Thursday, January 31, 2013

Ark Avilon Zoo!

Hello handsome guys and lovely ladies!

Today is my uber malditang niece's 5th birthday. First week pa lang ng January ay nagpaparinig na si Chin-chin na malapit na daw birthday niya. Naglalambing at may pa-yakap yakap pa ang bata kaya naman nag-promise ako na pupunta kami ng zoo. So last Tuesday nga ay nagpunta kami ng Ark Avilon!


I purchased six advance tickets for PhP200 each. 
PhP100 discount compared to reg ticket price!

Sobrang excited ni Jaydrex, 9:30am palang nakaligo at nakabihis na siya. Come 11am e hindi pa rin kami nakakaalis dahil tagal namin magpaganda este mag-prepare. Nag-slight tantrums na ang bata, padyak padyak at subsob sa sofa at sigaw ng "Antagal! Antagal naman!". Dami namin tawa sa kanya talaga. 

FX sinakyan namin papuntang Tiendesitas. We arrived in Ark Avilon in no time. Buti na lang hindi heavy traffic. While nagpa-register ako, pictorial na agad ang mi familia amor with the pets for adoption ng Pet-tissimo.



For sure, mag-enjoy din si Bff Zaicy sa Avilon. Ang dami kasing birds! At amazed ako sa mga birds na to kasi kahit walang tali, hindi sila nag-fly me to the moon at escape from Azkaban.


Taray ng Eagle - sunbathing!
Hindi ba keri ng owls na i-close ang eyes? Tamad ako mag-google.
Shy type ang silver ek ek!
Chaka-bird. Chaka di ba?

May katamaran lang ang mga animals dito. Halos lahat sila tulog. Mula sa tiger, lion, hyena at sa black bear. Oras kasi ata ng siesta yun punta namin.

Naaninag nyo pa ba yung lion?
Ang mga kontrabida sa Lion King!
May naalala kong cartoons nun bata pa ko dito, di ko alam title.
Buti pa siya gising, tulala lang!

And then nilabas yun albino burmese phyton. Nagkaroon ng konting thrill. Dahil nakahawak na ko neto nun nag-Davao kami, less na din takot ko. But this is twice bigger. Bigat at mas mahirap i-control yun head.

Cool na cool Kuya ko oh! Tapang!!
Pero ang totoo.. takot na takot naman! Napapatili pa, nyahaha!

Wag ko daw i-post yun picture niya. E sabi ko blog ko to, wag siya mangialam. Bad ko no? Hehe.

And then we toured around some more. Madami pang ibang species ng birds at andaming guinea pig. Meron ding sheeps at pygmy pigs. Crocodiles at turtles at yung mga giant arapaimas.

Bawi naman sa kagwapuhan ang Kuya ko oh!
Panalo din ka-cute-an ni Jaydrex!
Siyempre ni Mommy at Chin din
This one's a turtle. Parang crocodile ang peg.

One of the highlights din ay nun lumabas na sa Jenny. Not sure if she's an orangutan or chimpanzee. Super bango niya. Sabi ni mama, amoy downy daw. Napa-rubadabango tuloy kami. 


Kaaliw si Jenny kasi parang super love niya si mama. Muntik nya pa talagang i-kiss. Niloloko namin si Mama na akala ata ni Jenny siya ang nawawala nyang mudra.

 
But we soon found out na iba pala motibo niya. Bet pala niya yung bracelet ni Mama. At yun bag ko. At yun cellphone na laruan ni Chin. Klepto lang ang peg? Pero masunurin naman si Jenny, isang saway lang ni trainer nya, behave na ulet.



Kung si Jenny mabait, ibang level naman ng pasaway tong isang unggoy na to. Maglalambitin, bubukaka at paglalaruan ang kanyang tooot.. Pervert naman ang peg. Kaloka.




Nag-feed din kami ng mga patay gutom na carps. Stampede talaga sila, tipong dinadaganan ang isa't isa. Pero aliw to!


Hindi naman halata na enjoy ako?
Feeling namin ang tagal na namin andun. Around 3pm umalis na din kami. Naglakad lakad sa Tiendesitas Tiangge ng konti.


