White Party! |
Ansaya! Everyone was there except... Me. Because I am sick. Call the doctor very quick! Chos! Ayan, may sakit nga ako, nag-start sa colds at sorethroat na very very mild na inagapan ko naman ng pag-inom ng gamot at smart c at maraming fruit juices! Kaya lang hindi nawala, at sa araw nun party, pag gising ko, may rashes ako sa katawan at nahihilo ko. Pero hindi ako nilalagnat.
Ewan ko pero hindi talaga ako lagnatin. Kahit tipong grabe na sakit ng ulo ko, wala na ko boses or kahit nun nagka-chickenpox ako, hindi ako nilagnat. Mainit yun pakiramdam ko pero yun temp ko normal pa din.. Bakit kaya ganun no? Pero keribels lang, nagtataka lang ako.
Ay baka i-assume nyo na kaya ako nagka-sorethroat ay dahil kinain ko lahat ng chocolates na pinadala ni Mhie ah, hindi ko pa kaya yun nababawasan! Kasalanan talaga to ng teammate ko na humiram nun kumot ko sa office. Sabi nya, magaling na siya, pero nagkasakit ako after nun! Kaya siya may kasalanan! May masisi lang, haha..
More tulog, more fun tuloy ako. Nag-pacheck-up na ko at viral ek ek achu chu chu lang daw.. Na-gets mo? Haha. Yun lang na-miss ko ang bonggang Christmas Party at hindi kami natuloy ni Mama sa Divisoria para mag-shopping sana.
Pero kanina, kinulit ako ni Chin na mag-SM daw kami. Pag gusto gumala ni Chin, ako yinayaya, hindi Mommy't Daddy nya, hulaan nyo kung bakit, haha. Yung bata, ibang level talaga ang convincing powers. Sabi niya.. "Tita, punta na tayo SM, gagaling ka na!".. "Tita, binigyan kita ng tattoos (yun chips), kaya punta na tayo SM!".. "Tita, tara na kasi, bibihis na ko ha?". Ganyan. Ang kulit. So pumayag ako sa isang kondisyon.. bawal mag-ice cream. Bakit? Kasi maiinggit ako, lol.
Kasama namin si Mama siyempre, nagseselos yun pag di siya kasama e, haha. So yun, nakapag-shopping ako ng very mild. Naibili ko ng gift yun ibang pamangkin ko, pati si Nicole na hindi ko kilala, kasi ka-exchange gift siya ni Chin sa school. Parang ako lang nanay ng batang to! Tas naglaro kami sa Quantum habang hinihintay ni Mama ma-giftwrap yun mga binili namin. Malaki na talaga si Chin, ayaw na niya nun mga kiddie rides.. ang gusto niya yun basketball, car racing, bowling... tomboy? Chos!
Kumain din kami sa Tokyo Tokyo at nag-grocery na rin nun ibang pang-handa para sa Noche Buena. Kakainis si Chin kasi ilang beses nag-wiwi, e nakakapagod magpunta ng CR, nun last ayaw ko na siya samahan kaya si Mama sumama sa kanya.. Tinanong siya ni Mama kung bakit siya wiwi ng wiwi.. ang sagot ng bata, "Ganyan talaga ang tao, kailangan umihi." Kaloka!
Ayun, napagod ako ng bongga.. Pero di ko makatulog kaya may post! Oh, bawal na magkasakit ah! Lalo na this Christmas..
P.S. Ang pictures ay ninakaw ko lang dahil inggit ako!
At assuming ako, wala pala yun TL naming beki at yun isa pang teammate dati.. OPM daw sabi ni Zaicy! :)
wow! dami pera nagshopping na... magshopping ka ulit ha? bili mo na ung gift mo kay sophie... ^_^
ReplyDeleteDaming pera ka dyan! Che!
Deletelagi ka na lng nagkakasakit pag december... kailan tayo mag breakfast..?
ReplyDeleteSa Friday after shift?
DeleteGet well sion joanne. Sayang, na misssed mo party, pero meron pa naman next year:)
ReplyDeleteThanks Mommy Joy! :)
Deletemalapit na kasi mag-Pasko kaya ka nagkasakit..anong konek? nagrereminisce lang yung katawan mo nung sakit mo nung nakaraang Pasko..huh ano daw?pero seryoso ngaun ko lang narinig yung sakit na viral ek ek achu chu chu..hehe!
