Wednesday, January 23, 2013

Taytay Tiangge!

May kumakalat na chismis na mayaman daw ko.. Ewan kung san galing yan ah pero pag may nangangamusta saken sa chat sa fb o kaya sa text laging may side comment na "ang yaman mo talaga" o kaya "di ka na ma-reach".. mga ganyan. Or kung hindi naman e tatanungin nila ko kung kamusta na kami ni ex ko. Alam kong maganda ako (walang kokontra kung ayaw masaktan), pero hindi ako mayaman.

As a matter of fact, ang mga outfits ko madalas sa tiangge ko lang binibili. At ang favorite kong tiangge e yun nasa far-away.. sa Taytay! Mga dalawang cartwheel lang to mula sa bahay namin e, haha! At sobrang mura ng mga tinda talaga, kailangan lang marunong kang pumili.

At para may proof, gawin kong examples yun mga outfit ko nun nag-Davao Trip kami. Napressure ako sa paniniwala ni bff Zaicy na bawal mag-ulet ng outfits sa blog kaya nag-shopping ako sa tiangge..

Disclaimer: Hindi po ako fashionista! Simplicity is beauty lang ang motto ko in life.

White shorts PhP50; Plain Shirt PhP35
White Skirt PhP75; Blouse (minidress) PhP65
White Cover-up PhP50
Maong shorts PhP120; Oversized blouse PhP65

Nasawa ba kayo sa fes ko? Sensia naman, wala namang ibang mag-model ng damit kundi ako e, haha.

Anyways, madami pang ibang choices. Like yun mga spaghetti strap or sleeveless blouses na PhP35 lang and dresses na ang price range e from PhP150 to PhP300. Wala gaanong panlalaki, siyempre ang mga boys e kahit konti mga damit ng mga yan, karaniwan naman e branded. Maaarte sila. Joke!  Marami ding pambata, both pang boys and girls, na mga sando na may ternong shorts or pajama. And these are not the usual imported stuff na madalas mabibili sa ibang tiangge, RTWs (ready to wear) to, madami kasi mananahi dito sa Taytay.

Meron ding nagtitinda ng accessories, bags at kung anu-ano pa. Every Tuesdays at Fridays ang Tiangge. Kung gusto ninyo pumunta, sasamahan ko kayo. Basta dapat umaga kasi pag medyo tanghali na e madami masyado tao.. nakakahilo. At less choices na kasi paubos na tinda nila.

Yun lang.


P.S.


Hello naman. Matagal na to sa drafts ko. Naisipan ko lang i-publish ngayon. Sobrang tamad kasi kaya walang bagong post. Parang kailangan ko na ng inspiration, hehe.


121 comments:

  1. Samahan moko kapag lumuwas ako:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sure sis, I'm sure magiging worth it ang pagluwas mo pag dito ka nag-shopping, haha

      Delete
    2. meron pa ba nito until now? would you know the schedule?

      Delete
    3. Hi, I am promoting the main livelihood of may kababayan sa Taytay which is garments. So if you want to be updated sa mga happenings at tinda. Like our page.

      https://www.facebook.com/pages/Taytay-Tiangge/549998788459011

      Delete
    4. Hi. More or less po magkano ang bulk prices ng mga pambatang damit sa taytay? Ung kgya sa mga grocery like puregold na nkabundle? Balak ko kasi mamili ng maramihan pero wala akong idea kahit ano,natatakot ako pumunta tapos wala nman ako mabili,from novaliches pa po ako. Near sm fairview. I hope some here can help m. Thanks.

      Delete
  2. Naks uma-outfit post! Haha... In fairness you had good finds ah, at talagang mura. Fan din ako ng murang damit, kaya nga Piso Fashion yung title ng isa kong blog eh.

    Anyway, pinaka like ko yung white skirt sa second pic. It's really nice.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya nga favorite ko din ang Piso Fashion mo e. Love ko ang skirt na yan, tinulungan pa ko ng mga beki na humanap ng perfect terno maisuot ko lang, haha.

      Delete
    2. Siss saan naman po ung piso point.. pa pm naman po pls
      Naghahanap.kasi ako ng murang wholesaler and supplier pls

      Pa pm po sa 09395669970

      Delete
    3. Siss saan naman po ung piso point.. pa pm naman po pls
      Naghahanap.kasi ako ng murang wholesaler and supplier pls

      Pa pm po sa 09395669970

      Delete
  3. wow... puma-fashion blogger... sabi nga ni jun: Hayan tayo eh...!

    in fairview commonwealth quezon city ha, keri mo naman at mukha ka talagang mañaman...

    more posts pa like this para sa mga facionista ngunit praktikal dahil mahal na ang yosi ngayon dahil sa sin tax.

    super like!

