Sunday, September 30, 2012

Before September ends..

I've been too busy(busyhan) these past weeks and I've got little time to blog about my rampas. So just before this month ends, I want to share them all. 


New Love
Sept 3


My sister-in-law gave birth to a beautiful daughter! My Kuya's 4th child and my 10th pamangkin. Very soon, magiging 11 na pamangkin ko. Mas lalo kami sisikip sa bahay pag Christmas, mas magulo, at definitely mas masaya!


EB 
Sept 21


Pangatlong EB session na namin ni Zaizai. Ang cute lang every next EB e kasama namin yun last na na-EB namin. First was with Empi. Then with Arline and Hash na kasama na din si loveteam. Tapos kaming lima naman, ni-meet namin si Theo.


Nanalo kasi si Sis sa pa-contest ni Theo kaya mag-meet sila, sumama na rin kami para instant group date. Ansaya lang ng mga EB lalo na kung sing-kukulet at energetic nina sis Arline at Hash ang kasama. Sina Empi at Theo, taga-tawa lang..


By request namin ni Zai na sa Rob Galleria na lang ang meeting place kasi may shift pa kami nun, at na-late kami ng 1.5 hours kasi ansarap chumika.. :D




AI Concert
Sept 22


First time kong nanuod ng concert.. oo, after 26 years, tao na ako, charot! Naki-sabit ako sa bonding ni Zaizai sa mga kapatid nyang sina Ge at Carla. Hindi basta basta ang dinanas namin para mapanuod si Jessica Sanchez..


Wrong Gate!
Maaga kami pumunta sa Araneta para siyempre mauna sa pila at pagpasok. Excited kami nun nag-start ng pagpapasok. We got two free kitkats pa ni Zaizai. Pag-scan nun tickets namin, sabi ni ate, dun daw kami sa yellow gate! What?! May color coding pa pala ang mga gates! Anyways, lipat kami sa kabila at andami na din tao.. Pero keri lang, nakakuha naman kami free kitkats dun sa wrong gate, everything happens for a reason talaga, hehe..

Squeeze me baby!

Nakakaloka lang ang dami ng tao, feeling ko any monument e hihimatayin na ko. Kanya kanya ng arte yun mga cast.. Mas haggard nun nag-start na magpapasok, best in tulak yun mga nasa likuran, yakap ako kay Ge para di ko matumba! Kawawa si Carla, nagitgit dun sa mga rehas..

Stumble and Fall

Ansaya lang naming apat nun finally e nakapasok na kami. Takbo si Carla papunta dun sa bandang gitna kasi konti pa yun tao. Nakitakbo din kami ni Zaicy ng magka-holding hands pa. Nang biglang madapa si bakla! Bulag kasi, hindi nakita yun maliit na stairstep. Ang kaloka dun e saken siya natumba, so ending dalawa kaming napahiga, nadaganan niya pa ako! E ang laki niya di ba? haha.. Akala daw ni Ge e nasaktan kami, naloka siya kasi halos hindi kami makatayo sa kakatawa!

Oh well, naging unforgettable naman ang first watch ko ng concert. Nag-enjoy kaming lahat. We ate in Banchetto pa ng favorite isaw after.




Team Dinner
Sept 27

Soo happy with my new shoes!
Sweet namin ni Zaicy! Kaya mapagkamalang mag-jowa e, hehe!
Parang nasapian si June at nagyaya na kumain ang team sa El Pedro's for dinner. Dahil malapit lang naman e gow ako. 6pm sharp ako dumating, wala pang tao, feeling ko pinag-tripan ako ng mga kasama ko, haha! Buti dumating din agad si Zaicy. 

Favorite ko pizza dun, unfortunately, hindi siya available. Pork budbod na lang kinain ko. Lasinggero mga kasama ko so hindi mawawala ang bucket at more buckets ng beer. Pinilit kong maubos yun one bottle ng apple flavored beer tas ayoko na, masarap daw e mapait din naman, hmp!



Fri-date!
 Sept 28


Mirienda at Max's P99 meals (mirienda lang yan!hehe..)

