Tuesday, September 25, 2012

Guimaras!

Rise & shine! Day 2 na ng trip namin..

Dahil nakatulog ng mahimbing yun mga hindi namin kasamang naligaw, ang aga nilang nambulabog at nanggising! As in wala pang 5am, kumakatok ng sobrang lakas, sarap lang saktan, hehe..


By 7am, ready na kaming lahat for breakfast. We ate in Deco's ulet para naman ma-experience din ng iba yun food dun. Meron silang breakfast buffet for only Php100.



After eating, we went back to the dormitel. Check-out na, and we're off to Guimaras. Sakay kami ng jeep papuntang Ortiz port. Sinalubong kami ng mga tricycle drivers, at sinabi na mataas daw alon dun ngayon so dun kami dapat sa kabilang port, Parola yun tawag nila. 



It was just around 15-20mins boat ride and we finally step foot in the Island of Guimaras. Bawal daw magpasok ng kahit anong mango eklavu sa isla.




Derecho kami dun sa Tourist's desk. Nag-log at nag-ask kung pano makarating sa resorts. Nag-hire kami ng multicab for Php600 (pero naging PhP700 for some odd reasons).


Dun sa stop-over sa market (habang namamalengke ang mga boys), bumili ako ng icecream at frosty para sa girls. At na-excite ako ng makakita ako ng plastic balloons, ansaya lang mag-laro ulet!



I took us about an hour and a half to reach Guisi Clear Water Resort but it was all worth the wait.. 



True to its name, the water is really clear.. plus the white sand.. it really is relaxing to see such beauty!




At napakamura pa ng entrance fee.. 


 
Pero dahil mag-over night kami, we paid 4800 for 2 aircon rooms with 2 beds each at private CR. May mas murang fan rooms (PhP1800 for 8 pax) kaya lang medyo creepy, kaya ayaw namin, hehe..

Habang busy silang lahat sa pag-prepare ng lunch..

Ang Masisipag!

Busy rin ako sa pakikipaglaro kay Sophie sa beach, hehe..

Ang favorite subject ni Ninong Rowie
Ang pagpipilit na makabuo ng sand castle na hindi successful
Siyempre dapat may jumpshot sa beach!


Around 3pm, ready na ang lunch namin! Inihaw na liempo, inihaw na tilapia at inihaw na pink na isda.. at mangga't bagoong.. at yellow watermelon (so sosyal!)..

Famous Question ni Nic: 
Kung magiging pakwan ka.. 
Pakwan na red o Pakwan na yellow.. 
At bakit?


Parang maganda naman ang weather nun nag-start kami kumain, pero maya maya ng wala man lang warning, biglang umulan ng sobrang lakas with matching bonggang hangin, nataranta kaming lahat sa biglaang paglilipat ng food namin sa covered area! Nanginig tuloy kaming lahat sa sobrang lamig, lalo na kami ni Lori na pang-summer ang outfit, hehe!


Pero siyempre, life goes on.. at tuloy lang ang kain! After lunch, we played Truth or Dare sa phone ni Joel. First dare ko.. fly like an airplane around the room, pang-abnormal mode lang, hehe.

And then more beach bumming, swimming, jumping with the waves at paggawa ng logo ng ELF sa sand..  Unfortunately, nun picture time na, biglang umulan ulet ng malakas at kailangang itago ulet si DSLR, huhu..


Yun mga natirang food ang naging dinner namin. Dahil super lamig nga, nag-inom kami ng slight.. at sinumpa ko ang The Bar, ibang level ng hilo ang pinaramdam nya saken..

Nag-pretend din kami na marunong kumanta at nag-videoke while inom ulet ng slight..

The Songers!
Bigay na bigay lang si Lori, hahaha!
Lasinggerang lasinggera lang ang peg ko, bakit andami beer sa harap ko!hehe..
Til 10pm lang allowed ang videoke, kaya back to playing Truth or Dare kami at more chikahan at tawanan lang..

Nun sleeping time na, horror mode ulet. Dahil puro duwag kaming magkakasama sa room, pinagdikit namin yun 2 bed, nakisiksik si Julius sa kama namin ni Joana, at iniwan si Rowie mag-isa, kawawa naman, hehe..

Bakit kami natatakot lahat? May eksena kasi ng biglang nawawalang susi dun sa kabilang room nun after ng lunch. Hiniram kasi ni Mic yun susi kay Lori para makapag-CR siya. Tas biglang nawala si susi, hinanap nila kung san san, at nakita sa medicine bag ni baby Sophie..  So it's either kinuha ni Lori yun susi at tinago niya sa bag niya at nagka-memory gap siya after o may multong nagtago daw.. :)


**To follow ulet ang Day3 :)

Paunawa: Tuloy pa din ang everyday OT namin, lakas maka-ubos ng energy (at ng ganda!) kaya medyo tamad tamaran ako mag-post, hihi..






67 comments:

  1. Oh. Kaya pala. Walang kamatayang OT na yan ang dahilan na miss nyo ako ni Zai.

    Mag OT rin kaya ako?

