Sunday, September 2, 2012

Star City!

Happy Sunday!

Last restdays ko, I was on a "child at heart" peg! Thursday, walang tulugan after shift, nag-explore kami sa Science Centrum. So over 24hrs ako gising, tas 10 hrs na tulog, pag gising ko Friday na, at Star City naman ang destination ko. Ayoko lang gumala, haha.

Kasama ko sina bff Zaicy, Empi at officemate Ann. Meet-up sa MRT Taft Station ng 1:30pm, quick lunch sa KFC, then off to Star City! 


Yes, naka-metrodeal vouchers kami kaya PhP230 na lang ang ride-all-you can pass
Meet Ann, ang aming sweet pero minsan gullible na teammate ni Zaicy
Just so you know, heaven para saken ang mga amusement parks. Wala akong takot sa heights so bongga excitement ko sa mga rides! :D

Pasok si Zaicy sa Land of the Giants, kami kasing tatlo ay pang-land of the midgets, haha.



First ride namin ay ang Wacky Worm (parang caterpillar), hindi kasama si Ann kasi natakot siya. Agad agad, kaloka! Then sumakay kaming apat sa Dragon Express (parang caterpillar din) at sa Telecombat (parang octopus).


Habang nakapila
Hindi takot si Ann, hindi talaga!
Blue Team
White Team
Sunod naman ang Viking, si Zai naman ang hindi kasama, kasi last time daw na sumakay siya dun ay nahilo siya (at mukhang na-trauma!).


Proud ako kay Ann, kahit nakasiksik siya saken the whole time, na-conquer nya ang Viking!
Sumakay din kami ni Empi sa Blizzard (mild roller coaster). Hindi na daw kaya ng powers nina Zai at Ann kaya nag-miryenda na lang sila habang hinihintay kami.



Okay, matapang ako sa heights, pero takot ako sa dilim, at pumasok kami sa tatlong horror tunnels - Gabi ng Lagim, Kilabot ng Mummy at Dungeon. Pagtatawanan ninyo siguro ako kami kung nasaksihan nyo pagsigaw namin! 

Ang tunay na kilabot ng mga mummy
Pinaka-scary yun Kilabot ng Mummy! Napaupo talaga ako sa exit sa sobrang takot at pagod, asar kasi yun akala ko tapos na tas biglang may bumagsak na something sa ulo ko, haha.

Highlight din ng tour namin ang Snow World (entrance fee PhP60 only dahil my 50% discount kami)! Bukod sa marumi at mabaho yun mga jackets, hehe, e sobrang ganda sa loob! Ang saya pati nun pag-slide sa ice. Sayang lang kasi bawal ang pics! 

Eto pa yun ibang rides at attractions..


Inside the Magical Forest
Pirates Adventure
Bumper Boat
Peter Pan Adventure
Nagpaka-addict kami sa bumper cars at carousel. Tig-tatlong beses namin sila sinakyan!



Bagay sina Empi at Ann no? Nag-selos tuloy ako. At nakamove-on after 15sec. Dahil dyan, hanap na ko ng ibang ka-loveteam, anyone?



Napansin nyo na hindi ako nakasakay sa mga bonggang rides - Star Flyer, Surf Dancer at dun sa Freesbie something. Ayaw kasi nila ako samahan, hmp! Tapos nun nag-decide ako na sasakay na ako kahit mag-isa lang (at mukha akong kawawa na walang kaibigan), e bigla namang umulan! Hindi tuloy natupad ang mga pangarap ko, tsk!
 
Around 10:30pm, naisipan namin na umuwi na, naka-8hrs na kasi kami, haha. At nakauwi ako sa bahay ng 1:30am, perfect kasi sabi ni Mama e wag daw ako papagabi, lol.

:D


FYI:
Star City
http://www.starcity.com.ph

73 comments:

  1. Love roller coaster rides too --- mas maraming loops the merrier. I don't like ride na mababasa ako.

    Ang saya niyo sa pics. Next time sama kaming apat. Wishful thinking na maka-uwi para makapag-star city lang. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayan, pag umuwi kayo, ikaw ang partner ko sa mga roller coaster rides!

      Delete
  2. wow star city! :-) fave ko din yung mga roller coaster rides (zyklon loop and star flyer). medyo ayoko lang yung viking and flying carpet kasi nakakahilo lang. sa horror house naman hindi ko makakalimutan kasi nadapa ako dyan before. naiyak ako sa pasa at gasgas sa tuhod ko. hehe!

    have a blessed sunday! tc! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala na ata yun flying carpet, di namin siya nakita, pero like ko viking.. Wahaha, mas malala pa pala experience mo sa horror house..