ReplyDeletenakakainggit nga yung wala ka sa party..hehe pang-asar lang..
suportado ko jan si chin..tama naman eh ganun talaga ang tao kelangan umihi noh!
i assumed magaling ka na now..dahil nag-mall na kayo ni chin :)
Ang taray ng pag reminisce ng sakit ah! Haha! Absent nga ako sa work kagabi e, hehe
Deleteaww..kalungkot naman namiss mo ang christmas party. bawi nln next year!
ReplyDeleteButi hindi ka pinag-bland diet..kasumpa sumpa yun hehe!
uy gusto ko yan magstroll sa divi for sure marami ng tao dun ngayon.
hehe nakaktuwa naman pamangkin mo..sweet! gnyan din un pamangkin ko pero mas madalas yun ngaaway kami hihi!.. (bata pinapatulan mehehe! bad noh?)
Get well soon sis! ^_^
Hindi ko kaya ang bland diet, baka matuluyan ako nun, haha.. Pumapatol din ako sa bata no, haha!
Deleteang kulit ng pamangkin mo. newei.. buti ka pa nakapag shopping na.. ako eh..
ReplyDeletewalang pang shopping.. hahaha
Makulit talaga yun.. yun mura lang ni-shopping ko, limited din ang budget e!
DeleteJoanne, so sorry that you miss the christmas party but you guys cab get together. I know how it feels that it feels like when I am around my nephews, nieces, parents and brothers- they think I owned a darn bank, lol but i feel good spending for them. I hope you continue to feel better...
ReplyDeletexo
Sam
http://fabulouspetite.blogspot.com
You just made me laugh! Yeah, some people think I'm rich coz I'm working in a BPO company, but I like spending for my family too!
DeleteHala pagaling ka... sana maging okay ka na... inom ka ng gamot.... wag pabayaan ang sarili..
ReplyDeleteKala ko sa shoklet hehehe ---
Sayang nga kasi di ka naka attend ng party.... bawi na lang sa susunod na mga parties hehehe
Baka sa loob ang lagnat mo kaya di ka mainit.... pagaling ka Jo ^^
Meron ba talagang sa loob na lagnat? Bakit ayaw lumabas? haha.. Thanks Jon!
DeleteSaklap naman, sayang at wala ka sa party nyo. Di bale, at least magaling kana at pasalamat ka kay Chin dahil sa kakulitan nya hehe, e mabait din naman sya, nakagala kayo't nakapagshopping.
ReplyDeletelove the idea na kasama si mama (namiss ko tuloy si mama ko na isa ring shoppaholic at restauroholic haha ano daw?)
Btw astig naman ng batang si Chin kakaiba ang hilig habang bata pa, di naman siguro sya tomboy, ibang level lang siguro trip nya at baka paglaki nya e extreme adventures ang hagilapin nya at gaya ni tita nya ay magkakaroon din sya ng blog to share about her experiences. Kaya go tita Jo support lang!
Biru-biruan lang sa family namin na tomboy si Chin.. kasi kahit nun maliit pa siya, aba nag-iiyak pag dress isusuot sa kanya, lagi nyang sinasabi, "gusto ko pantalon", hehe.. Ngayon naman, ibang level din yung mga gustong nilalaro! Pero natuwa ako kasi ang gusto nyang gift for Christmas ay doll!
DeleteE parang ako pala si Chin e, haha ang kulet!
DeleteHi Marsepan, sayang nga wala ka..di bale may next year pa naman! Si Andie umuwi ng Mduque kahapon ata o ngayon pero 2 days lang daw sya dun.
ReplyDeleteAng cute ni ChinChin, charming na sya para sa akin, hindi na sya attitude. Sana ganun pa din pag nakita ko sya ulit hehe :)
Get well Marse, labshu!
Charming na talaga si Chin ngayon! Pasaway na stage lang siguro talaga ng mga kids ang 2 to 3 yrs old! Ngayon kasi si Jaydrex naman ang pasaway, haha!
DeleteMagkakasundo kami ng pamangkin mo kc mahilig din akong magpabalik balik sa banyo hehehe.
ReplyDeleteHahaha, baka nga! Nakakapagod kasi, akala ko nun huli e nanloloko na lang, haha
Deletenakita ko yung ibang pics sa post ni zai.
ReplyDeletenakakamiss pag may gathering ang mga folks na nakasama sa work pero di mo na kasama. Parang ansaya-saya ang bringing back the good memories.
Naman! Ang sarap talaga pag ang kasama mo e yung mga gusto mo talagang kasama, haha! As if namang nakasama ko, hihi
DeleteHi Miss Joanne! pagaling ka ha, ang dami nyong nagkakasakit ngayon >_< dahil siguro yan sa papalit palit na panahon kaya marami ang nagkakaroon ng upper respiratory infection.