    ReplyDelete
    Replies
    1. May H talaga ang Ayan tayo eh ni Jun? Haha.. Ay baka last post na to, ni-promote ko lang naman ang rtw business ng aming bayan e, haha.

      Delete
  4. wow. Ewan ko kung bakit lumalayo pa si kuya Emps para sa mga models nya e anjan ka na! :))

    Yaman talaga ohhh ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. At bakit mo ko sinali dito bunsong paopao?! LOL

      Delete
    2. Ikaw din Papa P.. lumalayo ka pa e nandito naman ako, chos!

      Delete
  5. Kutis mo kasi pangmayaman kaya akala nila na mayaman ka. Hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya kapag nagsusuot ka ng mga damit na ganyan...bagay na bagay naman sayo. Yong iba kasi kahit mamahalin, hindi pa rin mukhang mayaman. Hahaha! *beep*beep*

      Delete
    2. Hindi ka masyadong hyper ngayon no? Sinisipag mag-comment? Haha.. Thank you.. compliment saken yan!

      Delete
    3. nagrereply sa comment pero selective? nilampasan ung comment ko na 2 hours kong inisip? anubayan... FO na ba talaga?

      Delete
    4. Wow ha? Napaka-sensitive mo naman.. Atat teh?? Hahaha..

      Delete
    5. sensitive agad?hindi ba plain atat lng? lol

      Delete
    6. mukhang may namumung pag ibig!!! hahahahaha.hahabaol sa balentayms!!

      Delete
    7. Hala! Kina Senyor at Empi?? Oh no! Hahaha.. charot! :D

      Delete
  6. di rin ako mahilig sa branded na damit wala kasing size para sa akin sa tiyangge ako madalas makakita ng size ko ahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo? E parang mas madami namang avail sizes sa mall. Yun lang sa tiangge taytay e karaniwang free size ang tinda.

      Delete
    2. puro pang matangkad ang size sa mall wala silang palapad :) minsan nga naisip ko sa kids section na lang ako kukuha ng damit yung mga xl sa kanila nyahahahaha

      Delete
  7. Huwaw! at sino naman ang kokontra aber! Kitang kita naman ang lumulutang na kagandahan.

    Inaantok ako bigla akong nagising ng makita ko ang iyong kagandahan binibining Joanne..hehehe..

    Pag dating sa damit, I go for what comforts me. I don't buy trends most of the time. If the situation calls for it, then doon lang ako nagbibihis ng husto. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmm.. you're the second person na tumawag sakin ng binibini ngayong araw na to, ansaya! Pang-mayumi.. haha! Thank you naman sa bola! :D

      Tama, mas importante ang comfort kesa sa fashion. Pero its usually the other way around sa mga babae, haha.

      Delete
    2. Awww..bawiin mo ang sinabi mo kung ayaw mong masaktan..di bola yun..hahahaha..ang political term doon is "appreciation" wahahaha..

      Pero seriously, pwede ka palang mag model ng damit sa sobrang pagka skinny mo plus the ganda.

      Delete
    3. Naligaw ang reply ko doon sa comment ni June hehehe..kaya binura ko hahaha..duleng lang

      Delete
    4. Siyempre kunwari pa-humble pa ko. Thank you sa "appreciation" at sa compliments. :)

      Delete
  8. siyempre ang mga boys e kahit konti mga damit ng mga yan, karaniwan naman e branded. Maaarte sila. ---ZAI to.. am sure..

    Sabi na..ang mga tiange is discriminating talaga..kahit sa farmers. divisoria o baclaran..karamihan pambabae..so sa branded tlaga kami... :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Unang una, si Zaicy e hindi boy.. girl na girl yan! At FYI kasama ko yan pag namimili sa tiangge. Mukha lang din mamahalin mga outfits niya pero mas bet din nya mura. Nag-uukay ukay pa kaya siya.

      E kasi nga less ang mga lalaking namimili sa tiangge, kaya mas madami talagang for girls. Kasalanan ninyo yun.

      Delete
    2. kasalanan pala namin.. mag bibigti na ako. hahahaha..
      Saya sana mag UK kaso mainit..

      Delete
    3. Grabe naman, bigti agad? Wag ganun. Bibigyan pa kita ng gift oh! :)

      Delete
  9. yun oh! hehe pretty!

    For me, its not really the brand and how expensive the clothea are, it depends on how you wear it.. meron jan mahal nga mga suot mukha namang ewan hehe at meron din na mura man un type of clothing e nagmumukhang mamahalin.. nasa pagdadala ln talaga..parang kaw lang sis! prettiness..!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks sis! It's always how you carry yourself.. pang Miss Universe lang na paniniwala.

