Thursday, August 2, 2012

Wala lang!

Hello! I'm sure na-miss nyo ko no?! Feelingerang palaka lang, haha..

Bakit matagal-tagal akong nawala?

(a). Inlove at busy
(b). Nagmukmok dahil broken-hearted
(c). Nagsakit-sakitan
(d). May topak at wala sa mood
(e). All of the above

Anyways, nakita ko to sa facebook kanina..

ninakaw sa post ng isang fb friend

Ano yun first 3 words na nakita nyo? Naaliw ako dun saken.. LOVE, BEAUTY at HEALTH! Bongga no? haha..

Nakalimutan ko na kung ano talaga yun ikukuwento ko today.. Tamad tamaran lang.. At nagparamdam lang ako para batiin kayo ng..

Happy August!



P.S.

Ang sagot sa kung bakit ako nawala ay (d). May topak at wala sa mood! Hindi ako in-love, at lalong hindi broken hearted dahil kelangan dumaan muna ulet ako sa pagiging inlove bago mabroken-heart di ba? Ay erase erase, sana pag na-inlove ako e mag-stay siya dun at di na dumating pa sa broken-hearted stage, tama?! At di rin nagsakit-sakitan dahil sumama talaga pakiramdam ko nun nakaraang araw. Wala lang talaga ako sa mood lately dahil.. wala lang.. topak lang nga.. Alam mo na, minsan ang hormones e malakas maka-aning talaga, hahaha!

Nagbabasa nga rin pala ako ng ebook ng Shades of Grey! Tapos ko na Book2. Pero less likely na gawan ko ng review dahil simple lang naman ang story, na-spice up lang ng mga umaatikabong churvahan.. Na-curious lang ako dahil masyado siya in demand lately.

At may movie date din ako with Zaicy and Empi bukas. Panuorin namin ang The Healing. Pero hindi ko pa napanuod ang Dark Knight, Ice Age 4 at ang showing na rin na Brave, hay..

Ito na ata pinakamahabang PS, bow! :)

46 comments:

  1. LOVE+BEAUTY+TIME yong una tatlo kong nakita! Lol!

    Napanood ko na ang Dark Knight. Haha!

    mp

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aww, ang daya mo! Hmp, haha! Compatible tayo sa love at beauty, chos!

      Delete
    2. ...at parang nag-aabang talaga sa next post ni JRo si Mark errr mp. First sa comment! Oooooy!

      Delete
    3. Stalker yang si Empi e, manang mana saken, haha

      Delete
  2. Love, health, n experience..haha my friend went gaga over 50 shades of grey...hehe

    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. You'll get gaga talaga sa mga churvahan nila boy at girl, haha..

      Delete
  3. Love, honesty at money ako! hahaha! dapat talaga kasama money para may pangbayad sa mga lakwatsa namin. hihihi! Gusto ko din panoorin ang The healing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama, kailangan ng pang-gastos! Nuod na!

      Delete
  4. hahaha.. naaliw ako...BEAUTY TIME, POPULAR..nakita ko...=)

    ReplyDelete
    Replies
    1. At beauty talaga ang priority 1, haha..

      Delete
  5. LOve Happiness and Time..haha. parang totoo amp

    ReplyDelete
  6. LOVE, HONESTY, MONEY

    ... and and it's perfectly TRUE! and they're in proper order ha! parang ang hirap lang pagsunudin nung honesty and money :(

    ah eh samahan mo naman ng romantic date yang mga dates mo Juana!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala eh, friendly date lang, nasaan na ba yan romance na yan, haha..

      Delete
  7. buti naman at nagparamdam ka..mas mahaba nga yung p.s. kesa sa post lols.. LOVE, HONESTY, POPULARITY yung saken.. meron din akong e-book ng 50 shades pero tamad tamaran akong basahin hehe..ang daya! hindi nag-aya gusto ko rin kayang panoorin ang the healing wala lang akong mayaya yoko namang panoorin mag-isa..panget daw yung brave..i heard lang hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. E di sama ka samen maya! San ba work mo? Sa Rob Galle kami ng 6pm pa! Tara na!

      Delete
    2. haha!..akalain mo yun nag-aya si mudra kanina manood..so nauna ko pa sya napanood sa inyo haha..di naman ako natakot..mas natawa pa ko..ang cool lang ng color coordination ng movie..bet ko!

      Delete
    3. Aww, hindi rin nagpaawat, haha! Ay nakow, natakot pa rin ako, hahaha! First time ko manuod ng horror sa sine sis! Pero kwela nga rin, ang saya, naenjoy ko! Sweet naman, si mudra kasama..