Oh ansabe nyo sa pose ni Mama ko?!

Sobrang hyper nun dalawa kaya naman nagutom din agad. Due to insistent public demand, sa Jollibee dapat kakain. Dahil di ko alam kung may Jollibee near Tiende at ayoko naman magtanong, fly kami to Ever Gotesco Mall. Kain lang at laro sandali yung mga bata.


At yung isip bata. Lol.


That's it! At dahil ngayon talaga ang birthday ni Chin, ni-surprise ko siya ng maliit na mocha cake pag gising niya. Sa family namin, you'll know kung talagang happy pag nawawala yun mata sa pag-smile!


Happy Birthday sa aking cute na cute na pamangkin na love na love ni Tita!


Side Kwento:

I am uberly happy ngayon dahil nakapagpabook na ko ng flights para sa Cebu/Bohol Trip ng ELF this June. I really wanted na matuloy kami kaya lang medyo nawawalan na ko ng pag-asa dahil ambilis maubos ng mga seat sale. Good thing this morning ay napadaan ako sa website ng Tiger Airways at meron silang piso fare. Pasok sa date na napagkasunduan namin. RT ticket namin ay almost PhP600 lang kasama na prepaid baggage. Ipinagdasal ko to, though sabi ko if it's not meant to be e okay lang din. Pero mukhang meant to be, yey! Thank You God.

Dear Blogger friends and readers kong iilan, please support PBO. Follow @iHeartPBO thru twitter or click here to follow the official blog site via GFC. And also like the Facebook Fan Page, click here. We will be having a bazaar of pre-loved items this Feb. Love month naman na, so share some love. If you have any donations in cash or in kind, you may contact me thru twitter and I'll coordinate with the rest of the officers. 

♥ Have fun everyone! :D


68 comments:

  1. Ang cute nung owl, guinea pigs and turtle! Hehe :))

    ReplyDelete
  2. ito pala yong sa fb! hahaha natawa talaga ako sa monkey!! kala ko kasi kapangalan mo sis eh hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hay naku ka Lala, masasaktan ka na talaga saken! Haha.

      Delete
  3. Yan ang di ko pa narating Ark Avilon. May kalayuan naman kasi at namamahalan ako sa ticket hehe... Pero siguro someday makarating din ako dyan, di ko lang sure kung kaya kong ilibre lahat ng pamangkin ko, baka bigla akong maging taong grasa pag ginawa ko yun hahaha...

    Looks like you had fun. Ang sweet mo namang tita. Happy birthday to your cute niece :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nun nakita ko yun zoo medyo namahalan din ako kasi ang liit lang e. Pero sulit na din kasi unli pictures sa animals. Sa iba kasi may bayad kada picture di ba? Ay pangarap ko din mailibre lahat ng pamangkin ko yun nga lang talagang magastos, haha

      Delete
  4. yong mama mo kung makapose wagas!!! parang kasing edad lang sila chin2x (feeling close lang lol)

    sarap ng bohol trip ha at piso lang ako ngayon ay namomoblema hahaha dahil walang peso fare sa feb 15. isang araw lang talaga ako kasi may pasok pa ng saturday!! naman!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, bagets na bagets kaya si Mama sa mga pose nya, haha!

      Dapat nagpahanap ka saken nun mas maaga pa, masipag ako mag-check pa naman ng seat sale. E ngayon, asa ka! haha

      Delete
  5. The best ang pic ni mommy at ni jenny hehehe, nakakaaliw ang mga pics. Dadalhin ko si Jamboy diyan pag lumuwas kami:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sis, lumuwas ka na kasi kasama si Jamboy tas i-EB mo kami! :)

      Delete
  6. si jenny talaga! akala ko manghahalik siya sa mother mo, ang kapit lang eh :D madami talaga dyan ba birds :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Na-miss lang ni Jenny si Mam, lol. Madami talagang birds! haha

      Delete
  7. Like I said in Fb, lovely family. And ang bata pa ng mother mo at napaka sweet. No wonder gaganda mga anak at apo. At sng bait mo naman sa pagtreat mo sa pamankin mo.
    Nag enjoy ako sa zoo trip din:)

    ReplyDelete
  8. A day well spent with your family. Nakakaaliw...hehehe..Been there twice with pre school kids last 2006 and 2007. Happy birthday sa niece mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku, ang gulo siguro pag madaming batang kasama! 3 nga lang kasama namin e na-haggard na ako talaga.

