Picture agad agad?! So ayan, last Friday habang kasagsagan ng bagyong hindi ko alam ang pangalan Ferdie, nagpunta kami ng La Union! Sobrang guilty ko pa bago umalis kasi ayaw ako payagan ni Mama at uber warla na siya, kaso may mga naghihintay saken at for sure na papatayin ako ni Zaicy (seryoso!) pag in-indian ko siya kaya go pa rin ako.
Meet-up sa Eastwood ng 11pm, andun yun van na ni-rent namin. Originally, dapat 15 kami kaso may 5 pasaway na nagback-out (tubuan sana sila ng pigsa sa pwet,char!). Hong tagal ng byahe. Alam na alam mo kung sino yun mga night persons, dahil habang tulog silang lahat, kami ni Zaicy ay chikahan at tawanan to the max, more kain at text! Bwisit much siguro sila samin dahil sa ingay, lol!
After 6 hours, narating din namin ang San Juan Surf Resort! We had to wait til 7am bago makapag-early check-in at breakfast.
Room namin ni Zaicy yun nasa far right. Yun 8 naka-bukod ng rooms, naka-package kasi yun room nila sa surfing lessons.. saling pusa lang kami!
By 8.30am, start na ng surf mode nila. Watch muna kami ni Zaicy. Nalurkey ako sa lakas at taas ng alon!! Nakita ko silang nagpa-tumbling tumbling sa tubig. Afraid!! Ayoko na siya i-try. No no no way! Pero after 30mins, ini-stop ang lessons, lilipat daw sa mas gentle ang waves. Good.
Sumakay kami ng jeep papunta sa kabilang beach. May kasama kaming iba pang students. May conyo girl na sumakay sabay sabi "Oh My God, I'm gonna ride a jeep! Nah, I've never.. I've never.." Wish ko na sana matapos yun sentence kaso bigla siyang nag "Never mind", lol.
Malayo din yun pinuntahan na beach parang 45mins na travel time! In fairness, mas mababa nga yun alon dun so resume ang lessons nila! Observe ulet kami ni Zaicy, at nagpaka-photographer muna ako.
|
Using Rowie's DSLR |
Namangha naman ako sa zoom powers nun cam! Ang saya ko everytime na may makita akong nakatayo sa surf board, more pics agad! Siyempre, ang galing ni Rowie, siya yun unang nakita ko na nag-succeed sa pagtayo. Naging cheering squad tuloy kami ni Zaicy! Pero maya maya naman ay naka-tayo na halos lahat.. Galing galing!
|
Engineer/Manager/Photographer/Surfer Rowie |
At yun, tinamaan na ko ng inggit, bet ko na rin siya subukan! First question: "Kuya, kaya mo ba ko turuan kung di ako marunong lumangoy?" E oo daw, kaya gow kaming 2 ni Zaicy.
Sakay ng surfboard, dinala ko ni Kuya Jash sa gitna ng West Philippine Sea! Charot! Basta, malayo na siya sa shore, at sobrang nervous ko. Hello?! Pwede ko ikamatay to no, lol!
Nun sa tingin ni Kuya ay di na ko makakabalik ng buhay sakto na ang layo, inayos nya na yun surfboard na nakaharap sa shore. Sabay sabi ng "ready?", tulak ng malakas at sigaw ng "tayo!" Sarap lang saktan ng instructor e, sa unang try super lakas ng tulak, sadista?! Nag-try naman ako tumayo, pero nadulas ako at napa-upo sa board, haha!
So yun, makailang ulet ko ginawang balsa yun board ko. Naloka na lang ako ng makita ko si Zaicy na nag sariling sikap at effortless ang pagsusurf! Talented?!? Di na kailangan ng instructor?! Tanong ni Kuya, "Boyfriend mo yun?" sabi ko hindi, "Ang sweet nyo kasi e" pero hindi ko na na-reveal ang katotohanan sa pagkatao ni Zaicy dahil tinulak na ulet ako ni Kuya!
|
O taray ni bestfriend! |
Nasugat din yun talampakan ko sa batuhan, pero gow pa rin. Yun last na nahulog ako, nasabayan ng sobrang lakas na alon, ilang ulet ako umikot sa ilalim ng tubig, may background music at flashback scenes na nga ng mga nangyari sa buhay ko e, haha! Pag angat ko, kapit ako agad sa board, at sabi ko kay Kuya "Muntik na ko mamatay dun, pahinga muna.."
Nag-succeed ba ako sa surfing challenge? Dahil idol ko si Arline ng
Pinkline, bibitinin ko din ang kwento, haha! Abangan..
Fast forward muna tayo sa Day 2 - City Tour! Nagcheck-out kami ng 9am sa resort kinabukasan. Pero siyempre photo-op muna with Luke Landrigan, yun sikat na surfer ng Billabong Asia!
|
From Left to Right: Zaicy, Dulce, Joy, Pew, Luke, Me, Rowie, Deia, JR, Rio & Rhoda |
|
|
Bye San Juan Surf Resort! |
First stop is Ma Cho Temple. Waing borta ditey, okay? Ito raw ang largest Taoist Temple outside China though I'm not sure kung updated ang info na yan.
Next ang Filipino-Chinese Friendship Pagoda. Bongga sana ang view dito, over looking kasi. Inconsiderate lang nun mga nag-vandal!
Dumaan din kami Sa Heroes Hill, literal na dumaan lang, haha! Hindi na namin kaya umakyat pa, haggard na!
|
From google lang |
Last stop namin sa Pindangan Ruins. It is the remains of the oldest church in San Fernando that was built in May 6, 1786 and was was damaged due to the earthquake in 1892.
|
Tuloy po kayo? :) |
End of La Union Trip.. Nag-quick lunch lang kami sa KFC then fly back to Manila na. Sorry naman, ang haba ng story ko.
P.S. Anong gagawin mo kung nahulog ang pouch mo sa toilet bowl ng isang public CR? Anong i-prioritize mo? Ang kaartehan/pandidiri o ang cellphone/cash/ids/cards mo? I chose the latter.. Yuck!
P.P.S. Pictures from Zaicy. Add ko na lang yun iba pang pics, busy pa si photographer Rowie!
FYI:
San Juan Surf Resort
Urbiztondo, San Juan, La Union, Phillipines
Bungalow Room for 2: PhP1760(with free breakfast) + Early Check-in Fee: PhP500
Per Hour Swimming Lesson Rate: PhP400 (except with Luke Landrigan)
http://www.sanjuansurfresort.com.ph
http://www.sanjuansurfschool.ph
Van: PhP8000 for 2days + gas and toll: PhP3000+