    Anyway, drooling ako sa food ninyo and at the same time nilalamig while looking sa summer outfit mo. Kinda malamig na kasi dito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. But why nga pala di pwede ang mango, seed, at planting materials doon?

      Delete
    2. Kapagod talaga ang OT, good thing e hanggang Monday na lang siya :D

      Ayaw nila kasi daw baka mahaluan ng di maganadang lahi ang mangga nila, char!! Di ko rin alam pero the real question is... Bakit magdadala ka pa ng mangga dun e dun na nga makita ang sweetest and best mangoes in the face of the planet?! Exag lang, hehe..

      Delete
  2. Mukhang kakaiba ang pakwan na yellow.. kakaiba din kaya ang lasa? hehe.. Sarap talaga mag-beach!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pareho lang ng lasa ng red na pakwan.. sabi nila, wala lang daw yun parang maligasgas na feeling, yun pag nag-aasukal yun red na pakwan, basta ganun..

      Delete
  3. Grabe ang ganda ng beach!!!
    At ang seksi mo naman:))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala nga pic na naka-2 pc lang, sayang, hehe..

      Delete
  4. Nakalimutan ko lng tanungin, bakit bawal ang mango seeds????

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala naman explanation dun, pero based sa aking research, ayaw daw nila kasi baka ma-contaminate yun mangoes nila dun sakaling may insects or whatever yun manggang ipapasok

      Delete
  5. di ba mas masarap mag outing tapos biglang umulan sa beach? pero ganon ata talaga kasi wala pa kaming lamyerdang hindi inulan. eks pa saken ang guimaras kaya sana maging tsek na sya paglaki ng mga bagets namin!! i-enjoy lang ang pagkabagets jowen :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masarap sana yun umuulan, kung di lang masyadong malamig, hehe.. Gora na sa Guimaras, isama ang mga bida!

      Delete
  6. oi! phone ko un! regalo nya skin daw un! kahit lagi sya ang may hawak pero phone ko un! #HB

    at... tinago ko lang tlg ung susi... un n lng ang isipin ntin... kahit napakaweirdo na kasama sa mga gamot (at kailalim-laliman pa) ni Sophie ko sya nilagay...

    ReplyDelete
    Replies
    1. at oo... bigay na bigay ako sa pagkanta... minsan lang magfeelingerang singer eh! haha!

      Delete
    2. Phone mo nga pala yun, hehe.. in fairness, napakanta din ako nun..

      Delete
  7. very nice naman ng mga pics sa guimaras...we plan to visit Guimaras...thanks for sharing....they have the best mangoes too! i hope you have tried it...:) superb!

    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, natry namin, both ang manggang hilaw at hinog, hehe..

      Delete
  8. Parang ang saya ng gala niyo.
    Super ganda din ng beach, mas na-excite tuloy ako sa Guimaras trip this December, sana nga lang di umulan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow, ansarap naman! Wala ako gala sa December e, hehe

      Delete
  9. Wow the beach is so pretty. Definitely I must have when visiting Philippines. The thing is it took so dang long to get there and you look cute. And only in the Philippines that you have to pay to swim in the beach- entrance fee, lol. Definitely not here ! Thank you for sharing this lovely photos.

    xo
    Sam
    http://fabulouspetite.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah, it took some time to reach the place, but it's definitely worth a visit.. I didn't know that there's no entrance fee in beaches there, hehe..

      Delete
  10. sarap ng kainan sa napakagandang beach ng Guimaras at ang mura ng entrance huh!.. I wanna experienced that too.. nice jumpshot..sexy mu sis! songer ka rin pala..next time ktv naman tau hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku sis, hindi ako songer! walang wala akong talent, pure confidence lang yan..

      Delete
  11. Hay saya-saya naman.. kakawala ng pagod after ko magbasa narelax ako lalo na ng makita ko yung beach dyan sa Guimaras, perfect!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas perfect yan mare pag sa personal mo nakita, mas ma-relax ka, kaya gow na! (agad agad dapat!)

      Delete
  12. natawa ako sa pakwan na red o yellow question. ang random :)

    ReplyDelete
  13. Sayang 'di nakatalon si Sophie sa jumpshot. Ba't nga ba bawal ang mango seeds?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakikitalon si Sophie paminsan, nahuhuli lang, hehe

      Delete
  14. in fairness friend.. hindi ko alam kung ano ang meron sa beach at kay mic. naalala ko nung nag-acuatico kami.. meron daw syang nakitang Doppelgänger ko. labo lang...