      Delete
    2. it's not about the brand.... it's how you carry the garment(s).

      "sometimes the clothes do not make the man"


      At umi-english talaga ako?
      LOLs

      *bear hugs*

      Delete
    3. Ha? Pano yan e woman ako? Hahaha.. joke! Thanks!

      Delete
    4. nyaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyy!!!!

      maling wall ata ako?

      *char char*
      :)

      Delete
  10. eh ung swimwear mo naman mahal.. so mayaman ka tlg... :p haha! makakontra lang...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, maka-insekta ka lang. Hello, wala naman kasing murang swimwear! Bet mo yung red na two piece sa tiangge na mag glittering ek ek na design? ano ko, si darna? haha.

      Delete
  11. love the shorts,,, kaso sau lang kasya eh! hehehe , my fave is my P120 pink checkered dress, super affordable tlga sa Taytay market, tianggean!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ghwacey, meron sizes yun shorts ah.. Si Ate ko kasi nakakabili din dun. Andami ko ding dresses na dun binili :)

      Delete
  12. noks, pang model na entry ah. npansin ko nga pang babae lang halos na damit ung sa tyange. kahit sa backlaran ganon din.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mayayaman daw kasi ang mga lalaki, kaya dapat sa mall kayo namimili, haha.

      Delete
  13. Naman no! Basta maganda, lahat ng suot nagmumukhang mahal. Char. Nasobrahan naman ako sa yabang, hahaha

    ReplyDelete
  14. Replies
    1. Hala e wala naman akong K na mag-fashion blog! Promote lang ng local business ditey. :)

      Delete
  15. hong sexy naman ni Marsepan - pwede ng official endorser ng Taytay tiange :) Ang saya saya mag tiange kaya lang puro shorts o sando lang lagi ko nabibili e lol!


    btw kamusta na ang bexchina mey? chos nachos!

    ReplyDelete
  16. ang mumura naman sa tiangge na yan..parang mas mura pa kesa sa divisoria eh.. hindi rin ako mahilig sa mamahalin..mas bet nga namen nila hash yung tipong wholesale sa baclaran at divi haha..nasa nagdadala naman kasi yan eh..mamahalin nga damit pero di naman marunong magdala wala rin..sayang lang ang ginastos diba?

    at kering keri mo naman ang mga outfit na yan sis..muka ngang mayaman :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo sis, mas mura pa kesa sa Divi talaga, tahing Taytay kasi talaga, mas mura pa yan kung wholesale ka bibili, pag trip na ipang-business..

      Ganun talaga sis pag sing ganda naten, mukhang mayaman! hehe

      Delete
  17. hehe parang top model lang talga ate joanne :)

    nakakatuwa naman yung mga price nung damit
    afford talaga ng marami;

    nung makita ko yung pic mo, mukhang mamahalin ang iyong mga suot;
    tapus nung binasa ko yung caption, nakakatuwa parang di totoo yung price lol

    sabi nga eh nasa nagdadala lang yan :)
    at ang galing mo magdala ng damit ate joanne hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Sir Jep naman oh, nakiki-ate din, haha.. Pinangarap kong maging top model, kulang lang ako sa height! Ambisyosa, haha. Thanks Sir!

      Delete
  18. Sa hubog ng katawan mo marJ e dika talaga mahihirapang maghanap ng outfit para sayo, tsaka kahit ano pang isuot mo, sa tingin ko bagay sayo at mukhang classy. Pwede ka ng maging fashion blogger, burloloys nalang kulang tsaka make up at kung ano pang kakikayan. Go, keri mo yan marJ! Mwah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku MarG, yun lang, hindi ako mahilig sa burloloy at sa make-up. Blush lang alam ko at onting curl ng lashes, hehe.. Thanks MarG.. Mwah!

      Delete
  19. Mukha ka kasing mayaman. Kutis mayaman din. Magaling ka din magdala ng damit. Umaoutfit si crushee :P

    ReplyDelete
  20. at bumagay lahat ng inirampa mo sa blog. nice nice very very nice :)

    ReplyDelete
  21. Sabi nga ni Lolo Karl Lagerfeld: “Never use the word “cheap”. Today everybody can look chic in inexpensive clothes (the rich buy them too). There is good clothing design on every level today. You can be the chicest thing in the world in a T-shirt and jeans — it’s up to you.”

    Hello, Joanne!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Lili! Very wise ang sinabi ni Lolo Karl.. favorite outfit ko ang jeans at shirt!