      Delete
  9. Fav pic yung nakatitig si Jenny at ermats sa isa't-isa! :)

    ReplyDelete
  10. kaya pala magaan ang loob ko sayo dahil may brother kang cute...lol

    ang saya pala jan sa avilon kineme... makapunta nga minsan...i wanna see Jenny... congrats sa isa na namang happy family bonding...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pakilala kita teh! Mura lang talent fee nyan.. charlottes!!

      Feeling ko matutuwa si Jenny pag nakita ka! Double Charlottes!

      Delete
  11. haha! sa tagal namin ngwowork ni Joel dun sa Transcom... hindi pa namin nadadala si Sophie jan sa Ark Avilon na yan... hehe! at oo, may malapit na Jollibee dun... :p hindi mo kc kami ininvite ni Sophie eh di sana megatour guide ako sa inyo... hahaha!

    Happy Birthday Chin Chin!

    at thanks at tuloy na tuloy na ung cebu/bohol natin... ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala, dalhin mo na, mag-enjoy siya dun for sure. Lukaret ka, tinext kaya kita about dyan, hindi ka nag-reply. Pag nagpunta kayo dun, gora na din kayo nun Fun Ranch. Sayang, hindi ko alam na magkadikit lang yun.

      Delete
  12. Happy Birthday sa pamangkin mo!!!

    Super funny naman yung mga sleeping animals.. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Rica! Kaasar nga yung iba e mula pag dating gang umalis kami e tulog pa rin.

      Delete
  13. hindi pa ko nakakapunta ng zoo kahit manila zoo. i'm such a looooooserrrrr :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala! Kawawa ka naman.. Tara, samahan kita!

      Delete
  14. Musta Jo...

    cute ni Jenny hehehe..... natuwa ako sa picture hehehe



    Happy Happy Birthday sa Pamangkin....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Jon! Eto tamad na tamad lagi, haha.

      Mas cute kaya ako kesa kay Jenny! Haha, nakipag-compete talaga sa unggoy ng ka-cute-an.

      Delete
  15. Bagets pa talaga si Mama no! Thanks Manong! :)

    ReplyDelete
  16. Sa Montalban eto diba? Sa amin. Hehe. Balak kong dalin ang Fam ko dito pag uwi ko. Sana matupad. Happy birthday sa niece mo :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayan, di nagbabasa, sa Tiende nga e! Haha. Yun Ark Avilon sa Tiende pero may Avilon Zoo din na nasa Montalban. Mas maganda dun, mas malaki at mas madaming animals na makita. Pero ma-haggard pag may kasama kang kids kasi sobrang laki nun place, walkathon lang drama niyo at walang cover kaya mainit din. :)

      Delete
  17. Feeling ko lahat ng carp patay gutom ganun din kasing yung mga nasa nuvali haha anyway..kaaliw yung si jenny haha amoy downy ang kulit!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Jaid! Ngayon ko lang kasi na-experience magpakain ng carps, ganun pala talaga sila, haha.

      Delete
  18. ang cute cute nga naman ni Chin Chin! mukang nag-enjoy ang lahat sa Zoo.. I've never been to Avilon zoo gusto ko din makapunta jan gusto ko makita si jenny!

    at ang mura ng ticket to cebu ah in fairness! meant to be yan sis parang lovelife lang..hehe

    happy birthday kay Chin Chin ;)

    ReplyDelete
  19. Magkakamukha pala kayong magkakapatid, di mapapagkamalang mga ampon hehe kasi kami medyo iba iba ng konti.

