Wednesday, December 26, 2012

Merry Christmas!

Hello everyone! Naging merry ba ang Christmas nyo? Dito sa bahay namin, sobrang gulo at ingay at talagang happy! Sampung bata ba naman ang nandito ngayon na nagsisigawan, nagtatakbuhan, nagtatawanan at nag-iiyakan kaya talagang kagulo ang Pasko namin, hehe!

I am really thankful that I got to celebrate Christmas at home this year. Yun mga previous years kasi e may work ako (except last year when I was sick). Alam nyo naman pag sa call center.. open 24/7! At mahirap mag-file ng leave kaya habang nagno-noche buena yun iba, kami ay nag-assist ng mga callers na mag-setup ng mga bago nilang gadgets, haha!

Anyways, sobrang kapagod lang ang last week! Laging kulang sa tulog sa dami ng inaasikaso. Pero masaya naman. Last day of work ko last Sunday night, more or less 4hrs lang na tulog, then after shift nag-prepare naman for.. 

ELF's Christmas Party!

Kahit busy sa buhay buhay, we really find time na magkasama sama for Christmas! Kaya super love ko talaga ang mga bestfriends kong to! Sa walang kamatayang Isaw Haus ulet ang venue. Palagi kami may color coding ng outfit dati, ewan ko kung bakit nakalimutan namin ngayon yun! Kaya for this year multi-color ang peg..


The Originals - Rnix, Lori, Joana, Stacy and Me!

Kasama siyempre ang mga extension sa aming lumalaking ELF family! As usual e late ang pamilyang Legson, haha! Ako din na-late ng very mild dahil sa tricycle driver na magulong kausap, kalurkey siya!


Lori with Joel and my uber kikay inaanak Sophie
Rnix with Mic and tinotopak na inaanak Athena
Me and my designer eyebags with bff Zaicy and Rowie
Stacy's sweet sister Apple!
Lunch time ang kita kita kaya naman nagpakabusog kami ng todo! And I didn't dare na mag-inom pa, baka kasi mag-ala sleeping beauty ako bigla e wala pa naman akong prince charming na gigising saken with a kiss! E kung si Zaicy naman hahalik saken e baka bigla siya maging palaka!


More Lafang! More Fun!


After ng kainan ay ang aming annual exchange gift! Modern ang way ng bunutan for our exchange gift, malalaman kung sino ang nabunot via a message sa fb, taray di ba? Zaicy started the gift giving, siya kasi ang newest member ng ELF!


Zaicy to Julius (proxy si Joana) - Julius to Stacy
Stacy to Joel - Joel to Me (kita nyo pa mata ko?)
Me to Rnix - Rnix to Rowie
Rowie to Joana - Joana to Mic (in his very rare smile,yey!)
Mic to Lori - Lori to Zaicy

Super fun talaga ang gift giving! It doesn't matter what you receive, big or small, fancy or not, it really is the thought that counts! And the love and the friendship! Ayiii..

Zaicy had to go home na. Kami naman e dumaan muna sa house para kunin yung gifts nun dalawang inaanak ko dahil gusto rin sila makita ni mama. Then, dumaan naman kami kina Lori para kumuha ng konting food at ng 7/11 to buy ice cream at pumunta kina Rnix para makikain ulet, hehe! Konting kain, chika, nuod ng tv, asaran, then uwian na.

Super nakakapanibago na umuwi kami ng maaga. Mga 6pm. Usually pag sa ELF, minamadaling araw or inuumaga kami e. Pero dahil Christmas eve, umuwi na rin kami to spend time with our own family.



My Christmas Gifts!

Come Christmas morning e time na para i-open ko yun gifts na natanggap ko. Nagtiis akong hindi sila buksan agad para naman makasabay ko yung mga pamangkin ko sa pag-open nun sa kanila! 

Thank You! :D

This is Empi's gift. He gave this to me nun nagkita kami for breakfast last week. I loved the chocolates. Pero na-touch ako ng sobra sobra sa musical card na binigay nya na in-effort talaga with pictures nun magkakasama kami nina Zaicy sa mga previous gala! Super like! Thanks Empi.



