By now, siguro naman alam nyo na ang Friday e gala day ko di ba?haha! Ang destination namin kahapon ay ang Zero Degree Manila na ang press release nila ay ang First Ice Bar in the Philippines! Taray di ba?
Kasama ko si Zaicy for the nth time at si Empi for the 3rd time. Nagkita kami sa Antipolo na homeland (homeland talaga?) ni Zaicy. In fairness, madali lang puntahan yun Ice Bar, sakay ng fx na pa-Cubao na ang daan dapat sa Sumulong Hi-way at chikahin si Koyang Driver ng slight para ibaba kayo sa tamang spot!
and voila, were here! |
The bar is open from 6pm to 12mn. Dumating kami ng 5.30pm at napaka-hospitable nun receptionist, pinaghintay kami sa labas, haha! After 15mins, tinawag na kami at inofferan na mag-upgrade sa unli drinks at unli entrance sa Ice Bar for PhP200 only! Nun pumayag kami, biglang naging PhP300 yun upgrade rate! Scammer si Kuya, joke! Pero ayaw na namin, ang gulo e!
Nun 6pm na pinapunta na kami sa 3rd floor for our Eat-all-you-can buffet! Masarap yun food. Okay din yun ambience ng place. At dahil umulan ng bongga with matching kulog at kidlat pa, kami lang tatlo ang customers nila so alam na! More kain, more fun... silang dalawa! hahaha..
Fav ko yun Orange Chicken, bongga sa magic sarap! |
Nag-stay kami til 8pm sa buffet area. Then we decided na bumaba na sa basement para ma-experience ang freezing cold na Ice Bar! May small prep area kung saan pipili ka ng jacket na isusuot mo, 2 sizes lang - large at xl!
Ganito yun walls nun prep area.. Hindi siya artsy para saken, ang dumi at gulo kaya tingnan (opinion ko lang po yan)!
Ayan, pwede na kami pumasok! But wait, may bagong policy daw.. hanggang 2 pics lang ang allowed sa loob! Joke yun? Nope! Kung gusto ng mas maraming shots, kailangan mag-avail ng drinks, nakakalowka!
Wala naman kakaiba dun sa loob, tiled floor and glass walls.. at malamig, yun lang! Sabi nga ni Zaicy na uber funny, para lang daw kami nasa loob ng Morgue, haha! May table made of ice kung san nakapatong yun mga alcoholic chuvaness at bench na gawa rin sa yelo..
Picture#1 |
Tapos may dalawang ice sculptures, a dolphin and a swan (mas maganda yun dolphin). At eto ang bonggang eksena..
Zaicy&Me: Pa-picture tayo with the dolphin!
Picture#2 |
Question: Nasaan ang dolphin?? Answer: Tinakpan ni Empi!
Kaloka Much! Kung hindi ko lang love tong si Empi, nabatukan ko na siya, hahaha! Siyempre, naka-dalawang pic na kami so wala ng take 2 ang picture with the dolphin, tsk tsk! LOL!
We got bored din sa loob, so after 10mins lang ata e lumabas na kami (you can stay upto 30mins). Saka kami bumawi ng slight sa pagpipicturan, kunwari malamig pa din!
Love love Zaicy! |
Wala kang hug dahil sa ginawa mo sa dolphin shot, haha! |
In fairness, we still had so much fun! Sabagay, kahit san naman ata kami magpunta e happy kami lagi, kahit may mga unexpected or unforeseen events! Ganun dapat di ba? :)
***
I just joined BlogsNgPinoy and they added me in their directory list! If you also want to be added, click here!
Plus you can also vote for your most favorite blogs which will be displayed in their Blogs of Fame, click here! BTW, I
If you are already on the list, let me know and I'll vote for you too! :)
Much love everyone!
napadami nga sa magic sarap!
ReplyDeleteano ba yang si Empi ayaw pasapaw sa dolphin! ending tinakpan nya, hindi tama yan!
til next time marse! :*
Ay true, bet ko bumalik para sa orange chicken lang, haha!
DeleteHahaha! Na-excite lang magpa-pic kaya nawala sa isip si manong dolphin. Lol!
DeleteHahaha, buti na lang naaliw pa ako sayo :p
Deleteso, was it zero degrees talaga sa lamig ang ice bar nila?
ReplyDeleteAy hindi rin.. parang malamig lang ng onti sa office namin pag may expected na darating na mga clients, haha!