      Delete
  22. LOVE IT! wow sulit at fashonista na. trip ko yung last pic ang cute lalo n yung oversized blouse..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks beh! Mura lang di ba? Tara, samahan kitang bumili ng oversized blouse. :)

      Delete
  23. hey im filipino too!

    I just posted a new OOTD post. What do you think?

    i would also appreciate it if you follow my blog too!
    christie-mariee.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Christie Marie! I'll be sure to visit your blog too, thanks for dropping by! :)

      Delete
  24. joanne, minsan punta tayo dun together.. nakakatamad kasing magpunta dun.. ang layo.. hehehehe.. kaya samahan mo ako.. mag breakfast muna tayo then saka tayo magtiangge.. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, oo nga, masyadong malayo saten to. Sige, text mo ko kung kelan mo gusto pumunta. :)

      Delete
  25. naks ate, ikaw na model.. at hmmm.. magaling ka talaga pumili ng mga damit ate, bagay na bagay sayo! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks beh! Alam mo na, ganyan tayong magaganda, si ate ang model, ikaw ang beauty queen!

      Delete
  26. Joanne, it doesn't matter if the clothes are expensive or not. As long as you feel fabulous wearing it and you feel great in it. All of them looks great on you. My favorite is the swimsuit cover up, you look so darn HOTTTTTT !

    xo
    Sam
    http://fabulouspetite.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Sam! It's such an honor to hear it from the most fabulous fashion blogger I know. ;)

      Delete
  27. Akala ko rin talaga eh napakayaman mo. Dyuk! Mahilig din kasi akong magtingin-tingin sa tiangge kasi yun lang ang afford ko. At nasa nagdadala lang talaga ng damit yan. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay sus, mahirap lang po ako, ako'y isang simpleng manggagawa lamang. :)

      Delete
  28. Hello! I'm a new hopper in this fashion blog. Nice outfits! I can't believe the prices they are very practical! And they all look good on you!

    So when is the next cat walk?


    (Waha ha ha ha naligaw ako eh nasan na ba si Juana???)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, naliligaw din ata si Juana somewhere. :D

      Delete
  29. pude na isama sa susunod na Phil Fashion Week!!!!

    ReplyDelete
  30. thumbs up ang fasyon statement mo dear! :-D

    ReplyDelete
  31. nawala yung comment ko dito huhuhu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmp! Wala kang ni-comment, wala sa email ko at wala din sa spam.. che! Chos! :)

      Delete
  32. Wow super mowdel :D

    Sa panahon ngayon dapat maging praktikal tayo. Saka ang damit naman gumaganda lalo depende sa nagdadala nito, like you Miss Joanne ^_^

    ReplyDelete
  33. naks naman pwede na sa lookbook! hehe. ang galing mo maghanap ng damit, wala akong ganyang skill e :))

    ReplyDelete
  34. parang mamahalin ang mga damit mo...hindi halata na galing sa tiangge..

    ReplyDelete
  35. Iba talaga pag maganda ang nagsusuot, kahit mura damit ay mukha na ring mamahalin. ANyway, ako din mahilig mamili sa sale. Hi hi. In fact pag umuuwi ko ay tyak, pasyal sa Divisoria. Hi hi

    ReplyDelete
  36. tama silang lahat at tama ka Joanne, kapag maganda, sexy at maputi ang nagsusuot eh di mo aakalain na galing tiangge ang suot. pero karamihan sa tiangge at ukay eh maliliit ang sizes, parang para sa'yo lang lahat. ;)

    ReplyDelete
  37. kokontra talaga ako Joanne, di ka lang maganda, maganda magbihis, maganda ang heart mo, mean 3 in one beauty..Pwede ka na maging model dear.Have a great weekend.

    ReplyDelete
  38. rampang rampa ka teh!!! hahaha wala sa price ng damit yan sa pagdadala yan!!! lol nairelate ito sa post ni senyor. ano ang gagawin sa libo libong damit kung tiangge naman ang mukha mo? hahaha ok na yong kahit galing tiangge ang damit pero libo libo naman ang hitsura! o diba!! ganyan!!! sayang ang damit kung kakagatin lang ng aso. hehehehehe

    ReplyDelete
  39. Di naman talaga kailangang maging mamahalin ang isusuot, nasa nagdadala pa rin!
    Pwede ka na rin maging model. Thumbs up!

    ReplyDelete
  40. wow ang sarap naman mag shopping jan...
    tama si Mr. RIc... sa nag dadala yan...