These are from bff Zaicy naman. Akala ko yun necklace na yun gift nya saken pero I was surprised sa super cute stuffed toy! Labyu Zaicy!



These are gifts I got from ELF. Throw pillow from Joel, chocolate mirror from Rnix, soap from Stacy, sexy top from Joana. Thanks much!



Gifts naman from friends and teammates sa office. Chocolates from June, teddy bear from Iyay, merengue from Baby Faye, cutesy slippers and bra strap from Mommy Divine, pink purse from Riez and Hello Kitty notebook from Ambet!



As I was writing this, dumating ang isa pang gift from my bebe sis dito sa blogosphere na si Jessica of Pagguhit ng mga Salita. Thank you so much beh. Happy Holidays din!



And I was also tagged kanina sa photo greeting na ginawa ni Pao-kun! It was such a sweet surprise. Thanks! I hope you don't mind me using the photo. :)




Ayan, andame ko lang kwento! Sa next post na yung about sa magulong happening dito sa bahay dahil I'm sure e pagod na kayo sa pag-scroll down sa haba ng post ko! 

Happy Holidays everyone!! Much Love!

:D

47 comments:

  1. Hey Empi, 1000 pogi points daw yong gift at card mo. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, 1000 pogi points? Hindi rin.. mga 999 lang.. hehe!

      Delete
  2. Huwaw, ang saya naman ng naging christmas party nyo Miss Joanne :)

    Dito din samin jam packed ng mga bata kahapon haha!

    Happy Christmas!
    *sabay hablot sa Rilakkuma bear* :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy thanks! Now I know na Rilakkuma bear pala to! I'm sure I've seen it somewhere dati pero nakalimutan ko, hihi! Samen e jam packed pa rin ng mga bata gang ngayon. Happy Christmas din!

      Delete
  3. Maligayang pasko rin =) wow, ang daming regalo, and le foods. O MAY KIKAY... *drooling* at tinamaan ako ng bigtime sa killer smile ng kaibigan mong si Stacy. buti nailagan ko yung pana ni kupido. hahaha..XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, sayang naman at nakailag ka pa sa pana ni kupido! Searching pa naman yang friend ko, este waiting pala..

      Delete
  4. ok cge ako na ang nainggit sa rilakkuma bear na binigay sayo :D daming gifts! :) belated merry christmas joanne

    ReplyDelete
    Replies
    1. Super cute nga ng bear! I really loved it nun binigay ni Zaicy, gusto nya pa i-open ko agad, kaya inopen ko tas binalot ko ulet, hahaha!

      Delete
    2. Ahaha, bakit mo bialot kaagad? Para hindi maalikabukan? :D

      Delete
  5. Daming gifts! Happy Christmas to you!

    ReplyDelete
  6. Thanks for sharing your happy Christmas Joanne:)Sa New year mo na yata matangap ang card na pinadala ko. Ang tagal dumating. Anyway, next time email na lang. mas matangap pa at madali:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Mommy Joy! Baka naliligaw pa yun pinadala mong card but I can't wait to see it. Thanks in advance, I'm sure I'll love it too..

      Delete
  7. Daming Gifts. Saya talaga ng Christmas Party. Merry Christmas Ms. Joanne :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas Arvin! Sana tanggalin na ang Miss sa Joanne, napaka-formal at di ako sanay..

      Delete
    2. Bagay sayo yun e. Ms.terious Joanne. Naks! Parang notorious lang. dyuk!

      Delete
  8. Wow! Daming gifts! Ganyan daw talaga pag maraming friends!

    Happy Holidays! XD

    ReplyDelete
  9. Merry Christmas my bff Marsepan! Ang saya saya no! Last year, lungkot lungkotan ang Christmas mo, ngayon ang saya saya na. Paano pa kaya next year?!! Baliw levels na! Hahaha! :)

    Ang sweet ng gift ni Empi! Pati na din ibang gifts at syempre cute ng sa akin! Mana sa nagbigay chos! :)

    ReplyDelete
  10. Wuy ate unang una Merry Christmas kahit hindi na Christmas, happy new year na lang! Welcome ^^

    dami gifts, mas maganda kung ishare sa iba yang mga yan, hehehe

    Love lots ulit! hihi

    ReplyDelete
  11. ang daming gifts ah....

