Sunday, December 23, 2012

Rampa!

After kong magkasakit at mag-tamad tamaran, nagbusy-busyhan naman ako sa pamimili at pagbabalot  ng mga gifts para sa mga family, friends at siyempre mga inaanak. Favorite ko ang gift wrapping! Ang saya kahit nakakapagod.

Pili na kayo ng gift! :p

Anyways, eto ang mga nakaraang rampa!


Morning with Empi!

Dahil miss namin ni Zaicy si Empi, yinaya namin siya sa isang biglaang breakfast nun Monday, kaya biglaang napa-halfday din ang lolo mo, hihi! Kami na ang bad influence. We had breakfast at Coffee Bean and Tea Leaf in Ortigas Park, nag-stroll ng onti sa St. Francis at Megamall, then had lunch at Max's. It was fun! Thanks sa gift mo saken, Empi. Bubuksan ko na bukas, yey! Mwah!

Yummy pero di ko gaano mahilig sa bread!
Ang formal ni Papa Empi!
Matapos ako pilitin ni Zaicy na magpa-picture dito, niligwak nya ko sa fb!
Pati poster pinatulan oh! Baliw!
Laki ng gift ko oh! :)

Team Christmas Party!

Then Tuesday afternoon naman ay Christmas Party ng team namin! Sa Canterberry ang ganap. Lafang, nomo at videoke lang ang peg. Php5000 for 5 hours na stay sa room na inclusive ng 4k na consumable for food and drinks. Ang yaman ni TL Fer (kuripot siya sa mga normal na pagkakataon), treat nya yun more than half nun bayad.

Si TL Fer yun may ginto sa damit!
Ang Magaganda - June, Me and Zai!
Kaye, Mommy Divine, Anne and Mommy Mheann
BackStreet Boys - Ambet, Patrick, Ken and Kix
Johanna, Riez and Iyay!

After ng kantahan at kainan ay exchange gift na! Kumabog sa eksena si Anne. Ibang level yun happiness niya sa gift niya. To think na yun naman mismo yun nasa wishlist nya. Hanggang ngayon hindi ako maka-get over sa reaction niya nun, lagi ko ni-reenact, gusto nyo ng demo? Haha. Basta ang cute. Super kakatawa.

Ang script ni Anne, "Oh my God! Oh my God! Waaaah! Thank you, Mommy Mhe!" 
With matching slight talon talon yan at hug kay Mommy Mheann! :D
Nabunot namin ang isa't isa ni Iyay!
Wawa si June, wala siya gift, hindi pumunta yun monito nya!
Picture bago umalis!


Dinner/Reunion

After ng party, derecho kami ng Isaw Haus to meet our former teammate na ngayon ay OFW na sa Saudi na nagbakasyon for Christmas na si Andie. Dahil nga hindi ako nakasama dun sa original party ng mga beki e nagyaya ako ng round two. Kasama din namin si Mama Rey, our former TL. Kain lang ng pansit at isaw na yummy!

Andie and girlfriend Faith

Mama Rey and June

Pancit Canton!

Isaw with masarap na suka!

After ng chikahan sa Isaw Haus ay nabola namin ang magandang si June na i-libre kami sa Starbucks dahil birthday nya kinabukasan. Dahil mayaman si bestfriend, siyempre gow agad!




:)


Nanalo din pala ako ng $20 voucher sa blog giveaway ni Pareng Lawrence of Colors and Grays! Ang super saya ko nun binalita ni Zaicy yun. Nagtatalon din ako sa tuwa, ginaya ko si Anne, haha. First time ko kasi nanalo sa raffle e! Kaya lang parang hindi ko din siya magamit, sinong may gusto?

 
And I received e-greeting card from Ric! Thank you so much! And thank you Jon for your Christmas e-card na may sound effects pa!



Advance Merry Christmas everyone!

43 comments:

  1. weeee! Merry Merry Christmas Jo!

    Ang daming gift! enjoy talaga magbalot ng regalo...

    Natakam na naman ako sa isaw hehehe

    Keep smlling!

    ReplyDelete
    Replies
    1. cute mo sa mga pic.... lalo na sa greet pic mo...

