Tuesday, June 5, 2012

Versatile Blogger Award!

Malungkot ako. Pero di ko sasabihin kung bakit.. Bored din ako. Walang magawa. Hindi naman makakatulog agad kasi nalulungkot nga ako. Kaya nag-stalk na lang ako ng mga blogger na gusto ko, naghanap ng mga bagong ii-stalk, nag-back read ng mga posts.. 

Kaya napansin ko yun award na matagal ng binigay sakin nun bff kong si Zaicy ng SimplyComplicatedZai.. 

Ayan, ang versatile blogger award.. siyempre bukod sa deserving ako para sa award na to (lol!), bias din yan, bestfriend ko nga di ba, e di nagtampo ko pag di ako kasali!

May rules pa pala na kasama yan..

1. Thank the blogger who gave you this award. Don't forget to link his/her blog.
2. Post 7 random things about you.
3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.

Thank you Zaicy! Not just for the award but for all the good (and the not-so-good) things you did for me!!  Baliw kasi tong friend ko (pareho kami!), lagi nya ako pinagtitripan, pinapahamak paminsan! Partner in crime sa mga kalokohan sa office! Taga-alert pag may gwapo!  Taga-kain ng half rice ko! Tagakuha ng kutsara para sa kape! Taga-sabi ng "ang ganda ganda mo talaga joanne!" pag andyan yung crush ko sa office kahit hiyang hiya na ko! Taga-paalala sakin na everything will be okay pag may problema ako..Thank you Zaicy for always being there for me!

O bonggang pa-thank you na yan ha Zaicy! Love you!

7 Random things? 

-super mahilig ako sa coffee, yung maraming maraming cream pero hindi masyado matamis! Sweet na kasi ako, redundant na pag pati coffee sweet, char! 

-matindi ang galit ko sa mga ipis, lalo na pag nanahimik ako tapos out of nowhere mag-aappear at gagapangan ako.. sisiguraduhin ko ang slow and painful death nya.. pukpok plus spray ng alcohol ang peg ko..

-mahiyain ako (seryoso!haha..) madalas ako mapagkamalan na suplada, pero hindi ako isnabera, shy type lang (paminsan autistic!)

-mababaw kaligayahan ko.. kahit super corny na jokes natatawa ko.. pag birthday ko, kahit bigyan mo lang ako ng papel na may nakasulat ng happy birthday, super happy na ko!


Tulad nito, thank you Zaicy!
-favorite color ko pink.. yun lang..

-hindi ako nakakatulog ng walang kumot.. kahit gaano pa ka-init ang summer dito sa Pilipinas, hindi ako matutulog ng di ko covered ng kumot, take note: from head to foot to!

-takot ako sa mga askal (barkadahan pa naman ng dogs ang nadadaanan ko pauwi samin).. takot kasi ako makagat.. takot din kasi ako magpa-injection ng anti-rabies..masakit yun e!

Give the award to 15 8 other bloggers you love

Dahil love ko kayo, ipasa ko to sa inyo! Dedma na lang kung nagawa nyo na dati! :)

-One of my sisters from ELF, Stacy of Shallow-deep
-Traveller Tal from The Pinay Wanderer
-Mayaman na Mareng Gracie from Gracie Goes Gaga
-Balut from Balut Manila
-Joann from joann says so 
-Ghwacey from Spilled Beans
-Creative Joy from joy's notepad


The End!

33 comments:

  1. Ako din sis, mahilig magkumot. Kaya dito may iba't ibang kapal ng kumot akong ginagamit, ayon sa bawat season. =)
    At pareho tayong mahilig sa kape. Hot or cold pwede. Kaya ayun sobrang sya ko nung half price ang mga frap last week! hehe

    Awww, super touched naman ako sa award sis. Many thanks. I shall work on it straight away =)
    Have a lovely week

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang saya! Kala ko ako lang baliw sa kumot! Meron ako super nipis na kumot pag extra init ang panahon! Hindi ko nag-experience half price ng frappe, tamad ako pumila, sayang!

      Your Welcome! :)

      Delete
  2. Thanks for the award joanne and and i shall try to do it. Like you takot din ako sa mga ipis at dogs . But about coffe ay di ko mahilig. Sumasakit tyan ko. Anyway , Thanks for sharing something about yourself:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Take your time lang mommy, kahit next year mo pa gawin, haha! ♥

      Delete
  3. same tayo joanne. i can't live without kumot kahit sa tropics pa but di ako makahinga if head to foot. waist to foot lang akin. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang saya pag nararamdaman mo yun kumot sa paa no?!hahaha..