Deletena-frustrate din ako sa dolphin shot..wawang Empi nasisi pa hehe.. napansin ko nga nag-join ka na rin sa BNP may iboboto na ko ;)
ReplyDeleteHaha, lakas lang mang-asar no? Aww, so listed ka na? Iboto kita sis!
Deletenatawa ako sa post na toh sobra hahaha! hospitable nga si ate at in fairness fluctuating rate pala from 200 to 300 haha!
ReplyDeletekawawa naman ung limited shots nyo tapos nawala pa yung dolphin hahaha! at solong-solo nyo ang lugar a! haha!
makabisita nga next time para makita yung dolphin kasi nawala sa picture e--curious pa naman ako wahahaha
Kuya yun receptionist na hospitable at confused sa upgrade rate, haha! Naku, sabi nila pinapalitan daw yun sculptures everyday so baka walang dolphin pag nagpunta ka, pag meron i-tag mo ko, namiss ko e, haha!
Deleteasan ang dolphin! empi! baka binulsa mo..echos! I love it parang naka private lang peg nyo! hahaha!
ReplyDeleteHaha, kaloka si Empi no? Charot! True nga, pero nun pauwi na kami, may mga dumating ng mga tao!
Deleteay naku naman si empi oo! (kala mo kilala ko lolz), korek ka dyan si zaicy na lang ang i-hug (ehem! ala pa rin ba♥? :P ;)
ReplyDeleteparang mas maganda pa noon yung snow world sa star city. Malalaki yung ice scuptures and may mga ice slides ek ek. but super bawal ang cam sa loob. You can have your pic from their official fotog at PhP100 - ang mura neh :P?.
at higit sa lahat... bakit di ko alam etong lugar na eto??? lolz
I'm pretty sure na magka-kilala kayo ni Empi sa blogging world! Trivia yan, haha! *wink*
DeleteHindi ko na-experience ang snow world ng star city, at mahal ng pic ah!
Gorahan mo na teh! Pero hanap ka ng muna ng murang voucher para sulit! Hindi siya worth it para sa PhP500(reg rate) para saken, haha!
It's good to know you're always having a good time.
ReplyDeleteGanun ata talaga pag may sayad na, laging masaya, hehe!
Deletehaha. aminadong may sayad? joke. anyway, that's a good attitude. hahaba buhay mo.
DeleteAlangan namang ikaila ko pa di ba? hahaha.. charot lang!
DeleteI believe it is the third time na I read post about this place and everybody was not satisfied. Anyway, good for people to expereince zero degrees for a change. But for me, I have enough zero degrees her in wintertime. So sa beach lang ako pag uwi pinas. By the way, this is a funny post. Natatawa ako sa mga jokes mo. Hi hi. Thanks Joan.
ReplyDeleteKaya nga ata excited kami dito e dahil walang winter sa Pinas! Kaso ang temp ay parang sa office lang namin, mas bongga lang ng slight, hihi! Wow, gusto ko yang beach!
DeleteWow, this is my first time I heard about ice bar sa pinas...Its really cool, Agree ako sayo yong wall nila ang dumi tingan...but its still good to experience zero degrees sa Pinas.
ReplyDeleteMasaya naman din ang experience, hindi nga lang siya zero deg talaga, haha!
DeleteHehhehehe, ok lang yan kahit di talaga tunay na zero degrees...basta naka-experience lang kung ano talaga ang lamig...ehheehhhe. atleast naka winter Jacket kayo dyan.di vah vongga!
Deletenapawow ako sa thought na zero degree bar sa pinas pero after reading your post wala palang ganda hehehe
ReplyDeletenakakatuwa tingnan mga picture nyo. =D
I guess kailangan talaga nila iimprove yung place, para ma-meet naman yun expectation ng mga casts at ma-ideliver un slogan nilang first ice bar in the Phils di ba? In a customer service rep point of view yan, haha!
DeleteI love friday, sa pilipinas pa ako.. palagi ako punta nang mall kahit walang pera basta gala nang gala masaya nah. Na me miss ko tuloy ang jolibee , hahaha ingat kayo and enjoy
ReplyDeleteHaha, wala bang jollibee pa jan sa inyo? Sabagay, mas masarap ata yun dito! Thanks beh, ingat din lagi!
DeleteSaya! Ikinagagalak ko kayong makasama ulit! :D
ReplyDeleteNaman! Miss na nga kita agad eh, charot!!
