As a matter of fact, ang mga outfits ko madalas sa tiangge ko lang binibili. At ang favorite kong tiangge e yun nasa far-away.. sa Taytay! Mga dalawang cartwheel lang to mula sa bahay namin e, haha! At sobrang mura ng mga tinda talaga, kailangan lang marunong kang pumili.
At para may proof, gawin kong examples yun mga outfit ko nun nag-Davao Trip kami. Napressure ako sa paniniwala ni bff Zaicy na bawal mag-ulet ng outfits sa blog kaya nag-shopping ako sa tiangge..
Disclaimer: Hindi po ako fashionista! Simplicity is beauty lang ang motto ko in life.
![]() |
| White shorts PhP50; Plain Shirt PhP35 |
| White Skirt PhP75; Blouse (minidress) PhP65 |
| White Cover-up PhP50 |
| Maong shorts PhP120; Oversized blouse PhP65 |
Nasawa ba kayo sa fes ko? Sensia naman, wala namang ibang mag-model ng damit kundi ako e, haha.
Anyways, madami pang ibang choices. Like yun mga spaghetti strap or sleeveless blouses na PhP35 lang and dresses na ang price range e from PhP150 to PhP300. Wala gaanong panlalaki, siyempre ang mga boys e kahit konti mga damit ng mga yan, karaniwan naman e branded. Maaarte sila. Joke! Marami ding pambata, both pang boys and girls, na mga sando na may ternong shorts or pajama. And these are not the usual imported stuff na madalas mabibili sa ibang tiangge, RTWs (ready to wear) to, madami kasi mananahi dito sa Taytay.
Meron ding nagtitinda ng accessories, bags at kung anu-ano pa. Every Tuesdays at Fridays ang Tiangge. Kung gusto ninyo pumunta, sasamahan ko kayo. Basta dapat umaga kasi pag medyo tanghali na e madami masyado tao.. nakakahilo. At less choices na kasi paubos na tinda nila.
Yun lang.
P.S.
Hello naman. Matagal na to sa drafts ko. Naisipan ko lang i-publish ngayon. Sobrang tamad kasi kaya walang bagong post. Parang kailangan ko na ng inspiration, hehe.
♥
