It started out sa chikahan namin ni Zai sa office about our blogger friends. Minsan, napagkwentuhan namin si Arline from Pinkline. Sabi ni Zai, nalurkey daw siya sa comment ni Arline about "felix" sa post nya. Natawa na lang ako, sabi ko sa kanya, makulet talaga yun... blah blah blah..
Then last week, sabi ko kay Zai na i-meet namin si Arline. Agad agad na nag-schedule kami ng EB for Sat. Nag-tweet ako kay sis at super excited ako nun sumagot siya na keri boom boom dahil free din siya that day. At sabi ko na isama nya din ang kanyang bff na si Hash ng Hash Coffee Table Book.
So last Saturday nga e naganap ang EB. Super traffic na naman sa may Ortigas Ave Extension dahil sa mga ginagawang sidewalks at sa trial ng new traffic scheme, kaya almost 3pm na kami nakadating ni Zaicy.
Meeting place namin sa TCB Shangri-La Mall. Nag unlimited cakes and coffee kami, reg rate is PhP200, pero PhP150 lang pag na-like na yun FB Page nila.
Few minutes later e dumating na din si Arline. More chika agad kami. Nakakatuwa na parang antagal na namin magkakakilala, wala ng hiya hiya. Then dumating na din si Hash at tuloy lang ang chika.
Arline & Hash |
Sumunod din sa EB si Empi. May climb siya dapat sa Mt. Maculot pero sinabi ko na babagyo at di sila matutuloy, at nag-dilang anghel ako kaya nakasama siya samin. Ang bad ko no? haha..
Eto yun mga kinain namin while tuloy tuloy ang kuwentuhan, asaran at tawanan.
Tiramisu (lasang broas) |
Devil's Food Cake (sarap yun meringue icing) |
Dulce De Leche (parang mamon lang) |
Something something (parang mamon lang din) |
Carrot Cake (hindi ko tinikman) |
Black & White Something |
Naka-tatlong cups of brewed coffee kami ni Zai at Arline. Ang effect pala ng sobrang kape ay same lang pag nalalasing ka, nakakahilo!
Highlight ng event ang pamali-maling manager ng TCB na na-lost in space
nun pauwi na kami, at ang pagwagi ko ng "mapagpatol" award dahil
naniwala ako kay Hash na merong eggpie.
We had so much fun meeting you two! And I look forward to our next gala! ♥
P.S.
Sana next time, sama ka na din! Oo, ikaw nga! Mabait naman ako, promise! ;)