Started out with yet another bonding with Zaicy and June. Nanuod kami ng Of All the Things ni Aga Muhlach at Regine Velasquez-Alcasid. Libre ni napaka-gandang bestfriend June ang movie, hehe.. 


Aliw yun film, perfect combi ng slight drama, comedy at love story. Ibang level talaga makipag-kissing scene si Ate Reg.. wagas! Ibang level din ang ingay makipag-usap sa cellphone at mag-text nun nasa likod namin! Naka-loud talaga ring tone at keypad tone, pang-asar lungs..


The day ended na kasama ko sina Lori, Sophie, Nic at Rowie. We had a late dinner at guess where? El Pedro's ulet. Feeling ko kilala na ko ng mga waiters dun sa dalas ng punta ko. Kahit two weeks pa lang nakaraan nun nag-Iloilo kami, super na-miss ko ang ELF! Yun lang, hindi kami kumpleto pero happy pa rin.


We ate pizza and budbod and had coffee. More chika at inom ng tanduay ice after. Siyempre, isang bote lang ako ulet, ayoko malasing no! Baka um-over sa kaligayahan na naman si Lori, hehe. Around 1am na kami nakauwi, at walking in the rain pa ang drama namin. I so love you friends, hehe! Emo mode pa rin tayo!




Breakfast
Sept 30

Ang galing lang ng timing ng text ko kay Arline ng namimiss ko sila ni Hash kagabi around 12mn, hehe.. Andito pala sila sa Taytay at naglalamyerda. So nagyaya agad kami ng breakfast ni Zaizai! Sa mcdo lang naman yun, chika chika lang at tawanan as usual. Sa gutom ata namin, nakalimutan ang picture, hehe..



Thank You God for a beautiful September!



A few hours to go at October na! And hey, birthday na ng aming favorite photographer.. si Engineer Manager Rowie! 


Happy Birthday Mr. Agustin! Mwah mwaah! :D

Ask ko si Zaicy last night kung ano ang magandang gift kay Rowie. Ang sagot nya.. "isang gabi ng ligaya", hahaha.. Baliw talaga si bff no!


Hope we all have a blessed October...

Lots of !



*sorry naman sa super long post! 

Friday, September 28, 2012

Bye Iloilo/Guimaras!

Day 3 na ng Iloilo-Guimaras Trip! Last sequel na ng super past due post ko, hehe..

Though sobrang takot ako the night before, bongga at mahimbing ang naging tulog ko.. Sinilip ko agad kung umaraw na, sadly medyo cloudy pa din, at mas nag-high tide pa, so lost na ang chance na makapag-island hopping kami.. (Well, let Kulapitot take you na lang, see his post
here.)

Instead of magmukmok at lungkot-lungkutan, we savored the beach one last time..



More kulitan portion!

While nag-pictorial kami, may di ako malimutan na eksena.. Rowie was taking shots malapit dun sa batuhan, biglang umalon ng malakas, at kitang kita ko na parang kinain siya ng alon.. Super napa-nganga talaga ako at nanlaki mata sa gulat! What's weird is, I was just about two meters away from him, at same distance kami from the beach, legs lang yun nabasa saken, pero siya kahit tinaas nya yun DSLR way above his head, nabasa pa din, kahit tuloy siya parang natigilan at nataranta kung pano pupunasan yun cam, ka-haggard!


Anyways, we had breakfast na and prepared to check-out..



The usual breakfast - corned beef/tocino/ham silog at coffee!
Pictorial sa "singles" room
And we said goodbye to Guisi Clearwater Resort..



Dumaan kami sa Trappist Monastery at isa pang store para bumili ng mga pasalubong. Supposedly, may daanan pa kami Museum pero closed naman for renovation, at lumakas pa yun ulan, so derecho port na kami after.


We were so surprised nun pagdating sa Iloilo.. baha! Kala ko sa Manila lang uso ang baha, hehe.. 



From Parola, sumakay kami ng jeep papuntang SM City. May naka-chika kami na local at naging instant bestfriend ni Sophie yun kasama nyang bata. 