DeleteKalokah naman ang mga policies!
ReplyDeleteKaloka talaga Madam!
Delete"Ganun ata talaga pag may sayad na, laging masaya" - sana magkasayad na din ako para laging masaya, haha...pinatulan talaga ang sayad eh. :P
ReplyDeleteOk lang matakpan si dolphin, kesa naman si Empi (feeling close?!) ang matakpan, ayaw mo nun di ba? haha, nangungulit lang, 1 more vote para sa love team nyo. :D
Hahaha, wag mong i-wish magka-sayad, mahirap din siya, hahaha..
DeleteActually, I won't really mind kung si Empi nga ang natakpan, haha!
tulak ng bibig, kabig ng dibdib! haha, joke lang Joanne. dahil curious na kay loveteam, nag-visit ako sa lungga nya, haha, dami ko tawa, sa post nya at sa kulitan nyo sa comments, uy next page na, di na blank page. hehe... :P
DeleteHahaha, nakita ko nga ang mga side comments nyo ni Olivr, haha! Kulet nyo, hihi! Anong next page? walang next page, hahaha..
Deletemasarap siguro masyado para sa iyo ang orange chicken kasi gusto bumalik para lang doon,hehe....thanks sa pag share sa pictures..
ReplyDeleteAy true, may something dun sa chicken na masarap talaga.. ma-umami siya! lol!
DeleteAng daya namn kailangan pa mag order ng drinks to have more shots! Ano yun, isang drink isang picture din? hehehe! Ang cute nyo 2 tinggnan ni Empi!
ReplyDeleteAko lang kaya ang cute, si Empi hindi! hahaha.. Ewan ko nga dun sa pauso nilang yun sa picture, e sabi ng mga chismosa (charot!) wala naman daw ganung policy dati..
DeletePasalamat nga ang bar na ito at na feature mo pa sila sa blog mo heehhe.
ReplyDeleteLove team a hehehe.
Natatawa ako sa mga convo's niyo:))
Naku, baka hindi sila magpasalamat saken, haha! Ang gulo lagi ng usapan di ba?hehe..
Deletewala ba talaga kayong relasyong tatlo? hehe
ReplyDeletehahaha, grabe naman, wala no!
DeleteNa carried away kaya nawala sa eksena si Dolphin, tinatanong ko pa sa sarili ko asan si Dolphin. hehe, malamig ba talaga sa bar at required ang jaket? parang starcity lang. hehe.. following you :)
ReplyDeleteHahaha, oo nga, na-excite masyado e! Sana meron pa nun sa Star City at mai-try din! Thanks po, visit din ako sayo later! :)
DeleteTawa lang ako nang tawa sa post na ito.. ang lukaret mo rin eh no. Eto ang numbered comments ko: 1. kalowka ang pinas, mega ice bar na rin daw... kaya lang ang daming gimiks ha! si kuya spammer! haha. 2. Kung ganyang dami nilang eklat sa pictures at kung anu-ano pa, naku, baka hindi magtagal ang first ice bar in the heat of pinas! 3. haha epic fail ang picture with the Dolphin!
ReplyDeleteSpanish Pinay
Isang malaking epic fail talaga ang pic with mr. dolphin, azar!haha.. Sana nga maimprove pa nila yun place, bongga kasi sana yun idea..
Deletehi....tinanggal ko na ang maraming snowflakes sa blog ko....siguro hindi ka na mahirapan kapag open blog ko....isang klase na lang...dati kasi 8 widget ang nilagay ko....ngayon isa na lang....doble pa nga ang ilan....
ReplyDeleteinteresting talaga ang ice bar, hmm... below zero na ba ang mga inumin kapag andoon?
ReplyDeleteHindi kami nag-try ng drinks nila e, haha
Deleteaha ikaw pala yung kasama ni empoy kaya nalasing sya!! hehehe! napost nya din about dito kaya nakarelate ako sa post mo! hehehe
ReplyDeleteAko nga, ang hirap nga lasingin ni empi e (may balak pala,haha!)
Deleteakala ko noong una kaw ung zaicy :) hindi pala!
ReplyDeletenaks kua empi :)
cool pictures;love your blog.:)
ReplyDeleteInternational GIVEAWAY on my blog at http://superenergeticpics.blogspot.com
natawa ko na 2 pics lang tapos failed pa yung isa. bad tong si empi lol
ReplyDelete