      Delete
  3. Wow, d ko sama sa roller coaster ride, himatayin ko dyan. Hi hi. Been there too though sa field trip ng mga apo:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang saya naman kahit dun lang sa mga simple rides di ba?hihi

      Delete
  4. pareho kmi ng hubby ko na di sumasakay masyado sa mga rides hehehe, kaya nung pumunta kmi ng star city inubliga namin ang tito ng anak ko na samahan siya hehe.
    winner ang bonding niyo ng mga friendships mo:))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Awts, kawawa si tito, walang choice kundi sumama.. ansaya talaga..

      Delete
  5. kaw na tlga joanne , pag ako pala kasama mo baka hihintayin na lng kita matapos ka sumakay sa mga rides .. hahaha takot din ako ... oi nagselos ! i smell something ..hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anu be! Bakit takot ka rin! Char lang na nagselos no, hahaha

      Delete
  6. Replies
    1. oy hindi ah, puro discounted vouchers kaya gamit ko sa mga gala, hehe

      Delete
  7. kelan to? haha!

    ang saya no, ang tapang ko mag caterpillar at ang tapang mo sa horror house! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. pinaka matapang ka dun sa wild river, proud ako sayo dun!

      Delete
  8. 15seconds lang talaga? weh, parang di ka pa naka-move on eh...hahah!

    nagpunta na ko star city pero para samahan lang mga pamangkin, di ko sumakay ng rides. di ka pala takot sa heights, buti ka pa. ek naman sunod, tas try mo space shuttle. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, move on na move on na kaya..

      Favorite ko kaya ang space shuttle, lalo na pag pabaligtad na yun andar! Yun star flyer talaga bet ko kasi parang naka-hang lang, sayang, hindi ka rin pala sumasakay..

      Delete
  9. Viking looks interesting, parang pareha lang sa Anchor's away sa Enchanted. Hope to visit Star City this year. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup, parang anchor's away lang, pero mas bongga yun sa EK.

      Delete
  10. Ang cool naman. At talagang tama yung sabi ko dati... bagay kayo ni empi. hehe. Kapag sinabing wag pagabi... eh di magpaumaga! bwahaha. bright na bata. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. At siyempre, fast learner ako e, hahaha.. Hindi, mas bagay sila ni Ann di ba?hehe..

      Delete
  11. sayang naman ang chance sa star flyer.. yun ang ride na the best!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga e, hindi siya meant to be, balik na lang ako, hanap ng matapang na sasama saken, hehe..

      Delete
  12. waaah ang saya. last na punta ko ng star city eh 2000 pa, 12years ago!kaloka lang. ang saya naman talaga. namiss kong pumunta ng amusement park.

    ReplyDelete
    Replies
    1. antagal na nga, balik ka na, andami na bagong rides!

      Delete
  13. Gala lang ng gala with other bloggers hehehe...nice photos you have here...

    ReplyDelete
  14. wow, nalulusaw na ko sa inggit. haha

    ReplyDelete
  15. Nung huling punta namin dyan sumakay ako ng Viking super hilo talaga ako at sumuka. hahaha! Di na tuloy ako nakasakay sa ibang rides. Malulain kasi ako kaya di ko kaya mga ganyang rides. Pang kiddie rides lang yata ako. lol!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang si Zaicy ka pala, ganyan din experience nya sa viking kaya natrauma e.

      Delete
  16. kainggit ate, puro pasyal at adventure lagi... hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo, ubos na nga kayamanan ko sa kaka-adventure, hehehe

      Delete
  17. very nice adventure nyo dyan... magandang lugar.

    ReplyDelete
  18. grabe! at ineexpect mo na babalik ka jan kasama ako para samahan ka sa mga buwis buhay na rides? haist! go! kelan? haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. frend, kailangan ko ng kasama para tuparin ang mga pangarap kong rides!

      Delete
  19. hanga ako sa tatlong ulet sa carousel..ako kasi isang ikot palang hilo na eh..haha!
    huling punta ko jan snow world lang ako pumasok..sana nilalabhan nila daily yung jacket noh?kaderder.. pinakana-enjoy ko jan dati yung vikings and wild river..pero mula nung may nahulog at nagpatihulog ayoko na haha..
    nagusap usap ba kayo sa kulay ng damit?mas bagay pa rin kau ni empi ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. pangarap ko kasi mag-carousel sis, kaya sinulit namin, iba ibang pwesto, hihi..
      kaderder talaga yun jacket, sabi ko kay zai, amoy chuckie/chocolait na isinuka, yuck!
      San ka nahulog??panong nangyari yun?hahaha..
      Walang usap usap ng outfit, nagkataon lang ang color coordination!

      Hamishu sis!!

      Delete
    2. hindi ako yung nahulog hehe..diba may batang nahulog dun sa sa wild river tapos na-dedo and meron din nagsuicide ata kaya nagpatihulog..di mu ba nabalitaan yun sis?...

      hamishu you too sis!