ReplyDeleteHappy Christmas!
Thanks Kuya Fiel! Maka-kuya lang, haha! Advanced Happy Christmas!
Deletewawa naman! di nakasama! :(
ReplyDeleteAng bad mo! :p
Deletehala, ang sumpa ng december sickness. :(( ako magaling na kaya ipapasa ko ang kagalingan sa iyo para gumaling ka na din :))) dahil sa shokolet yan :D ang kulit at ang kyut mangulet ng pamangkin mo, akin na lang :D
ReplyDeleteAha! Ikaw pala nagpasimula ng sakit na to, joke! Haha, dun mo sa mga magulang nya hingin ang bata, kung ako lang e ipapamigay ko yan, hahaha! Echos lang..
Deleteahaha ang witty ni Chin :). Get well soon po.
ReplyDeleteAy talaga, parati yang may sinasabing ikinaka-tumbling ko :)
DeleteParang nakakatuwa yung bata :) At ang bait mo sa mga bata. :D Baka ako nako maubos ang pasensya sa mga kakulitan ng mga bata ^^
ReplyDeleteMahilig ako sa kids talaga! Masaya kasi kasama mga bata lalo na sa arcade, merong akong excuse para makilaro dun! :)
DeleteAng saya ng party nila kasi wala ka. dyuk! Pagaling ka po.
ReplyDeleteNakakaloka nga si chin. Tinomboy mo naman. hahhaha. Talo sakin ang mga bata dahil mas makulit ako sa kanila. Paiiyakin ko sila. dyuk lang :P
Get well soon ulit. :)
Grabe ka, mas masaya yun kung andun ako! Thanks!
DeleteNaku, kung mas makulit ka pa sa mga bata, ihuhulog kita sa eroplano papuntang Siargao!
haha .. buti pa si nicole na hindi mo kakilala binili mo ng gift , ako din ibili mo.whahahaha
ReplyDeleteGet well soon po. :)
Thanks! Meron ka bang wish na afford ko? :)
DeleteUso yata ang sorethroat! Yung sis ko at ako parehong meron. Pagaling ka! Ang galing mangbola ng pamangkin mo at mukhang spoiled sayo! hehe!
ReplyDeleteHay naku, pagalingan talaga sila mambola, e nadadaan naman ako sa bola, haha! Oo nga, haggard pa naman sa work ko pag sorethroat ang sakit!
DeleteYou're hot when your feeling okay and now that you're sick, you're HOTTER. :)
ReplyDeleteGet well soon.
Thanks Lili! I am really hot! :)
DeleteGet Well sooooonnnn! Para di mo ma miss mga parties! Mukha pa namang party people ka hehe
ReplyDeleteParty people talaga?? Party with close friends, yes.. Pero tipong party sa bar na maingay at mausok, nope..
Deletepagaling agad..mahirap magPasko nang may sakit.. (ako din kaya, not feeling well today & yesterday, hehe) anyway, gagaling din tayo : )
ReplyDeleteAww.. hope you're better now!
DeleteAww.... sayang naman at di ka nakasama sa ganap na to. Si Zai kasi mukhang nag-enjoy ng todo oh. Pero ikinain ka naman daw nya eh so ma-touch ka na dun hahaha...
ReplyDeleteBruhang bata marunong sumagot hahaha.. Oo nga naman, ganun talaga ang tao kailangang magwiwi!
Hopefully you are feeling better na by now. Kung di pa, get well soon :)
Haha, touched na touched nga ako at andami kinain ni Zai for me, haha.. Ay naku, attitudera talaga si Chin, magaling mangatwiran yun, haha
DeleteAng dami kong tawa dito,Jho,sayang at di ka naka rampa sa red carpet...paano na lang yong love team mo at iniwan mo.hehehe..
ReplyDeleteAng cute ni Chin at gusto ko yong kakulitan nya, yong anak ko parang tomboy din kaya kasi gusto nya car at yon ang nilalaro nya.Pero mahilig sya mag dress.
Have a great Christmas dear at pagaling ka sayang yong binili nyong pang noche buena kung may sakit ka.Isipin mo next year ka pa makakain nyan ulit.lol
Ayun, ikinain naman daw nya ako ng bongga, at sinabi sa mga cast na kaya wala ako kasi wala daw ako bagong outfit, haha
DeleteSabagay, mas maganda naman kasi toys ng mga boys, may thrill kaya siguro gusto ng mga kids talaga..
Thanks Mhie! Sana nga gumaling na, at absent ako ulet sa work kagabi, hay..