Friday, October 26, 2012

Kilig!

May crush ako sa office. Ay mali.. crush pala siya ni Zaicy. Ng matagal na panahon na. Kahit nun may girlfriend pa siya, patay na patay na si Zai sa kanya. Ibang level kasi ang ka-fresh-an (rosy cheeks siya, daig pa ko) at kagwapuhan (lalo na sa personal) at kasexyhan (laki ng arms, di ba Zai?) niya.

At hindi lang si bff Zaicy ang nangangarap na maging jowa nya. Pati ang milyun-milyong (exxag?!) kababaihan at kabaklaan sa office, kasama ang isa pang beki friend kong si Kim na malandi. Oo, malandi siya. Nun hindi pa kami close sa kanya dati, galit na galit si Zaicy sa kanya. Bakit? Ang cheap daw kasi. Bakit ulet? Kasi nilapitan niya si crush at hiningi ang cp number. O di ba malandi?

Deadma lang naman ako dati kasi may gf nga, di ba? Pero ngayon single na ang lolo mo. Ilang months na rin ata. Malay ko kung bakit naging single, hindi naman ako chismosa at pakialamera sa buhay ng iba.

Ewan ko kung paanong nag-start na i-bugaw ako ni June kay crush. Si June, remember? Yun baklang maganda na parang white lady sa kaputian? Hindi siya nakiki-agaw kay crush kasi in a happy relationship ang ate mo. Sa ganda nya kasi napabaliko nya yung isang straight guy na officemate din namin dati, three years na ata sila, taray di ba? At chinismis ko pa talaga si June, no?


So ayun nga, binubugaw ako ni June, hehe. Bakit bugaw? Wala ako maisip na ibang term e, haha. Nagsimula ang pambubugaw para asarin si Kim na walang ginawa araw-araw kundi landiin si crush. Ipinakilala saken si crush at ibinigay ang cp number ko at sinabing i-text ako. 


So nag-text nga saken si crush ng "hi babes :)". Kinilig ang mga bakla, nagtilian sa floor, kaloka! At dahil shy type ako, wala ako ibang nasabi kundi "hello babes :)". Nasundan pa yun ng "goodnight babes" na sinagot ko lang din ng "goodnight ___". At hindi na ako nagtext pa ulet, pakipot kasi ako, charot!

Pero siyempre kilig to the max ako nun. Sino bang hindi kikiligan sa kuya mo e ang gwapo lalo na pag nag-smile! Nagtext pa ako kay Zaicy kung kakamuhian niya ba ako kung mamahalin ko siya. Very ahas kasi ang dating ko di ba?haha.. Sabi naman ni Zaicy e hindi daw, maiinggit lang daw siya pero she ("she" kasi babae si Zai, ok?) will be happy for me.

Dapat lang naman, di ba? Sa dinami-rami ba naman ng mga naging crush namin ni Zaicy, e parating siya ang wagi! Paano ba naman, ang hirap na malaman ngayon kung straight or gay ang mga lalaki lalo na pag sa fb/blog lang nakita or pag di pa nakausap. Pero pag nakilala na ng personal, ayan na at tutunog na ang gaydar, at confirmed! Si Zai ang type, wahaha! Buti na lang straight si crush, hehe!

Anyways, may mahadera (a term I got from Marge,hehe..) pa rin naman akong kaibigan na kumokontra sa pag-iibigan namin, chos nachos burritos! Pero best in push pa rin si June at nun last day ay pinilit niyang picturan kaming dalawa. Hindi gaanong photogenic ang kuya mo, pero wag ng choosy!


Haggardo versoza na pa naman ako, sana nakapag-muk up muna
Ayan ang pic na nipost pa talaga ni June sa fb! Sabi nya kung maka-100 likes daw e ibig sabihin bagay kami. Pati si Pinkline naki-like, natawa talaga ako! Pati si Kulapitot at shumag-anak ng bexchina key, kalurkay! Pero I don't think na aabot siya ng 100 likes. Dapat kasi 10 likes lang para pasok sa banga, haha..

Siyempre, joke lang ang lahat ng to. Kinikilig lang ako, bakit ba?! Masarap lang kilig-in ulet.

Tama na nga, ang haba na!


Happy weekend!



P.S. Bagay ba kami? :D

93 comments:

  1. Nag da-moves na ba sayo miss joanne? sagutin mo na :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi, ambisyosa lang ako! Baka ako pa manligaw, chos!

