Today is my uber malditang niece's 5th birthday. First week pa lang ng January ay nagpaparinig na si Chin-chin na malapit na daw birthday niya. Naglalambing at may pa-yakap yakap pa ang bata kaya naman nag-promise ako na pupunta kami ng zoo. So last Tuesday nga ay nagpunta kami ng Ark Avilon!
I purchased six advance tickets for PhP200 each.
PhP100 discount compared to reg ticket price! |
Sobrang excited ni Jaydrex, 9:30am palang nakaligo at nakabihis na siya. Come 11am e hindi pa rin kami nakakaalis dahil tagal namin
FX sinakyan namin papuntang Tiendesitas. We arrived in Ark Avilon in no time. Buti na lang hindi heavy traffic. While nagpa-register ako, pictorial na agad ang mi familia amor with the pets for adoption ng Pet-tissimo.
For sure, mag-enjoy din si Bff Zaicy sa Avilon. Ang dami kasing birds! At amazed ako sa mga birds na to kasi kahit walang tali, hindi sila nag-fly me to the moon at escape from Azkaban.
Taray ng Eagle - sunbathing! |
Hindi ba keri ng owls na i-close ang eyes? Tamad ako mag-google. |
Shy type ang silver ek ek! |
Chaka-bird. Chaka di ba? |
May katamaran lang ang mga animals dito. Halos lahat sila tulog. Mula sa tiger, lion, hyena at sa black bear. Oras kasi ata ng siesta yun punta namin.
Naaninag nyo pa ba yung lion? |
Ang mga kontrabida sa Lion King! |
May naalala kong cartoons nun bata pa ko dito, di ko alam title. |
Buti pa siya gising, tulala lang! |
And then nilabas yun albino burmese phyton. Nagkaroon ng konting thrill. Dahil nakahawak na ko neto nun nag-Davao kami, less na din takot ko. But this is twice bigger. Bigat at mas mahirap i-control yun head.
Cool na cool Kuya ko oh! Tapang!! |
Pero ang totoo.. takot na takot naman! Napapatili pa, nyahaha! |
Wag ko daw i-post yun picture niya. E sabi ko blog ko to, wag siya mangialam. Bad ko no? Hehe.
And then we toured around some more. Madami pang ibang species ng birds at andaming guinea pig. Meron ding sheeps at pygmy pigs. Crocodiles at turtles at yung mga giant arapaimas.
Bawi naman sa kagwapuhan ang Kuya ko oh! |
Panalo din ka-cute-an ni Jaydrex! |
Siyempre ni Mommy at Chin din |
This one's a turtle. Parang crocodile ang peg. |
One of the highlights din ay nun lumabas na sa Jenny. Not sure if she's an orangutan or chimpanzee. Super bango niya. Sabi ni mama, amoy downy daw. Napa-rubadabango tuloy kami.
Kaaliw si Jenny kasi parang super love niya si mama. Muntik nya pa talagang i-kiss. Niloloko namin si Mama na akala ata ni Jenny siya ang nawawala nyang mudra.
But we soon found out na iba pala motibo niya. Bet pala niya yung bracelet ni Mama. At yun bag ko. At yun cellphone na laruan ni Chin. Klepto lang ang peg? Pero masunurin naman si Jenny, isang saway lang ni trainer nya, behave na ulet.
Kung si Jenny mabait, ibang level naman ng pasaway tong isang unggoy na to. Maglalambitin, bubukaka at paglalaruan ang kanyang tooot.. Pervert naman ang peg. Kaloka.
Nag-feed din kami ng mga patay gutom na carps. Stampede talaga sila, tipong dinadaganan ang isa't isa. Pero aliw to!
Hindi naman halata na enjoy ako? |
Oh ansabe nyo sa pose ni Mama ko?! |
Sobrang hyper nun dalawa kaya naman nagutom din agad. Due to insistent public demand, sa Jollibee dapat kakain. Dahil di ko alam kung may Jollibee near Tiende at ayoko naman magtanong, fly kami to Ever Gotesco Mall. Kain lang at laro sandali yung mga bata.
At yung isip bata. Lol. |
That's it! At dahil ngayon talaga ang birthday ni Chin, ni-surprise ko siya ng maliit na mocha cake pag gising niya. Sa family namin, you'll know kung talagang happy pag nawawala yun mata sa pag-smile!
Happy Birthday sa aking cute na cute na pamangkin na love na love ni Tita! |
Side Kwento:
♥ I am uberly happy ngayon dahil nakapagpabook na ko ng flights para sa Cebu/Bohol Trip ng ELF this June. I really wanted na matuloy kami kaya lang medyo nawawalan na ko ng pag-asa dahil ambilis maubos ng mga seat sale. Good thing this morning ay napadaan ako sa website ng Tiger Airways at meron silang piso fare. Pasok sa date na napagkasunduan namin. RT ticket namin ay almost PhP600 lang kasama na prepaid baggage. Ipinagdasal ko to, though sabi ko if it's not meant to be e okay lang din. Pero mukhang meant to be, yey! Thank You God.
♥ Dear Blogger friends and readers kong iilan, please support PBO. Follow @iHeartPBO thru twitter or click here to follow the official blog site via GFC. And also like the Facebook Fan Page, click here. We will be having a bazaar of pre-loved items this Feb. Love month naman na, so share some love. If you have any donations in cash or in kind, you may contact me thru twitter and I'll coordinate with the rest of the officers.
♥ Have fun everyone! :D