      Delete
  8. LOVE EXPERIENCE INTELLIGENCE. huwaw!
    hindi talaga nawawala ang love...
    hehe okay lang yan ate, ramdam kita.. minsan wala sa mood.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, lahat gusto ng love! Topakin lang, haha

      Delete
  9. Love. Humour. Power.

    Miss you JRo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merong meron ka na nung humour Lili! Hamishu too

      Delete
  10. kaka-miss nga. love, honesty, at time ang akin. hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aww, may naka-miss pala saken.. pang lovelife yun mga nakita mo ah, haha

      Delete
  11. Shoot sa banga ang 'feelingerang palaka'! Haha.

    Love, happiness and popularity yung nakita ko. Bagay saken. LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahaha, bakit mukha ba kong palaka? Mukhang bagay nga sayo..

      Delete
  12. Love, beauty and youth ang nakita ko. parang mali yata no? kasi grandma na ko. ouch! Anyway, sa wakas, sumulpot kana uli, or else baka ipahanap ka na namin. hi hi. Nice reading post from you again at enjoy kayo sa panonood ng sine:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pareho kayo ni Gracie ng nakita! Thanks mommy joy!

      Delete
  13. ako LOVE, BEAUTY and EXPERIENCE :) tapus biglang pumasok sa isip ko yung LIFE... hmmmm... siguro yan yung mga hinahanap ko sa buhay :)

    enjoy sa panunuod, ako di pa makagala, super baha pa sa amin eh tsk'
    gusto ko rin panuorin yung 'the healing' at 'brave'

    ReplyDelete
    Replies
    1. Awts, buti samen wala ng baha.. tara sama ka sa panunuod ng the healing maya..

      Delete
  14. LOVE (!) + BEAUTY (?) + YOUTH (??) hahaha! sya sige hayaan na natin kung ganun talaga ang nahanap ko, yun ba talaga hinahanap ko? Una, love check! 2nd, Beauty? Ugly kasi kaya hanap beauty hahaha. 3rd, Youth?? Paalis na kasi ng kalendaryo kaya gustong lumambitin sa rope ng youth lols.

    Ikaw na ang may date, at dala-dalawa pa ang ka-date hmmm.. pwede!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Friendly date lang kasi yun kaya 2 sila, haha.. Saken din e check na check ang mga nahanap ko!

      Delete
  15. ako ,ok na ako ... hahahaha perfect na? ajajajaja kasi full of love na ako ngayon

    ReplyDelete
  16. hahaha, natawa ako sa post mo..kwela ka talaga sis, but love it..yong huli ko na nakita na word is intelligence ka daw..ahem-ahem..hehehe

    ReplyDelete
  17. Beauty, sharp and money. Ano ibig sabihin niyan binibini?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan daw Sir ang hinahangad mo sa buhay.. bakit sharp?? Naghahanap ka ng matalas?haha..

      Delete
  18. nakita ko din to, ang nakita kong 3 ay love, health at success. di na kailangan ng beauty, meron na ako e. chos! excited for later marse!

    ReplyDelete
    Replies
    1. meron din ako beauty, gusto ko lang yun mag-last for a lifetime, charot! excited din ako, pero tinatamad ako, bakit kasi umuulan pa rin!

      Delete
  19. LOVE, BEAUTY and EXPERIENCE skn hehe

    ReplyDelete
  20. d ba talaga?! parang a lang naman eh...kitam, may movie date pa! haha, nangungulit lang Joanne dear. ;)

    ReplyDelete
  21. Nakita ko rin to dati sa FB at same p rin unang tatlong nakikita ko agad. Love-Freedom at Intelligence.

    I wonder bakit intelligence... siguro kasi nabobobo na ko hehhe!
    (Tama ba spellingk ng intelligence?) lol!

    ReplyDelete
  22. Pinakamabang PS. Hahaha. Lagi na lang akong may HAHAHA sa mga comments ko.

    BTW, I saw INTELLIGENCE, POWER and LOVE. Ako na. Insert - HAHAHAHAHAHAHA.

    ReplyDelete
  23. bakit MONEY ang una kong nakita? hehehehe next LOVE.....

    i love money hehehe parang ganun ba hehehehe

    ReplyDelete
  24. Love, popular, experience! :)
    I'm new in blogging world. I'll be following your blog from now.
    I hope you the same. Thanks! Keep writing!

    ->-XOXO

    ReplyDelete