Hello! I just had my follow up check up kanina. Had to stop all my current medications dahil nagkaroon ako ng allergic reaction. Delayed hypersensitivity daw. Nagkaroon ako ng maliliit na pimple-like rashes sa face, chest at back. Pinakamadami sa fes, anchaka much ko na! So may bagong nireseta saken na anti-allergy na gamot then scheduled for another check-up on Monday. Blood extraction ulet. Huhu.
So what really happened? A day after the successful PBO Bazaar for a Cause, I started feeling sick. Sakit ng ulo at on and off na lagnat. Tuesday and Wednesday, pinilit ko pa pumasok. Thursday, nag-level up ang sakit ng ulo kaya umabsent na ko sa work. Actually, sanay ako sa headache dahil na din sa eye problem ko. Pero the headache was different. Magpa-check up na sana pero nag-dalawang isip pa ko. Ayoko kasi sa hospital. Surprisingly on Friday, I felt ok.
Then Saturday morning, halos di ako makabangon sa sakit ng ulo. From temple gang likod ng ulo ko parang binibiyak. And I was hot again. I tried to eat kahit wala kong gana. But I threw up after. Twice ako nagsuka. So nag-decide na si mama na pumunta na sa Taytay Doctors.
When the doctor saw me, she said I don't look good. Immediately, I was referred to the ER. For confinement na. Dehydrated na din daw kasi ako. Kinunan ako ng dugo for CBC. Takot ako sa needles. So naluha ako pagkatapos.
Then lumapit na yun nurse na maglagay ng dextrose. Para kong batang umiiyak at nagsusumbong sa nurse na natatakot ako. Awang awa naman siya saken. Kaso nun tinanong kung ilan taon na ko, nahiya naman ako. Tanda ko na, maka-iyak lang! Yun first attempt, pumutok pa yun ugat ko sa kamay. So kailangan i-try naman dun sa kabila. Iyak ulet ako. Good thing the second attempt was okay na.
The whole time e masakit pa din ulo ko. I was almost begging the nurses na bigyan na ko ng gamot pero paracetamol lang binibigay saken every 4 hours dahil hindi pa sure kung ano talaga yun sakit ko. Initial diagnosis was Systemic Viral Infection.
My mom had to go home din dahil wala naman kaming dalang gamit kasi unexpected naman na ma-confine ako. I was thankful dahil pinuntahan ako ni ELF Lori para may kasama ko habang wala si mama. Lori said that I really looked pale, dun ko lang na-realize na totoo nga yun sinabi ni Doc. Kinabukasan, dumalaw din ang office friends kong sina Faye, June at Zaicy at lahat naman sila nagsabi na namamaga daw mukha ako. Water retention, I guess.
To cut the story short, lumabas yun results ng test. Nag-drop yun hemoglobin level ng blood ko. Hemoglobin in the blood is responsible in carrying oxygen to all parts of the body. Dahil bumaba, nahirapan daw magdala ng oxygen papunta sa utak, the reason why sumasakit ng todo yun ulo ko. At extreme level yun pagbaba so hindi siya kaya ng gamot lang. I had to undergo blood transfusion.
But before that, I had to go thru other tests. Dahil ang anemia daw ay often result ng iba pang sakit. CBC ulet. X-ray. Whole abdominal ultrasound. Fecalysis. Thank God, lahat naman ay nag-negative. So on the third day, e natuloy na ang pagsasalin ng dugo. For 30mins, may naka-bantay saken na nurse na maya't mayang ni-check ang vital signs like BP, temp at pulse rate. Sabi nga kasi nun trainee nurse, pwede daw ikamatay pag nagkaroon ng adverse reaction sa blood kahit pa nag-undergo yun ng crossmatching. Gusto kong saktan yun nurse, takutin pa ba ko?
Actually, habang sinasalinan ako ng dugo, nahihirapan akong huminga lalo na pag nakahiga. Hindi lang ako nag-complain kasi alam kong alalang alala na si mama. So for 12 hours, hinintay ko matapos yun process habang nakaupo, masakit both sa likod at sa dibdib. Minsan nararamdaman kong nag-palpitate din ako pero deadma lang. Inisip kong lahat yun e normal lang sabay pray din. At every hour e may nag-check naman na nurse.
Another CBC on the fourth day and finally okay na yun hemoglobin count. Kinailangan pumunta ni Mama sa Philhealth office para kumuha ng Member's Data Record so thankful naman ako kay bff Zaicy dahil siya naman nakasama ko. And finally, on the fifth day e nagkaroon na ko ng clearance na makalabas. Total bill was PhP47000+. Covered naman ng health card at philhealth yun so PhP2000 lang cash out ko.
Nagpapagaling na lang ako ngayon dito sa bahay. Unfortunately nga e nagkaroon ng allergy so kailangan malaman if yun blood transfusion o yung mga gamot ang nag-cause. Anyways, I'm praying na everything will turn out good on Monday.
Again, thank you kina Lori at Zaicy sa pagbabantay saken at kay Faye sa pag-aayos nun philhealth requirements ko sa office. Thank you din to all blogger friends who prayed and wished me well. Hugs to all! Mwah.
Ciao! ♥