    P.S. Kutis mayaman ka daw kasi
    Kutis artista hehehe

    ReplyDelete
  41. Wow joanne super thrift yung mga outfit.

    ReplyDelete
  42. Ikaw na budget friendly fashionista. Wala kasi akong alam sa fashion ang hirap talaga hehe thumbs up sa second photo. :-D

    ReplyDelete
  43. Mas madali talaga at mas mura magshop ng damit na pambabae. Pag panlalaki mas mahal ng konti tapos mahirap humanap nung hindi mukhang jologs...

    ReplyDelete
  44. tama si kuya glentot, hehe

    ang hirap maghanap ng mura na panlalake, na unique at hindi ka mababaduy hehe

    ReplyDelete
  45. Hwaw! Nasa nagdadala talaga yan ng kasuotan. :)

    ReplyDelete
  46. Mukhang nasabi na yata lahat ng compliment wala na akong masabi kundi ikaw na ang dyosa ng kagandahan :) super like this post girl! Ako rin mahilig sa tiangge katunayan batang manggahan nga ako eh (commonwealth market na ngayon). Gusto ko rin yung white skirt mo so pretty. Bagay sau lahat kc slim ka and kutis mayaman... alagang perla te? He he

    ReplyDelete
  47. bongga ka girl you should teach mo how to doggie...lol...ito ang dapat kung matutunan lagi kami nag a away ng kapatid when it comes to damit! pero okay lang alam ko love ako ng mga sister ko:)

    ReplyDelete
  48. saan po exact address yang tiangge sa taytay ???

    ReplyDelete
  49. hi,may i know the exact address in taytay?

    ReplyDelete
  50. Hi, Im from Parañaque, gusto ko sana din mapuntahan yan, pwede mo po b ako masamahan? Thanks.

    ReplyDelete
    Replies
    1. post your question at: Taytay Tiangge Facebook page

      https://www.facebook.com/pages/Taytay-Tiangge/549998788459011

      Delete
  51. Hi, Im from Parañaque, gusto ko sana din mapuntahan yan, pwede mo po b ako masamahan? Thanks.

    ReplyDelete
  52. Hi! Pwede po ba mahingi number if meron ka po alam na supplier/mananahi s taytay :)

    ReplyDelete
  53. Hi ate! =)) May I know po kung saan sa taytay? :) Ang tagal ko na kasing naghahanap ng murang bilihan ng damit eh :) Thank you :)

    ReplyDelete
  54. hi tnx sa blog u, but may i know the exact address?

    ReplyDelete
  55. hi tnx sa blog u, but may i know the exact address?

    ReplyDelete
  56. hi my name is Sugar Eve Co Cabreros...thanks for sharing your blogs :) I was browsing if where can I buy whole sale price of plain t-shirt for my printing design business...then I saw your blogs, probably you're too familiar at taytay hehehe...(nice blog, nice outfit ^_^ ) hope you can help me :) Thanks

    ReplyDelete
  57. Hello ask ko sana san banda sa taytay ung mga murang damit hanap kc aq ng mga maramihan na murang pambatang damit hope u could help me po thanks

    ReplyDelete
  58. Hi Joanne, im looking for a whole sale price ng mga fashion clothes.. hope you can help me im planning to buy a bunch for my project. thank you in advance sis! .

    ReplyDelete
  59. Hi Joanne, im looking for a whole sale price ng mga fashion clothes.. hope you can help me im planning to buy a bunch for my project. thank you in advance sis! .

    ReplyDelete
  60. Hi! Naghahanap ako ng mananahi ng mga dress at kung anu-ano pa. Hope you can help me find one. Thanks!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi mam. San po loc mo? Pm me po we have po. We also accept made to order po na mga celebrity inspired dresses and tops. Viber me 0927-942-3816. Salamat

      Delete
    2. Hi mam. San po loc mo? Pm me po we have po. We also accept made to order po na mga celebrity inspired dresses and tops. Viber me 0927-942-3816. Salamat

      Delete
  61. tanong ko lng po kung meron b s taytay n bagsakan ng mga triumph bra?

    ReplyDelete
  62. sis, all year round ba ung tiangge dyan sa taytay?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, it is po.
      Check the Taytay tiangge facebook page
      https://www.facebook.com/pages/Taytay-Tiangge/549998788459011

      Delete
  63. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  64. Hello po! Looking for mananahi na small time lang po. Yung konti po ang minimum. Ladies Clothes, Ladies Swimsuit, Baby Clothes, Baby headband, Baby kumot :) cut and sew lang po, per piece ang bayad. Sa akin po ang materials.. Please reply to my comment or email me at kayemartinez@rocketmail.com thank you..

    ReplyDelete