      Delete
  4. Kaya pala you look family, bff ka pala ni zai. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep! a.k.a. marseng joanne from zaicy's blog! :)

      Delete
  5. Apir tayo sa pagkahilig sa coffee with lots of cream at sa pagkamahiyain. Hahaha.

    Nice to know some things about you, Joanne. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Apir!!! Pwamis, i-pictorial mo kami ni zaicy?! :)

      Delete
  6. ako din pag natulog maski gano kainit dapat covered ng kumot. May patong pa ngang unan sa katawan ko e. hehehe!

    ReplyDelete
  7. uhmm..you look familiar talaga...

    charot! thank you marse, na touch naman ako sa intro mo about me, para lang akong patay at may eulogy kang hinanda haha :) thank you sa pagawa nito at thank you sa lahat lahat :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baliw ka, mas mukhang patay yun picture ko na nilagyan mo ng frame na heart, haha!

      Delete
    2. natawa ako sa inyo! hahaha.

      Delete
    3. mabuti napapasaya ka naman namin.. :)

      Delete
  8. Uy, kasali ko dito, thanks sa award Joanne! I posted 11 random things about me here: http://www.thepinaywanderer.com/2012/03/q-about-pinay-wanderer.html, eto na lang muna reply ko ha, but I'll mention you and the award sa side bar, kasama ni Gracie. Baka kase matagalan bago ko magawa eh, pero maraming-maraming salamat! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. It's okay kahit next year mo pa gawin, take your time lang! Basahin ko na lang yun post mo, thanks for sharing! maraming maraming your welcome din! :)

      Delete
    2. gurl, di naman umabot ng 1 year, eto na sya, sensya na nga lang at di na-follow lahat ng rules. :(

      http://talinggaw.blogspot.com/2012/12/random-food-posts-awards-etc.html

      Delete
  9. HI Joanne, it is me again Joy. Nahirapan akong magisisp kung ano pa ang i share ko, kasi I believe I had done 2 posts na halos katulad nito before. So na ishare ko na lahat. hi hi. anyway, thanks for tagging me. Good luck to others:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. That's okay Mamu Joy! Thanks for trying.. Mwah!

      Delete
  10. Owemgee, dami nating common denominators! Pak na pak. It's 2, 3, 4 and grabe yung 7 same phobia tayo. Di ako makalabas sa amin bukod sa mahiyain sa mga tao, nahihiya din ako sa mga aso, este natatakot kasi dami stray na askals.

    Joanne, kung di pa ako nag open ng blog ni TPW/TAL di ako maku-curious about sa blogger award na natanggap nya, and di ko malalaman na may award din pala ako.

    Honestly tuwang tuwa ako sa award (oo sa award lang, kasi papahirapan na naman ako sa paggawa ng random things dudugo utak ko nito bilang kapalit) di ko inexpect. Maraming salamat Jo, ahehe feeling close?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikaw naman mareng gracie, siyempre kasama ka!!hahaha...Oh well, nahirapan din ako sa pag-iisip nyan kaya kayo naman, hahaha! Happy bestfriend's day sayo Gracie, ikaw nag-intro saken na meron pala nyan, kaya bati ko din yun super bffs ko!! :)

      Sorry naman, dapat kasi i-notify yun mga awardees na kasali sila e, kaso lang hindi ko nagawa, hahaha..

      Gagawa na ko ng twitter account dahil sayo, kaya dapat i-follow mo ko! hehe! demanding much!

      Delete
  11. Tawa ako ng tawa about kwento mo sa best friend mo and random things about you pagdating sa dulo tagged/awardee pala akoooh! na-touch ako bigla akong naiyak ahi hi hi (iyak ba yun?) LOL.

    sensya naman ngayon lang ulet nakapag-ikot at nangarag sa giveaway lolz. Seriously, THANK YOU for this tag and award (famas filingera lolz). Nagdusa na ako sa "11 Wagas Random" but I don't mind doing this for you girl!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yey! Wait ko yun post mo.. Haha, alam kong naging super busy ka! congrats ulet sa successful na giveaway mo!

      Delete
    2. SALAMAT ulet!
      heto na ang post ko at WARNING - you have a punishment! :P
      http://balutmanila.blogspot.com/2012/06/versatile-blogger-award.html

      Delete
    3. ihihi.. nakita ko na, nashock nga ako e! thanks so much, super naappreciate ko ang pag-accomplish mo sa iyong mission! :)

      Delete
  12. ang ganda nang blog mo. ingat..

    ReplyDelete
  13. Replies
    1. hmmm, di ba kasabay kita nabigyan ng award na to, gawin mo na rin yun sayo! :)

      Delete
  14. wow award winning kasi joanne, congrats, kelan ang treat??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa ka pa, kasama din kita nabigyan nito e, hahaha! Treat? Kelan nyo gusto? :)

      Delete