    Cute ni Jenny, wagas makatingin kay mommy kala mo nakahanap ng bestfriend hehehe

    Kainggit ang family bonding nyo. More family bondings pa, happy weekend!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magkamukha ba kami? Si Ate ko yun talagang kamukha ko. Happy Sunday MarG!

      Delete
  20. belated happy birthday sa pamangkin mo...nice zoo...

    ReplyDelete
  21. Looks like you had a great day! Ganda ng place : )

    ReplyDelete
  22. haha ang kulet ng little adventure nyo sa ark avilon zoo :)) kaaliw ung mga animals!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaaliw nga mga animals, kasi iba't iba rin attitude nila.

      Delete
  23. haha! buti ate at hindi ka nainis sa pamangkin mo. :P then mana saken yung mga animals sa zoo, tamad :P

    PS. OMO! buti ka po ate nakaabot ka, ako hindi, I wanna to Cebu sana kaso wala na nga yung sale eh. :(

    Myxilog

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku, madalas ako mainis sa kakulitan ng mga yan, pero dahil din dun kaya love na love ko sila!

      Magkakaroon pa ulet yan ng sale, abang abang ka lang!

      Delete
  24. Your niece is super cute. I am the same way with my nieces and nephews. They usually get away with whatever they ask me. Thanks for sharing and can't wait to see your trip to Cebu/Bohol.

    xo
    Sam
    http://fabulouspetite.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oh the Bohol Trip is scheduled for June! I'm just way too excited. Lol. Thanks Sam!

      Delete
  25. Di pa pala ako nag cocomment dito.. Mahilig ka ba sa hayop Joan?
    The best talagang makita ang bata na masaya.. nakaka tunaw ng puso.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes June, mahilig ba ko sa hayop? Pag-iisipan ko muna yan. Oo, the best pag masaya sila. Pero pag sabay sabay silang nag-iyakan, hala naloloka ako, hahaha.

      Delete
  26. Hi Beautiful,

    Nice blog, Shall we follow eachother?
    Let me know on my blog and I will follow back straight away.


    Love, Carmen
    www.mydailyfashiondosis.blogspot.com

    ReplyDelete
  27. bwahaha, naman ako sa post mo,Joanne , buing ka talaga pag maka describe, gusto ko lahat ng description mo about animals, wagi lahat...BTW happy birthday kay chin chin,lucky girl at my napakabait na tita..Ni-like ko na yong facebook page at twitter nyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you, Mhie! Maasahan ka talaga. Alam mo naman ang kabaliwan ko, hahaha.

      Delete
  28. Eto yung matagal ko nang gustong puntahan.... akala ko sa Subic to, sa Tiendesitas lang pala...

    ReplyDelete
  29. Happy birthday kay Chin! Ang cute ng singkit na mata...:) Na excite ako dun sa feeding ng fish...hang dami!..:)


    xx!

    ReplyDelete
  30. nakakatuwa pag nakakita ako ng bata masay..seriously I want to go back to childhood kc simple lang ang kasayahan:)

    Belated happy birthday to your lovely niece:)

    ReplyDelete
  31. nakakatuwa naman yung si jenny. kung maka akbay ky mama.

    ReplyDelete
  32. eng beet beet nemen ne auntie juana!
    may adventure na rin ako dyan sa Ark Avilon Zoo hindi ko pa na-share. Loko yang jenny na yan eh may cute pic sakin yan he he :)

    ReplyDelete
  33. yaaay! the monkey's so cute! nice family bonding you've got there :)
    followed you, btw.

    ReplyDelete
  34. buti gising naman si jenny pag punta niyo .. hehehe

    andaming animals. 0_o

    (siyempre , zoo nga eh diba?) hahaha

    ReplyDelete
  35. wow field trip :-) nakakatuwa naman ang family bonding with kiddos :-)

    ReplyDelete
  36. how to purchase the advance tickets? is there any requirements?

    btw. nice blog! especially for your descriptions bout the animals :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi! For advance tickets, you simply have to deposit the required amount to their Metrobank account three days prior to the date of visit. Please email them to get the account number :)

      Delete