      Delete
  20. sayang ate ung sa surf dance. sinumpa ko yun pagtapos eh whahaha! pano wla na kong katabi tatlo lng kmi.ung impact ng tensyon feel na feel ko. feeling ko sinasadya ni kuya na nagooperate na wla n kong katabi s gilid pra dw exciting.hahaha(nanisi)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, walang kasalanan si koya, nagtatrabaho lang siya, hehe.. Babalik ako at sasakay talaga ako dun sa 3 extreme rides, hehe

      Delete
  21. Kakagaling ko lang sa blog ni Zai at mukhang enjoying ang peg nyo ha, nakakatuwa naman. Inggit naman ako't hindi ka natatakot sa thrill rides. Ako kasi sasakay lang dyan pag nagkasubuan na... or pag mainggit ako sa mga kasamahan kong sasakay din.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Buti pa ikaw nainggit sa mga kasama, yun mga kasama ko kahit lumuha ako ng dugo at mag-tantrums dun, hindi nila talaga ako sinamahan, hahaha..

      Delete
  22. Ang saya niyo naman! Kainggit! :D

    ReplyDelete
  23. Replies
    1. oh yes, we had so much fun! imagine, we stayed there for more than 8hrs, lol

      Delete
  24. Oh sure dear, kaya lang iisa lang frend ko sa google+, hahaha, hindi ko pa na-update e

    ReplyDelete
  25. Aba color coding, e kung nagblue ka kaya tyak kayo partner ni empi hehe. Ako natry ko na yung viking dito iba lang name

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ipinilit namin na maging mag-partner sila Empi at Ann, natatakot kasi si Zai pag si Ann katabi, saken lang daw kasi siya kumukuha ng tapang, hahaha.. ano naman ang masasabi mo sa viking?saya di ba?

      Delete
  26. What a great day! What a nice trip! Ayos ang adventure nyo ah..Super exciting. I remember our Enchanted Kingdom days.. pero matagal na yun. Great captures!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I want to go back to EK too, namiss ko na ang space shuttle, hehe

      Delete
  27. Gusto ko din yan, ingget. hehe, napansin ko nga lang na si empi at ann, they both wearing the same color of shirt likewise kayo, naka white. pinagusapan talga?! hehe.. promise hindi ko rin to papalagpasin. Basta pampatanggal ng stress, go ako! Gusto ko kasi yung extreme exp at hinahagis hagis ako. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi naman napag-usapan ang color coding, nagkataon lang, hehe..
      ayan, ikaw naman pala perfect partner sa mga rides e, haha

      Delete
  28. Hi, Nice post thanks for sharing. Would you please consider adding a link to my website on your page. Please email me back.

    Thanks!

    Angela
    angelabrooks741@gmail.com

    ReplyDelete
  29. Looks like you and your friends had fun!
    How I wish we have decent amusement parks here, hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I feel like keri naman mga amusement parks naten, though I haven't tried yun sa ibang bansa.. :)

      Delete
  30. Your a daredevil you ! I am such a waste of money when we go to amusement parks or fairs here. My son tease me about it because he will ride anything. He called me a scared kitty cat. Looks like you guys have an awesome time !

    xo
    Sam
    http://fabulouspetite.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. You should try some rides sometimes, it sure is fun! kakawala ng stress, haha

      Delete
  31. haha....sige hanap ka ng ibang ka love team......

    ReplyDelete
  32. Wow! 8 hours in Star City. Ang saya naman. :)

    ReplyDelete
  33. nice. star city. ^___^ best days talaga ang weekends....

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana nga maging off namin ang weekends para mas maging best siya! :D

      Delete
  34. Masarap talaga maging bata paminsan-minsan. But when I'm in theme parks, tanging bump car lang ang puwede kong sakyan. Madali kasi akong mahilo eh hehehe

    ReplyDelete
  35. Siguro pinanganak talaga akong KJ. yung mga kaibigan ko ganyan din ang trip. Hindi ko naman masakyan ang ganyang trip kasi I find it... uhm... walang sense? Kaya ayun parang chaperon ang dating ko. takbuhan sila sa isang rides, susunod ako, tapos bitbit ko gamit nila habang nagsisigawan sila dun. parang yaya ang dating. hahaha!

    Pero sige, ipagpatuloy mo iyan. It's good for the health ang mga gimik na ganyan lalu na sa mga taong katulad mo na 48 hours ang isang araw at 2 hours ang maximum hours ng pagtulog. Sige lang, para tumagal ka pa ng 80 years old. hahaha! Magpahinga ka naman every now and then ok?

    ReplyDelete
  36. nakakatuwa naman! na miss ko na rin ang star city.. kahit twice pa lang ako nakapunta....

    Cute ng horse hehehe ^_^

    ReplyDelete