      Delete
    2. Thanks Jon! Merry Christmas din! Masarap yun isaw sa isaw haus, favorite ko, pag umuwi ka treat kita dun, haha!

      Delete
  2. Hi Joanne. Nagutom na naman ako. hehehehe. San ba ako maghagilap ng isaw sa Frederick @ 1:32 AM? :(

    By the way, parang hindi na man suka tingnan ang sawsawan sa isaw? I looked closely, nagbabakasakaling mabusog ako sa tingin lang.

    Dress to kill talaga si Empi dahil magkita kayo. Ooooy!

    I really miss spending the holidays na naka-shorts. Last was 1997.

    Merry Christmas, Joanne. High five mo ako kay Zai. Pwede rin sa mukha. lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, asa ka naman Lili na may mabibilhan ng isaw jan! Suka yun na siguro may toyo kaya dark yun color, perfect ang asim, slight tamis at anghang ng suka!

      Feeling ko nga nag-prepare talaga si Empi for me, haha! Antagal na ng Christmas in shorts mo ah, haha!

      Merry Christmas Lili! High Five!!

      Delete
  3. merry xmas joanne, yung pic grit ko para sa inyo mamaya ko na lang ipopost ehehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Chritmas Rix! Wow, i-check ko ang pic greeting!

      Delete
  4. yey, Happy Christmas Miss Joanne :)

    ReplyDelete
  5. Merry Christmas Joanne :))) Mula morning til dawn, lol ahaha, andaming ganap sa iyong buhay! Pahinga din baka magkasakit ulit. Takecare!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas Anthony! Hihi, sana hindi na magkasakit ulet! :)

      Delete
  6. Ang sweet sweet mo nanan sa picture mo alone. Nakakatuwa dyan kasi mainit. Puede naka shorts lang sa mga party.
    Anyway, naka miss ang isaw:)
    Congratulation for all the gifts. Sipag mong magbalot, while ako naman ay hindi:)
    Merry Christmas sweet dear:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, at talagang sa shorts kayo natuwa! Ansarap ng isaw! Merry Christmas Mommy Joy! Love love!

      Delete
  7. Huwaw ah daming ganap ah. Asan yung gift ko dun? Akin yung malaki. dyuk!

    Happy Holidays Ms. Joanne :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. May gift na ko sayo.. yun text message, haha! Di na kinailangang ibalot! Merry Christmas Arvin!

      Delete
  8. Meri xmas. Asan gift nmin ni ate bob? Hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas!! Naku, naubos na yung gift, sayang!

      Delete
  9. yieeee! Merry Christmas ma friend! :D

    ReplyDelete
  10. ang kulet ng e-card parang namamaalam lang hahahaha chos! merry xmas to u joanne!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, baliw talaga tong si Kulapitot, tinegi mo naman ako! Merry Christmas my dear!

      Delete
  11. daming kaganapan! maligayang pasko joanne :)

    ReplyDelete
  12. Merry Christmas ate JO! More blessings to come, and happiness! Love yah! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas bebe sis! More blessings to! Let's all stay happy! Love love! Mwah mwah!!

      Delete
  13. Grabe napaka lakwachera mo talaga! Alis ka ng alis, dami mong lakad! Buti kasama ako lagi no hahaha :)

    Pinatulan lang ang poster baliw na?! Pag ikaw pinatulan ko, yun! yun ang baliw!


    Merry Christmas Marse, labyu with all my heart and fats!

    ReplyDelete
  14. ayun oh nagparamdam din hehe..ang dami palang ganap eh busy nga..at ang dami mong binalot na gift ah..ikaw na si santa!

    yun pala yung isaw na sinasabi ni Lori or ni Zai(di ko na matandaan hehe) na mura lang daw..mukang masarap jan ah..

    Merry Christmas sis mwah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas dear twin sis! Miss you! Pwede ka namin i-treat jan sa isaw haus, paramdam ka lang pag napadpad ka ng Taytay!

      Delete
    2. ay parang gusto ko tuloy sadyain yan! haha.. miss you too twin sis!

      Delete