I thought ako ang partner ni Rowie sa trip na to, pero sino tong kaakbay nya sa jeep? hmp! hehe..


May Traveller's Lounge sa SM City at dun namin ni-deposit yun mga bags namin for only PhP30. Lunch time na, so we rented a taxi and nagpunta kami sa Breakthrough to satisfy our seafood cravings.

While waiting for food to be served, siyempre pictorial ulet, dyan kami hindi magsasawa!



These were what we had for lunch! Dami namin nakain
lahat, laki ng tiyan ko after, hehe..



We went back to SM, bought ref magnets for my collection and similar shirts for the gang, got our bags back from Traveller's Lounge, rode the rented van, passed by Biscocho House to buy more pasalubong, and then off we went to Iloilo Airport.

Flight back to Manila is at 8:35. Nagcheck-in na kami, nag-pictorial (ulet) at nag-dinner.


Delayed ang flight ng mga 20mins pero keri lang. Medyo naguluhan kami kung pano kami uuwi kasi madami kami dala-dalahan. Good thing, na-discover namin yun fixed rate taxis sa airport. Only Php960 yun hanggang Taytay, six kaming naghati (sina Joana at Julius kasi pa-Cavite) kaya sulit talaga. Sa airport pa lang mag-bayad na tas bibigyan kayo ng receipt agad. Mas recommended to for groups na iisa lang yun destination pauwi.. hassle free at mas mura!

Di siksikan dahil Grandia yun sinakyan namin - sosyal lungs!
So there.. tapos na ang three-part Iloilo-Guimaras trip namin, thanks for staying tuned (radyo?!).

:D





Tuesday, September 25, 2012

Guimaras!

Rise & shine! Day 2 na ng trip namin..

Dahil nakatulog ng mahimbing yun mga hindi namin kasamang naligaw, ang aga nilang nambulabog at nanggising! As in wala pang 5am, kumakatok ng sobrang lakas, sarap lang saktan, hehe..


By 7am, ready na kaming lahat for breakfast. We ate in Deco's ulet para naman ma-experience din ng iba yun food dun. Meron silang breakfast buffet for only Php100.



After eating, we went back to the dormitel. Check-out na, and we're off to Guimaras. Sakay kami ng jeep papuntang Ortiz port. Sinalubong kami ng mga tricycle drivers, at sinabi na mataas daw alon dun ngayon so dun kami dapat sa kabilang port, Parola yun tawag nila. 



It was just around 15-20mins boat ride and we finally step foot in the Island of Guimaras. Bawal daw magpasok ng kahit anong mango eklavu sa isla.




Derecho kami dun sa Tourist's desk. Nag-log at nag-ask kung pano makarating sa resorts. Nag-hire kami ng multicab for Php600 (pero naging PhP700 for some odd reasons).


Dun sa stop-over sa market (habang namamalengke ang mga boys), bumili ako ng icecream at frosty para sa girls. At na-excite ako ng makakita ako ng plastic balloons, ansaya lang mag-laro ulet!



I took us about an hour and a half to reach Guisi Clear Water Resort but it was all worth the wait.. 



True to its name, the water is really clear.. plus the white sand.. it really is relaxing to see such beauty!




At napakamura pa ng entrance fee.. 


 
Pero dahil mag-over night kami, we paid 4800 for 2 aircon rooms with 2 beds each at private CR. May mas murang fan rooms (PhP1800 for 8 pax) kaya lang medyo creepy, kaya ayaw namin, hehe..

Habang busy silang lahat sa pag-prepare ng lunch..

Ang Masisipag!

Busy rin ako sa pakikipaglaro kay Sophie sa beach, hehe..

Ang favorite subject ni Ninong Rowie
Ang pagpipilit na makabuo ng sand castle na hindi successful
Siyempre dapat may jumpshot sa beach!


Around 3pm, ready na ang lunch namin! Inihaw na liempo, inihaw na tilapia at inihaw na pink na isda.. at mangga't bagoong.. at yellow watermelon (so sosyal!)..

Famous Question ni Nic: 
Kung magiging pakwan ka.. 
Pakwan na red o Pakwan na yellow.. 
At bakit?