      Delete
  2. eh kung kinukurot kaya kita sa singit ha Juana! lol

    nagsusulat ako dito ng seryoso eh nag-roll ba naman ang blog mo at "Kilig" talaga ang title! binasa ko tuloy agad-agad! na-destruct mo ako LOL!

    saan ba ila-like ha at pwersahin ko ang barangay namin para mag-like ng magka-lovelife ka na! wa ha ha ha!

    PS: mas bagay kayo ni Zaicy :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, lagi mo talaga ako pinapasaya no! Sorry naman kung naistorbo kita, hehe.. Hindi naman ako excited magka-lovelife no?! Hehe..

      P.S. din! Ano bang mahirap intindihin sa "babae si Zaicy" at hindi kami talo, haha!

      Delete
    2. Hindi kami bagay ni Joanne, mas maarte pa ako dyan minsan. Okay, madalas pala :)

      Delete
  3. wow, may bago syang inspiration! Go lang...pero 100 likes? parang mahirap yun unless maglalagay ka ng explanation kung bakit kailangang i-like hehe. Wishing you the best!! hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, ambisyosa naman din kasi yun friend ko, mana saken! hehe

      Delete
  4. Ayieee nangangamoy lablayp! abot dito marj, saan nga ba pwede ma-like yan ng matuloy na yan sa altar :DDD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay mare, nasa wall ng friend ko yun e, hindi naka-public! Dedma na, ibubuking nyo pa ko, kaya dito ko nilabas ang kakiligan sa blog e, hahaha

      Delete
  5. hehehe.. bagay kayo :D ayeeee... (kinikilig na lalo)
    mas kilig kung closer kayo together hihihi (echosera lang)

    ReplyDelete
    Replies
    1. E kashe naman, na-shy ako kaya malayo :D

      Delete
  6. wow joanne!!! i-blog tlga si crush mo.. at pakipot ka pa nyan ha.. wahahahaha... hindi mo yan kinuwento nung nagkita tayo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. E kasi naman sasandali lang tayo, at ako na ang assumptionista pag ni-kwento ko siya sa inyo, di ba?Haha.. Crush lang pati, mag-kwento ko pag totoong lovelife na! Miss you ulet, Rica!

      Delete
  7. HAHAHAHa. nasaba na daw to ng crush mo kasi binigyan ko siya ng link! hahahaha .. anlndi ha .. push mo na yan girl! hahaha!


    -- kaya mo yan hayaan mo na yung bff mong si zai ... pero parang dito yata masisira yung friendship nio hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahahaha, kaya nga nagpasabi ako kay bff, ayoko may masira friendship namin.. Yun friendship namin ni Kim, keribels lang, chos! Wag kang magkakamaling magbigay ng link, kung ayaw mong masaktan!

      Delete
  8. napadaan ako nang makita kong kilig ang title.... hehehe kakakilig nga kwento mo....

    isa lang masabi ko.... sa picture nyong dalawa... napansin ko ang kakaibang ngiti...

    pero gaya ng sabi mo... joke lang,... naniniwala ako na ang lahat pwedeng mag start sa joke joke lang...

    Malay mo.... dahil sa post mo na ito... maging kayo talaga....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sino samen ang kakaiba ang ngiti? Ang awkward nga ng smile ko, ayaw magpahalatang kinikilig e, haha.. Malay mo, dahil sa post na to, mabisto ako, charot!

      Delete
  9. naku, pano na si loveteam nyan?! ;)
    hehe...siningit talaga si loveteam eh!
    pero sige, kung san ka masaya gurl, go lang.
    naka-public ba yang photo na yan at ng ma-like na rin...hehe! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si loveteam? Kakulitan namin sa fb ngayon ni Zaicy, may iba na ata yun e :( Chos, ginawan ko pa ng chismis, haha!

      Hindi naka-public e, sayang naman! kung naka-public e baka ni-promote ko talaga, charot!

      Delete
  10. ang landi landi ang harot harot! hahaha... at textmate na pala kayo ah yieeee naiihi ako sa kilig!tiningnan ko talaga ang profile nya at napansin kong rosy cheeks nga sya dinaig ka sis kalowka!..sori empi pero lilipat na ko ng love team... go babes!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe ka sis! Ang stalker mo! Manang mana ka saken, hahaha! Baka naman i-add mo pa, e maloka ako sayo, hehe!

      Pag kinikilig talaga, naiihi? hahaha.. Ayan, may paglipat talaga ng love team! Go babes! :D

      Delete
  11. BAGAY KAYO!! very familiar ang face ni kuya. ---ay oo nga pala, naboblog walk ako. napuntahan kita. follow kita kasi bagay kayong dalawa :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. OMG! Kung sakaling kilala mo siya, please lang wag mo ko isusumbong, haha!

