sa pagiging concave instead na convex nun faces. Para sa mas malinaw na explanation, click here.



Demo ng pag transform ng mechanical energy to electrical energy. Pag nag-pedal ka ng bike, iilaw yun mga led lights.


Favorite talaga ng batang to ang bikes!
Naaliw si Daddy sa Plasma Ball. Sinusundan ng pulses yun fingers mo, may slight tingling effect nga lang.



Jaydrex and me while playing with the colorful shadows. Nakakatuwa din yun isa pang effect na maiiwan yun shadow mo sa wall kaya lang hindi keri picturan kasi madilim sa loob.

Ang cute ni Jaydrex, ginaya si Tita
At marami pang kung anik-anik na nakaka-amaze. 


Daddy and kids playing with bubble tube
Chin and the string-less harp
Demo how a straight rod can fit into a curved slot
Paggaya ni skeleton sa pag-pepedal at pag arte ni Daddy na nagulat!
Pagpipilit ni Jaydrex na i-shoot ang bola
Jaydrex racing with Elma Muros
Wag nyo ko kakainin!
Pinaka-natuwa ako sa Wonder House. I'm not even sure kung illusion lang or if there's something else, basta pag-pasok dun sa bahay, may parang force na hihila sayo at mapapadikit ka sa wall, at medyo nakakahilo. Ang weird! E walang explanation na nakasulat so hindi ko alam kung ano talaga meron, hehe..



We all had so much fun! Nun una, medyo na-disappoint ako kasi hindi ganun ka-organized yun place, tas wala pang aircon so mainit sa loob, pero it was all worth it din naman kasi sobrang nag-enjoy yun dalawang bata.


Daddy Jay, Jaydrex, Chin-chin & Mommy Gloria
Mama & Me (and Jaydrex na extra)
The tour lasted about 1.5hrs. After nun, e pagod at gutom na kami. Siyempre dahil kasama yun mga bata, sa Jollibee kami kumain, haha.

P.S. 
Kahapon naman ay nag-Star City ako with Zaicy, Empi and another officemate na si Ann. Busy-busyhan kaya hindi ako gaano nakapag-blog hop! Bukas na ko mag-visit kasi may pasok pa ko sa work ngayon, hehe.



FYI:
Philippine Science Centrum
E-Com Building, Riverbanks Center, Marikina City
PhP120 for adults, PhP120 for Private School students, PhP95 for Public School Students. 
Free for kids below 2yrs old. 
http://www.science-centrum.ph/