Parang maganda naman ang weather nun nag-start kami kumain, pero maya maya ng wala man lang warning, biglang umulan ng sobrang lakas with matching bonggang hangin, nataranta kaming lahat sa biglaang paglilipat ng food namin sa covered area! Nanginig tuloy kaming lahat sa sobrang lamig, lalo na kami ni Lori na pang-summer ang outfit, hehe!


Pero siyempre, life goes on.. at tuloy lang ang kain! After lunch, we played Truth or Dare sa phone ni Joel. First dare ko.. fly like an airplane around the room, pang-abnormal mode lang, hehe.

And then more beach bumming, swimming, jumping with the waves at paggawa ng logo ng ELF sa sand..  Unfortunately, nun picture time na, biglang umulan ulet ng malakas at kailangang itago ulet si DSLR, huhu..


Yun mga natirang food ang naging dinner namin. Dahil super lamig nga, nag-inom kami ng slight.. at sinumpa ko ang The Bar, ibang level ng hilo ang pinaramdam nya saken..

Nag-pretend din kami na marunong kumanta at nag-videoke while inom ulet ng slight..

The Songers!
Bigay na bigay lang si Lori, hahaha!
Lasinggerang lasinggera lang ang peg ko, bakit andami beer sa harap ko!hehe..
Til 10pm lang allowed ang videoke, kaya back to playing Truth or Dare kami at more chikahan at tawanan lang..

Nun sleeping time na, horror mode ulet. Dahil puro duwag kaming magkakasama sa room, pinagdikit namin yun 2 bed, nakisiksik si Julius sa kama namin ni Joana, at iniwan si Rowie mag-isa, kawawa naman, hehe..

Bakit kami natatakot lahat? May eksena kasi ng biglang nawawalang susi dun sa kabilang room nun after ng lunch. Hiniram kasi ni Mic yun susi kay Lori para makapag-CR siya. Tas biglang nawala si susi, hinanap nila kung san san, at nakita sa medicine bag ni baby Sophie..  So it's either kinuha ni Lori yun susi at tinago niya sa bag niya at nagka-memory gap siya after o may multong nagtago daw.. :)


**To follow ulet ang Day3 :)

Paunawa: Tuloy pa din ang everyday OT namin, lakas maka-ubos ng energy (at ng ganda!) kaya medyo tamad tamaran ako mag-post, hihi..






Thursday, September 20, 2012

Lost in Iloilo!

"Nong, Sa lugar.."

Yan ang first Ilonggo term na natutunan ko when ELF went to Iloilo. "Nong" or "Manong" and "Manang" ang general na tawag sa mga elderly. "Lugar" means "para" or "stop" naman sa sasakyan. "Kaon" means "kain" at "namit" means "sarap". Yan lang naalala ko, hehe. Pero gusto ko accent nila dun.. calm, parang bawal magalit.


Oops .. backtrack tayo ng slight. So yes, last Thursday flight ng ELF to Iloilo ng 8:35am. Excited much kaya 5:30am pa lang, nasa Terminal 3 na kami.




And then kinulit namin yun Ate sa check-in counter. Ansama ng loob ni Nic ng siya lang ang tinanong kung preggy, hehe!



Thank you Piso Fare!
We then had breakfast in Burger King while waiting. May pictorial pa kami with photographer Sophie, ang three year old baby ni Lori.


Perfect shot ni Sophie di ba?
On time naman ang flight namin and in less than an hour, touchdown na kami sa Iloilo Airport.



Upon arrival, sakay naman kami ng van papunta sa One Lourdes Dormitel. Super cheap yun accomodation dito pero clean and comfy yun place kaya perfect sa budget conscious like us.



Family Room for PhP1048

Since lunch time na, we went to Roberto's to eat. Well known ang place for their Queen Siopao na hindi ko natikman, hehe!