    Merry Christmas Jo ^^ mukhang enjoy na enjoy mga parties mo ^^

    ReplyDelete
  12. Syempre I dont mind po! At nakakatuwa kasi po nagustuhan nyo yung ginawa ko para sainyo! Salamat po! :))

    And of course, natuwa ako sa mga sweets! :)) Both pagkain at deeds! ^^

    Happy Holidays!

    ReplyDelete
  13. Merry Christmas! Dami mong gifts... yong kape next time na ha hehe

    ReplyDelete
  14. daming gifts naman! BONGGA! MERRY CHRISTMAS JOANNE!

    ReplyDelete
  15. Maligayang Pasko, ang daming gift ibig sabihin madaming kaibigan. Ang sarap nung mga isaw haha

    ReplyDelete
  16. excuse me hindi lang ikaw ang may designer eyebags ako rin lol! At mas high end yung sakin no ha ha ha

    Lagi postpone yung post kong ganito kasi padagdag ng padagdag lol. Tapusin ko na nga rin, bahala na yung susunod :)

    HAPPY CHRISTMAS Juana!

    ReplyDelete
  17. Merry Christmas and Happy new year!

    Ang saya saya naman ng party ng mga elf! :D

    ReplyDelete
  18. andaming gift :D ansaya-saya.

    Mukhang masaya ang christmas mo joanne. :D

    lols sa designer eyebags....

    ReplyDelete
  19. alam na alam ko yang it's the thought that counts na yan. whahaha

    Dami mong gifts :)

    Happy holidays... ^^

    ReplyDelete
  20. Merry Christmas! :)..nakaktuwa naman ang mga pics nyo ang saya!

    ReplyDelete
  21. ok lang naman mahab ang post mo Joanne. di naman ako masyado napagod sa pag scroll kasi nakakaaliw namang malaman mga happenings mo sa buhay.

    ReplyDelete
  22. its good you had your day off last christmas day!
    saya mag noche buena with the family ano?

    happy new yeaaar!

    ReplyDelete
  23. Nag-isip ako sa ELF, kala naka-costume kayo ng elf.. Anyway, nice christmas get-together. Ayos my exchange gift din! Daming gifts ah : ) Happy New Year!

    ReplyDelete
  24. good to hear that you have a joyous christmas! at dami ng gift:) and spending christmas with good friends is one way to count our blessings:)

    Merry christmas and wishing you a smashing new year!

    ReplyDelete
  25. Merry Christmas your right its the thought that counts, kasi minsan madidisapoint ka sa gift pero isipin mo na lang na magpasalamat ka at nabigyan ka ng gift,.at nageffort pa yung tao na magisip para ibigay sa yo

    ReplyDelete
  26. Merry Christmas Tita Jhoanne. Love -- Lia :)

    ReplyDelete
  27. Ang saya at ang daming gifts:)
    Meri xams sis:)

    ReplyDelete
  28. mukhang happy ang iyong xmas with friends... sana ganun din sa new year... nice post....

    happy holidays!

    ReplyDelete
  29. Wala kasing tulad nang christmas sa pinas. dito, tahimik at saka ginaw. this year, experience kuna yong white christmas...

    ReplyDelete
  30. Wow ang daming gifts...nice naman na ur celebrating the season with your friends...:) Merry Christmas to you and your wonderful family, sis!


    xx!

    ReplyDelete
  31. Ang dami mong natanggap! Advance Happy New Year!

    ReplyDelete
  32. gusto ko rin makatanggap nung card na bigay ni Empi sayo..musical with pictures (nagpaparinig) hehe.. ang daming gift sis.. pano kayo nagbunutan? kami kasi may representative ang bunutan at this year kami ni hash ang gumawa haha!..

    Happy New Year sis!

    ReplyDelete
  33. ang dami mong natanggap ngayong pasko ah...tiyak ma doble pa iyan next year..

    ReplyDelete
  34. cute ng stuffed toy! dami ng chocolate!

    http://steph-g.blogspot.com

    ReplyDelete
  35. im sure ambait bait mong tao..dami mong gift e..daming thoughtful friends..

    ReplyDelete