Hello dear blogger friends!
Ayan, busy-busyhan na naman ang lola nyo! I was away for a few days for a trip to Iloilo-Guimaras with ELF. Istorbo si bagyong Karen but we still had so much!
Pagbalik ng Manila e haggard mode na ko kaya more tulog ang ganap. Inaayos ko pa din yun mga pics namin para mai-upload na at ng mai-share sa inyo.
Back to work na ko kahapon. Pero just before pumasok e watch muna kami ni friend Lori ng The Mistress. Ewan ko kasi yun iba daw nagustuhan yun movie, but me and Lori found it just quiet boring. Para saken, napaka-unrealistic ng approach nun movie. Hindi yun pagkakaroon ng kabit ah, parang trending ngayon yun e, yun twists nun story medyo hindi kapani-paniwala saken. O well, opinion ko lang yan, kung nagustuhan mo naman e who am I to argue.
After the movie, derecho work na ko. Mabuti na lang at konti ang calls sa office, tamad-tamaran pa kasi ako, may hang over pa ng bakasyon. Kaya lang, required daw kami mag-OT ng one hour everyday hanggang end of month. Ayoko sana pero dahil no choice naman, inisip ko na lang na pandagdag budget din yun sa napakarami ko pang gala, hehe.
So ayun lang, update update lang muna today. Sa off, I promise na babawi ako at mag-blog hop na, ok? Walang magtatampo ha? :)
Eto pala yun sneak preview ninyo sa Paradise Island ng Guimaras. You know how much I love the beach so sobrang na-enjoy ko ang view dito, keber sa ulan at bagyo at sa multo :)
Ciao! ♥
ang ganda ng beach.....
ReplyDeletesing ganda ko no? hehe..
Deletehahaha XD kelangan mo magwarm up ulit sa work matapos ang mahabang bakasyon :)
ReplyDeleteang ganda ng beach :)
from bakasyon to haggard na work, hehe..
Deletesabi nga rin po ng iba "medyo" ok lng ung the mistress:D super ganda nung beach.di aakalain sa pinas lng yan.. more fun in the philippines
ReplyDeleteMore fun talaga! Yun iba naman e mukhang nagandahan sa The Mistress, ako talaga hindi, hehe..
Deletepara sakin overrated din ang Mistress. tch. pero ang-payapa ng beach
ReplyDeleteKami lang nga guests nun resort e, hehe
DeleteNaks superb shot, amazing place! Now I regret kasi diko pinursige ang Guimaras trip last year. Sayang but bagyong Ondoy kasi nun tsaka there's more next time naman e. Kaya pala nagpapamiss este medyo hiatus e nag-getaway pala.. refreshed! wb Marj
ReplyDeleteNaku Marj, pag umuwi ka ulet, i-push mo na ang Guimaras, worth it talaga!
Deletenice! anung gamit mong cam?
ReplyDeleteSa friend ko po yun cam, Canon DSLR, wala akong alam sa specs at settings nun..
DeleteDi ko din alam kung bakit nauuso yata ang movies na may mistress theme at ang nakakagulat patok na patok sa pinoy ah. Anyway di ko panonoorin ang The Mistress sa sinehan. Siguro pag nasa video na lang kasi di ko feel magsayang ng pera hehehe...
ReplyDeleteIn fairness ang ganda nung beach ah. Di ako mahilig mag-beach eh pero nakaka-appreciate naman ako ng magagandang lugar and judging by that photo, ang ganda pala ng Guimaras.
Kung pwede nga lang i-refund yun binayad ko e, nanghinayang din ako, hehe..
Deletewaaahhh..sis ang ganda naman jan.. mapuntahan nga yan,... isasama ko yan sa list ko..hehe
ReplyDeleteGow sis, at low budget lang ang trip dyan, antay lang ng seat sale!
DeleteWOW! Ang ganda naman ng beach na yan! Aabangan ko photos mo na naliligo sa dagat haha
ReplyDeleteNaku, sayang naman, wala ako pic na naliligo sa dagat, naging mas maganda ako sigurado sa beach kung meron ;)
DeleteKonti na lang, travel blog na to. hehe. Nakakainggit naman kayo.. andami niyo nang napupuntahan sa PInas. Gusto ko ding magtravel :)
ReplyDeleteYun naman talaga originally ang bet ko - travel blog! Kaya lang hindi ako ganun ka-yaman, kaya naging random blog to, hehe..
Deletenaeexcite na ako ate sa mga ipopst mo! hihi... sarap naman lumangoy jan teh!
ReplyDeleteparang ok lang naman ata ang OT na 1hour.. para may pang gala ulit.. hehehe.. tapos manlilibre na din, hihihi :P
PS: parang magada ung the mistress... baka under fiction.. hihihi
DeleteNaku beh, pagod na pagod ako sa 1hr Ot na yan, best in tulog ako agad pag-uwi, hehe..
DeleteDedma na nga sa The Mistress, naiisip ko lang na sayang bayad ko, hehe..
hey hey hey sis na-miss kita ah ;)
ReplyDeletewhaaaat may multo?ikwento na yan dali!haha..ganda pala sa guimaras..wanna go there na jan mismo sa picture na yan..
lahat ng movie ni JLC nagustuhan ko hehe..sarap lang mahalin ng mga character nya..sana may ganong lalake pa sa totoong buhay..hehe..
Miss din kita sis!
DeleteMay multo ata! Though not sure kung multo talaga o ka-engotan lang ni Lori, char!
Love ko din yun ibang movies ni JLC except lang sa The Mistress talaga, hehe.
hi joanne!
ReplyDeleteit's more fun in GUIMARAS! ganda naman! :-)
Hi teh! Ganda ko? Thanks! :D
DeleteI miss ocean. walang dagat dito sa amin, soon maginaw na naman. ai pinas, gusto kona umuwi dyan kaso den walang trabaho hohoho... lucky nyo palagi lang trip ang ganap.. post more photo... take care and have a good day
ReplyDeleteSana nga makauwi ka naman at makaligo ulet sa dagat! TC din and thanks!
DeleteHi, Joanne!
ReplyDeleteHi Lili! High five!
DeleteWow, ganda pala dyan. Anyway, buti nag enjoy ka sa bakasyon mo:)
ReplyDeleteEnjoy talaga kahit eksena si Bagyong Karen! :)
Deleteakalain mo sabay pa tayo ng post about guimaras hahaha :)
ReplyDeleteHaha, oo nga e! Ang yaman mo lang, ikaw na umikot sa buong Panay!
Deleteganda ng beach, parang ako, este parang tayo lang! meow meow!
ReplyDeleteMeow!! Grr...
DeleteGanda naman ng beach! Super!!! Parang kay linis!
ReplyDeleteTake your time and rest!
Nakakapag-energize na ko ulet, at ako'y nagbabalik, hehe
DeleteAko nga hindi nakapag-uwi ng mangga e, haha
ReplyDelete