 
Meatballs, Shanghai, Fried Chicken at Chopsuey
Queen Siopao - special dahil may bacon!
Clockwise from left: Me, Nic, Mic, Joel, Lori, Sophie Joana & Julius

After lunch, derecho na kami sa first destination namin, ang San Joaquin Church. It helped na marunong mag-Hiligaynon sina Joel at Julius kaya may taga-tanong kami ng directions. From Iloilo City, it took us an hour and a half (and PhP60 each) to reach San Joaquin (walang traffic!) so imagine kung gano siya kalayo, hehe.


San Joaquin Church
Declared National Historical Treasure in 1977
Year Built: 1859 By: Fr. Thomas Santaren Year Completed: 1869
Materials: Coral Stones and Lime Stones
Facade (stone carvings) depicts the celebrated victory of Spanish cavalry 
against Moors in the battle of Tetuan*

Next stop naman ang Miagao Church. From San Joaquin, sumakay kami ng Ceres Bus to Miagao. Napa-meow este wow ako sa ganda ng Miag-ao (rhyme?) Church, hehe..


Church of Santo Thomas de Villanueva
Miagao, Iloilo
World Heritage Site
One of the four Baroque Churches of the Philippines inscribed in 1993 
of the World Heritage List pursuant to the 1972 UNESCO Convention concerning 
the Protection of the World Cultural and Natural Heritage*


We were supposed to visit two other churches pa kaya lang di na trip nun iba. So we decided to visit Racso's Woodland in Guimbal instead. Dahil pagod at inaantok na si Mic, umuna na siya umuwi kasama ang kanyang wifey na si Nic at ang tour guide/translator namin na si Joel.


Php50 lang ang entrance fee na consumable pa at pwede mong ipambili ng food or other stuff like souvenirs sa loob, sulit di ba? Dahil medyo gutom na kami, snacks and drinks ang binili namin.


Mostly, birds lang nakita namin. Madami pa pwede puntahan kaya lang parang biglang dumilim at naging creepy yun place. Kaya nagyaya na rin ako na umuwi, may chismis kasi na may aswang daw sa Iloilo e siyempre natakot ako, hehe.




Around 6pm kami nun umalis sa Racso's, ipinagsiksikan ang mga sarili sa masikip na jeep  dahil mukhang pahirapan ang sumakay. Medyo confused kami kung san kami bababa, sabi ni Manong driver hanggang City daw siya pero binaba nya kami somewhere na malayo pa. Then sakay ulet kami ng jeep pa-Rob na malapit sa dormitel. 

Medyo magulo yun mga daan sa Iloilo, maraming one way so hindi kami familiar sa mga dinadaanan pabalik. Dahil feelingera kami, naisip namin na sa SM kami bumaba para mag-dinner na din. Akala namin same SM to na nadaanan namin from airport earlier, hindi pala. Dalawa pala SM sa Iloilo - isang SM City at isang SM Delgado.


Ayun, tanong tanong ulet kung pano makauwi, sabi ng friendly peeps na malapit na lang daw at kaya na lakarin pabalik sa dormitel.




We had a taste of the street foods dun habang naglalakad. Tempura tawag nila dyan, sabi nila iba daw lasa, pero para samin ni Rowie, normal na kikiam lang siya talaga.

Three blocks lang daw lakarin, tas kaliwa at makita na namin ang street na hinahanap namin. Well, three blocks nga lang at naliligaw na kami, hehe. Nadaanan namin ang Deco's at nagyaya na ko kumain pero ayaw pa nila kasi baka hindi pa kumain yun mga kasama namin sa hotel na hindi sumasagot sa texts at tawag. 


At biglang bumuhos ang malakas na ulan. Basang sisiw lang ang peg namin, nowhere to be found pa din ang hotel, hehe.


Haggard na, nakuha ko pa mag-picture, hehe!
Nun tumila ang ulan, nag-decide na kami na kumain na nga muna sa Deco's. Famous naman sila for their La Paz Batchoy.

Silog plus La Paz Batchoy

After kumain, nakuha na rin namin ang accurate info pabalik sa hotel. At kaya pala hindi sumasagot yun tatlo, himbing na himbing sila sa pag tulog. Quick shower lang at snooze na din kami.


:)


Ang haba lang ng kwento ko, to follow ang day 2&3 ng trip namin!



*copied from printed info found on churches