Pak na pak!
Ang blush-on ko kahapon! Haha.. Magkikita kami ni Zai sa Robinsons Galleria kahapon para manuod ng Brave, at later ay manuod ng The Healing with Empi. Pagsakay ko palang sa bus, alam ko ng tinitingnan na ko ng cast, bongga kasi ang blush-on ko. Trying to achieve an Anne Curtis look kasi, kaya nag-nude lipistik ako. Ang ganda ko, grabe! Chocnut! Kinilabutan ka sa confidence level ko no? Pero dahil blog ko to, wala kang magagawa.
OA ang traffic kahapon. Nasa magkahiwalay na bus kami ni Zai, pero parang naghahabulan kami at may time na nag-abot pa kaya kaway-kaway kami sa isa't isa. At kahit mag-isa ako sa bus ko, todo smile ako. Maya maya, may estudyante sa ibang bus na kumakaway din saken, natawa na lang ako. Tas may koya na pahinante ng truck na kumaway din saken twice, nahiya na ko. Balik suplada look na.
![]() |
| O napicturan pa pala ako ni Zai |
Hindi na kami umabot sa sched showing ng Brave, kaya Ice Age 4 na lang watch namin ni Zai. Gutom kami pareho kay nagtake-out kami sa mcdo. Talented si Zai, kumain ng spag sa loob ng sinehan.
Enjoy ang Ice Age, ang dame naming tawa. Favorite character namin yun lola ni Sid at ang kanyang "imaginary" friend na si Precious. May lovelife na si Diego, buti pa siya, char! Ang favorite line ko sa movie ay "You never leave a friend behind".
![]() |
| from google images |
Sakto yun tapos nun movie e parating na si Empi. Ni-treat pa nya kami sa KFC, sayang wala ako gana kumain, bucket sana inorder ko, charot! Thanks Marky! 7:35pm pa yun The Healing R18, so naka-ikot pa kami ng slight sa mall.
First time kong nanood ng horror sa sinehan. Takot kasi ko. Pag nanunuod nga ako ng horror sa bahay, dapat broad daylight at sa sala namin para may kasama. Buti na lang at 2 kasama ko, at ako sa gitna, at may nahihila ako magkabila pag nagugulat, haha!
Pero na-enjoy ko yun movie. Oo, nakakatakot! Pumipikit talaga ako pag sa mga madugong eksena, haha! Pero aliw din siya. May halo din kasi itong comedy, favorite ko naman yun tatay ni Vilma Santos. At katuwa din ang mga kasama namin na audience, very responsive sa pinapanuod, so hindi lang ako ang sumisigaw sa sinehan, haha! Palakpakan pa sila nun natapos na, saya!
![]() |
| Empi, Zai & me - after katatakutan look |
After ng movie, nag-ice cream kami sa DQ at nag-picture para may souvenir. And then, bye bye na. Naging mababaw ang tulog ko kagabi, naka-ilang gising ako, takot pa rin si subconscious, haha!
Yun lang.. Happy Weekend po!
*pics c/o Zaizikels



