      Delete
  12. sya na ba marse ang bagong myembro ng ELF and Partners?? Magpapapalabok ako kay mother.. Happy for u! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lukaret ka rin friend e! Isa lang siyang pangarap! Wahahaha..

      Sige, magpa-palabok ka, penge ako!

      Delete
  13. Hala! May "Mahal" si Pinkline at may "Babes" ka rin! Huwaw!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I wanna "super like" din the photo.

      Delete
    2. Naku, sayang naman! I hid it na from my timeline, kakahiya eee!

      Delete
    3. I saw it in Facebook kaso nahiya ako baka magtaka ang may-ari ng photo kung nosi ako. Hehehe.

      Delete
  14. Ayiiihhhh!!! kinikilig naman ako! BAGAY NA BAGAY KAYOOO!!! DATE na!!! ヅ

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahaha, kamusta naman sa date teh, asa lang, haha!

      Delete
  15. joy of being young:) Mag kamukha kayo. Baka kayo na mag kapalad:)Have a nice week end!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magkamukha kami talaga? Ansaya naman nun magkapalad, hehe..

      Delete
  16. LOVE TEAM!!! yihiii... gawin na kasing public yung picture at siguradong lagpas 100 likes at basag to the max yung banga. ;))

    bagay na bagay sis.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Andame kong tawa sa basag to the max ang banga.. hindi lang pasok, basag talaga, haha!

      Delete
  17. Ay oo bagay nga kayo ngayon kailangan mo na patunayan kung straight nga sya *wink wink LOLjk

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, naku mahirap yan! Pero may point ka dyan, malay naten kung closet na may padlock si kuya, haha..

      Delete
  18. bagay kayo te!....nafe feel kong may future yung love team nyo ni papalicous...hahaha sana nag post ka pa nung pics nya para makilatis...hahaha joke lang te....good luck! pang love life na yan...hehe


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay naku sis, wala na akong ibang picture, yan lang one and only, chaka pa nun shot, hehe!

      Delete
  19. Sana ay ikaw na nga hehehe kanta yan akmang akma sa inyong dalawa.
    Kilig na kilig ang picture mo tlga day hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay ginawan mo talaga agad ng theme song, haha!

      Delete
  20. Nung una ko makita ang thumbnail ng post mo na ito, tumaas ang right kilay ko. Abot hairline sa taas! Pero tangap ko naman at sabi ko nga happy ako for you in case maging kayo, nastuck lang ata na naka taas talaga ang kilay ko haha :) Pag 99 na ang likes, ako ang mag li-like ng pang 100! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tapos i-unlike ko bigla. Hahaha, kontrabida lang no? Haha :)

      Delete
    2. Ibaba mo na yang kilay mo, asa naman ako na maging kami.. pareho lang naman tayong nangangarap, haha!

      Delete
  21. ways ways, ahahaha


    ou msarap kiligin ulet, naman! haha

    :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong ways ways? Para-paraan? Haha

      Delete
  22. kapag si crush talaga, kilig much :D minsan nga nagpapaload kaagad ako kapag siya ang nagtext :))) pero agree ako sa lahat, BAGAY KAYO :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naks, naniwala ka naman sa mga pakulo ko, joke nga lang yan :D

      Delete
  23. Asan ang fb like makikilike din ako tapos pag mag100 na mag-uunlike ako. lol hahahha (evil laugh). Bagay kayo Ms. Joanne. Sana mabasa to ni crush. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang bad mo!! Hindi nya to mababasa dahil hindi ko pinost sa fb ko no! Haha..

      Delete
  24. Yii dalaga ka na teh!!! This time mukhang ikaw ang nagwagi a congrats!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually, wala namang wagi, pareho kaming bigo ni Zai :)

      Delete
    2. Oh bakit bigo ano na latest sa bagong loveteam di ko kinaya ang textsan nyo ganon nb ang mga bagets ngyon ahihi

      Delete
    3. Haha! Ang "babes" ay tawag saken nun isang friend ko sa office, yun yung pakilala saken kaya automatic na naging babes tawagan namin, hehe..

      Delete
    4. A ok o san ang kainan birthday na ng marseng zai mo, kain nyo na lang ako ha!