    ReplyDelete
    Replies
    1. What? Di pala naten dapat dalhin si Mic sa beaches, baka dati siyang sirena kaya ganun, char! hahaha

      Delete
  15. Pagkain nyo masarap, pangihi... sana makasama ako sa out with friend..dito, always work lang....:-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aww, masarap yun paminsan e may bonding with friends

      Delete
  16. aha sa wakas na-invade mo na rin ang Guimaras! sarap di ba?
    yey siksi talaga ni Juana KJ lang ang ulan sinisira ang summer outfit mo ha ha

    o baka may gustong sumilip ng Guimaras adventure namin (ksp lang hi hi hi)
    http://balutmanila.blogspot.com/2012/04/guimaras-island-our-unplanned-trip-to.html

    ReplyDelete
    Replies
    1. Asar talaga ang ulan, wala tuloy akong daring pic, hehe..

      Oy oy oy, nabasa ko na yang guimaras trip nyo dati! :)

      Delete
  17. Bawal magdala ng mangga? Bakit kaya?

    Plastic balloons! Nilalaro ko din yan nung bata ako kahit na nakakabangag ang amoy nya haha...

    Grabe ang ganda pala talaga sa Guimaras. Ang gaganda ng kuha mo sa beach, grabe white sand talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pati yun lasa ng plastic balloon, kakabangag! pero ansaya kasi di ba?

      Delete
  18. oist nagpost na ako sa island hopping nmin ... oi oi gnda din pla dyan sa guisi ... mapuntahn nga.... lasengga ka pala? hahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ako lasengga! Di ko nga naubos yun 1 bote ng beer e, hehe

      Delete
  19. I heard, Guimaras is a paradise. Sana makapunta ko dyan balang araw.

    ReplyDelete
  20. ang saya ng buhay, hehehe. puro gala :)
    fun fun fun to the max! hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag tapos ka na sa studies mo beh, pwede na rin ang puro gala lang!

      Delete
  21. Wow ganda dyan. Na miss ko mga food talaga dyan st kainan sa beach. Dito katabi ko lang beach, di makaligo dahil para yelo tubig at lamig ng hangin. So pasyal lang don at take pictures.:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay sayang naman! Ansarap pa naman lumublob sa tubig dagat, kahit sa pampang lang..

      Delete
  22. Mukhang nag-enjoy po kayo sa lakad niyo. :)

    ReplyDelete
  23. Nice pla talaga and Guimaras!!! Sana makapunta rin kami ni hubby the soonest!! :)

    I am longing for a long vacation!!!

    Btw , I know you are busy , but if you have time , please visit me as I have nominated you for Liebsters!

    Thanks and see you!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, thanks! Sige, dadaan ako sa blog mo, pasensiya na..

      Delete
  24. Yellow pakwan?!!! Hindi ba flavored mango yan? :) First time to see one.

    Ang saya ng trip nyo. Nafeel ko. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. First time ko din nakakita ng yellow pakwan e! Same lasa lang ng red..

      Delete
  25. Wow, hindi pala tayo puede magsama sa mga inuman na may karaoke. Magaagawan lang tayo ng microphone. hahaha!

    Lalo lang utloy ako naging excited sa paguwi. For a small price you can experience heaven! Plus, yung makakain ng dilaw na pakwan! Priceless! hahaha!

    Why are you always on perpetual vacation? I'm so hating my life! Hehehe!

    I was wondering, yung fan rooms. You said they were creepy. Bakit? Ano hitsura? And yes, nagbabalak akong magkuripot kaya di bale na walang aircon. Pero kung makakatabi ko lang naman eh isang white lady kaysa sa tunay na babae eh di mag air-conditioned room na lang din ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha, naaaliw ako sayo! Naku, hindi ako bongga sa kantahan, kahit sa yo na mic, hehe..

      Ang yellow pakwan ay same lang ng lasa ng red, hehe!

      Basta creepy yun room! Kahoy lang kasi gawa.. Sabi ko nga, feeling ko pag may dumating na manananggal, keri nyang butasin ang bubong at kainin kaming lahat, hehehe..

      Delete
  26. bakit kaya bawal ang mangga? pangontra ba to sa mumu?

    ang taray pala ng cover up mo marse! dapat yan sinuot mo kanina sa opis! haha!


    ang weird ng yellow watermelon!


    cute mo nung lasheng haha!


    meow meow!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Inuulit ko.. Hindi ako lasheng! Hahaha..

      Next week, suot ko yun cover up sa office, may client pa ba?hahaha

      Delete
  27. sarap kumanta habang nakainom ng beer...san mig light ka ah..

    ReplyDelete
  28. fun! fun! fun!

    bitin ang videoke hanggang 10 lng ..hehehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e, saka wala na din kami 5 peso coins so hindi na rin makakanta, hehe

      Delete
  29. Ganda ng resort at ang mura ng entrance fee! Mura na din yung 2 rooms sa 4,800. Sa iba isang room lang yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. At mas keri siya kesa dun sa fan room na parang any moment e may mag-appear na white lady o zombie, hehe

      Delete
  30. wow! ang layo ng Guisi, ha. we were there last summer for my photgraphy class. umakyat ba kayo doon sa old light house? aliw, d ba? ganda ng location for a shoot hehehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Unfortunately, hindi.. lakas kasi ng ulan, maputik at madulas yun pa-akyat.. :(

      Delete