Nun Dec 18 dumating yung panganay na anak ng Kuya ko na si JM dito sa bahay. Last na punta niya ng pasko dito nun 2009 pa. At nagulat ako kasi nagbyahe siya from Nueva Ecija to Cubao ng mag-isa lang. From Cubao, sinundo siya at hinatid lang sa terminal ng jeepney pa-Taytay. Byahe ulet mag-isa. Lakas ng loob kahit 14 pa lang. E ako kasi hanggang ngayon Megamall lang kaya kong i-commute ng walang kasama, haha.
Ayaw pa-picture ng binata kaya puro siya stolen shot! Laki no? Kayang kaya ako i-hagis, lol. |
At dahil nga binata na, ayaw na niya ng gift na toys. Nagpabili siya saken ng sapatos, cap, shorts, wallet.. E inaanak ko to kaya pagbigyan na, mura lang naman mga pinili niya.
Dec 23 naman naman dumating si Ate ko kasama ang apat na chikiting na sina Ate (Mo)Jarie, Kuya (Do)Raemon, Josh at Zen. Idagdag na din ang makukulet na sina Chin at Jaydrex at si Joelle na anak ng kapatid ko na kasama namin dito sa bahay.
My Pretty Ate and Zen |
Ate Jarie, Chin and Joelle |
Joshua |
Christmas Eve namin e simpleng kainan lang din. Actually hindi nga kami naghihintay na mag-midnight e, basta pag nakaluto na si mama, attack agad agad, hehe. Pagkatapos kumain, tulog. O di ba? Haha.
Pagka-gising kinabukasan kami nag-gift giving. Ewan ko kung bakit nawawala yung mga pictures, ngayon ko lang napansin. After nun nagsimba at saka namasko yung mga bata sa ilang kamag-anak at mga ninong at ninang. Pero puro mahiyain naman kaya umuwi rin sila agad. Kulitan lang tuloy kami maghapon.
Mama, Jarie, Joelle, Chin, Zen, Ate and Jaydrex |
Papa with Joelle |
Me with pinsan/inaanak na si Kurt |
Hindi gaano happy si mama sa gift kong bracelet! |
Akala ko hindi na talaga uuwi sina Kuya ko kasama yung iba ko pang pamangkin. Pero nun 26 e dumating din siya kasama sina CJ at Maczene. So total ng 10 bata ang nasa bahay. Ang wala lang e yung three month old na bunso ni Kuya, kawawa kasi ang layo ng byahe.
Si Maczene pagdating pa lang nagyaya na agad sa SM. Kakatuwa ang pamangkin kong to kasi makasakay lang ng escalator e masaya na siya, haha. Kaya sinama ko sina Kuya JM a.k.a. bouncer, si Ate Jarie a.k.a. yaya, si Maczene at Chin para gumala.
Kahaggard pala pag puro bata ang kasama, nawiwindang ako pag may nawawala sa paningin ko. Baka kasi mawala e wala pa naman ako pampalit sa mga to, hihi. Maglaro sana kami sa timezone kaso ang daming tao kaya naglibot na lang kami at kumain.
Ayaw talagang magpa-picture ni JM kaya surprise shot dapat. Kasabwat ko si Jarie. Mabilis umiwas ang bata, pero mabilis din ako mag-shot, haha. Tawa tuloy ng tawa lagi si Jarie Potpot.
Ayan lang naman ang ganap. Simple lang naman lagi ang Christmas celebration namin. Pero masaya yung pagsisiksikan namin dito sa bahay. Andami ba naman namin e. Lalo na nun hindi pa napapaayos ang bahay at iisa pa lang kwarto, para kaming sardinas talaga. Natawa nga lang ako kay JM kasi sabi niya mas maganda pa daw yun dating bahay, dapat daw hindi na pinalakihan. Kamusta naman yun? Sa bubong matutulog yung iba? Hehe.
Christmas 2009! Oh di ba siksikan? |
Pero parang wala ding nagbago this year. Tatlo na nga kwarto pero nadagdagan naman at naglakihan mga pamangkin ko kaya more siksikan pa din. At mas magulo. Imagine mo yung takbuhan ng mga bata, kalabugan ng pinto, sigawan, tawanan, sumbungan kaliwa't kanan, iyakan.. Ganyan. Nakakaloka talaga! Pero masaya.
Advance Happy New Year everyone! Hugs! :)
ang saya talaga ng christmas with the family...