      Delete
  25. ilalike ko na din! haha. hindi kayo tao, BAGAY kayo! lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Weh? Totoo ba? Sige na nga *kilig ulet*

      Delete
  26. Bagay na bagay girl :) pa frame mo na yang photo at ng masimulan na natin ang orasyon at ng hindi na makawala he he! Counted ba ikamo ang maglikes dito sa blog? Count me in LIKE :D

    ReplyDelete
  27. Zai-Joanne parin. *di patitinag

    ReplyDelete
  28. napapalunok naman ako sa mga ganitong post! hahahaha :D

    ReplyDelete
  29. hahhaha, natawa talaga ako sa post mo Joane, as bwhahahhaha ako dito, pero in fairness bagay kayo. Isali mo like ko a kung kailangan i add mo pa ako sa FB para ma count lang "Like" ko ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam mo naman ako.. baliw! Haha.. Walang pagsidlan ang kakiligan ko, charot! hahaha..

      Delete
  30. Naks bagay nga. Nasan naba yung like button?

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
    Replies
    1. May nag-hide ata ng like button! Chos!

      Delete
  31. wow! manly sya joanne. go for him. ;-) hehehe

    ReplyDelete
  32. Replies
    1. Ako talaga manligaw ha?! Hehe!

      Lawrence!!! Welcome back! Namiss kita ah! :D

      Delete
  33. My god twin nga yata talaga kayo ni Pinkline. Kakabasa ko lang blog post nya with matching picture of that guy she met in CDO. Ngayon naman ikaw, with matching picture din ng potential boylet mo. Nakakaloka kayong dalawa hahaha...

    Sigurado ka bang hindi galit si Zai? Baka naman dumadausdos siya sa pader habang impit ang pag-iyak habang magkatext kayo!

    Naku hayaan mo naman yung friend na humahadlang. Go ka lang dyan sis! Bagay kayo! I really hope maging kayo.

    I-add din kita sa FB para maki-like din ng pic nyo hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Twins talaga kami ni Sis Pinkline!! Haha..

      Andame kong tawa dun sa pagdausdos sa pader, naimagine ko talaga si Zai, haha!

      Yaan na naten si Clara sa paghadlang, dedma na! I hope so too! Chos! Hahaha..

      Delete
  34. Ganito din ang comment ko sa post ni Arline at since pareho kayong nag post ng picture ng mga Papa nyo same na lang din sasabihin ko:
    Hindi kayo tao, hindi kayo hayop, Bagay kayo! bagay talagaaaaaa!

    ReplyDelete
  35. Replies
    1. Very mild.. muntik na din ako maihi tulad ni Pinkline, hahaha!

      Delete
  36. bagay naman mareng joanne kaso... paano na si pareng zai? parang mas bagay ata kayo. baka kayo pa ang magkatuluyan. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pare naman.. si Zai ay hindi pare, mare siya! MARE!!! Baka magkatuluyan kami, magkatuluyan kaming magsaksakan pag di kayo tumigil sa pagpapartner samin!

      Delete
  37. Ang lakas maka teengaer ng post na to... haha ..

    ayiiieeee...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Oo nga no? Nag-feeling teenager ako e

      Delete
  38. di halatang kinilig oh. parang highschool lang, hehehe

    ReplyDelete
  39. Super kilig nga! :) I followed you Joanne!

    You and your 'crush' are bagay!

    ♥,
    Shari
    The Misty Mom

    ReplyDelete
  40. I remember na nag comment ako sa mga post mo...hindi siguro nag pu-push through i'm not sure...:(

    pero in fairness bagay kau te!....kaka kilig ung mga ganyan...:)


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes teh, andun sa taas ang comment mo, haha!

      Delete
  41. so sya pala ng sinasabi sakin ni sis Arline ha... teka teka makiki-like din ako sa fb..hehehe... actually bgay kau sis..hunk ah..hehehe... kinilig din tuloy ako...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, baka hindi mo na makita sa fb sis, matagal na yun, kaw kasi e bagal mo 20+ likes lang tuloy, chos! :)

      Delete
  42. From simple things the best things begin Ms. Joanne. Tandaan mo yan. Landiin mo na to da max! Baka hindi lang maka-diskarte! hahahaha!

    Seriously, just take it slow. He came out from one relationship. I think he will be coming into terms in some issues of the past relationship for a proper closure. Kung walan proper closure ang isang past relationship it would usually haunt the successive one. Ikaw din, baka masira beauty mo. Hehehe!

    In fairness, may hitsura. Pero aanhin mo naman ang physical beauty kapag matanda na kayo di ba? Puntiryahin mo ang character. Pray to God that he's of good character, at kung gusto ka niya eh daig mo pa ang nanalo ng jackpot sa lotto.

    CONGRATULATIONS!!!! Hahahaha!

    ReplyDelete