ReplyDeletei hope ganun din ang new year mo....
hangsaya lang :) big family :)
ReplyDeleteWow! Gustong gusto ko makita family mo joanne. Bata pa pala ng mommy at daddy mo and they are very sweet. mana mga anak at mga apo. Nice to see all of you having fun:)
ReplyDeleteHappy New Year:)
Merry talaga Christmas mo with family around.
ReplyDeleteThe family that spend Christmas together, stays together. Ang labo ng sinabi ko pero happiness much much sa inyong family. :)) Happy New Year Ms. Joane :)
ReplyDeleteMerry Christmas sayo at sa family mo. Naingit ako. hehe. Sarap ng marami kayo sa pamilya :)
ReplyDeletepanalo talaga ang family bonding lalo na't sa pasko at sa bagong taon. yihii..
ReplyDeleteOne big happy family! Ang saya naman nakakainggit na close kayo lahat at nakakapagspend ng kompleto sa holiday season! Advance Happy New Year!
ReplyDeletewagi ang family bonding. the more the merrier! hehe
ReplyDeleteHappy new year.
ay hindi napost ang comment ko mahina ang signal! ganyan! hahaha nakakainggit ang family mo, close na close kayo, may mga kids pa, kami kasi tatlo nalang, bihira pang magkita dahil busy sa buhay lol single pa kami both ng kapatid ko kaya walang mga kids sa bahay pa, lost our mom so ang tatay nalang namin ang kasama, cherish every moment and treasure it kasi ang pamilya ang the most important sa buhay natin, im so happy at bonggang inggit ako sa mga pictures na yan! hahaha keri lang to sis! moving on moving on na sa ano ang meron ngayon hehehe sarap ng family bonding ng christmas niyo! happy new year sis!!
ReplyDeletenainggit ako kasi namiss ko yung mga christmas na kasama ko sina mama at papa at mga pamangkin full cast ....
ReplyDeletewala lang ... sobrang blessed mo :)
Ang saya!
ReplyDeleteAno ba FB ng pamangkin mong higante at request ko lang sa kanyang buhatin ka't ihags ka nga ha ha
Ilang beses ko ring sinubukang bigkasin ang title hahaha, nakuha ko rin (ang hirap! pang tongue twister haha)"Nyoskoers sa Balur!"
ReplyDeleteAng saya, ang kulit ng sampung bata pero tingin ko mas makulit yung pang 11 haha. Sobrang saya ng pamilya mo Ate.Jho (lakas maka ate Jho haha),na sana mas lalong sumaya ngayong darating na bagong taon!
isa pa uli "Nyoskoers sa Balur!" haha!
ang saya naman! larawan ng isang happy family... ang kukulit siguro ng mga bata... ang saya saya lang ^^
ReplyDeleteHappy Happy New Year Jo ^_^
ok lang yan sabi nga nila the more the mannier... huh? may mali ata hihihi
ReplyDeletedaming bata! sa amin ako at si Hannah lang! haha!
ReplyDeletesi Joelle kahawig na agad ni ChinChin ang kyot! :*
Sa amin rin. Ako lang bata, teenager na kasi si the boy. hehehehe.
DeleteInggit ako Joanne, sa skype lang kasi kaya namin. Pakihabol na lang Christmas greeting from us to your family.
ReplyDelete:)
"ditto" ka dyan. mag-isip ka naman ng iyong icomment kay Joanne. hehehe.
Deletebuti na lang may translation ung title hahahaha. ayos ang pasko. hopefully okay din ang pagpasok ng new year :)
ReplyDeleteWow, ang saya din pala ng naging celebration nyo ng Pasko with your relatives Miss Joanne :)
ReplyDeleteHappy New Year!
Enjoy talaga pag xmas, daming bata..ansarap makitang kumakain tas habang yung adults taga hugas, taga gastus..lol... pero xmas daw is for kids.. ganun??? hahaha
ReplyDeletenyuskopo. ngalango ngung angona yung title.
ReplyDeleteGreat times! At syempre, hindi mawawala ang SM pag galaan.
ReplyDeleteAdvance Happy New Year!
buti pa kayo andami nyo at andaming bata! ang saya. happy new year!
ReplyDeleteKamukha mo pala papa mo. Katuwa naman and you get to spend Christmas with your family. For me the best talaga pag kasama ang pamilya kahit hindi bongga ang celebration.
ReplyDeleteTotoo, haggard talaga pag lumalabas with kids, lalo na pag makukulit. Pag magkaanak ako isa lang talaga promise hehehe...