Sunday, July 1, 2012

Last Friday Night!

Dinner and Movie Night Out!

Yan ang ganap nun Friday.. Dahil super miss na namin ang isa't isa at nagparinig si Stacy na gusto nya itry ang "Bon Chon Thingy", we planned an evening get-together sa Eastwood Mall ng 9pm!

Pero dahil excited ako at bored ako sa bahay, inaya ko ng mas maaga sina Lori at Zai, 4pm para makagala sandali sa Tiendesitas.. At dahil kaladkarin silang dalawa, e di go kami kahit na umattitude at nagpasiklab ang ulan!

Dahil bago cam mo Lori, picturan mo kami!
Ano ginawa namin sa Tiende? Hindi na kami naka-gala ng bongga, gutom na kasi agad ako. Kumain na lang kami ng Cebu Lechon at Cebu Longganisa na wala naman ding pinag-iba sa lasa ng normal na lechon kawali at longganisa dito.. 


Tapos fly to Eastwood na.. Sowsyal di ba Eastwood, pang-mayaman! Sabay naka-jeep lang kami papunta, at di pa namin alam kung san kami bababa kaya ask pa kami kay koyang driver. Mabuti hindi kami naligaw, kasi nun nagtanong kami, isang kandirit na lang pala e Eastwood na, lol!


Ayun, pictorial kami sa "park", gala-gala sa loob ng mall ng mayayaman.. Di ko gaanong bet dun, pang-SM at Rob lang talaga ako, pang normal na mamamayan, haha!

Katawa yun mga ignorante moments namin! Ako, sa energy saving ek ek na escalator: "Bakit hindi umaandar?" Pag tapak ko, biglang umandar! Amaazzzing, char! Di ko naman nabasa agad na may ganung eksena pala..

Tas yun dalawa naman, nakakita ng Mcdo, "wow, may mcdo!" Gulat much ako! Excited? First time nakakita ng Mcdo?? Akala kasi nila namin, walang fast food chain sa loob, puro kasi maaarteng resto, hahaha!

Nun ayaw na namin ma-OP sa loob ng mall, nagpunta na lang kami sa Krispy Kreme at kumain ng original glazed donut na fav ko, while waiting for the rest of the barkada..

Lori, Zaicy, Rio and Me
Minus Lori,  Plus Rowie
By request ni Nic, gawan ko daw ng introduction si Rowie sa blog ko.. Bakit? Kasi pinipilit nila kami gawing love team, mga adik! Pero dahil love ko si Nic, her wish is my command.. Si Rowie po ay ang mayamang engineer/manager/photographer/traveller ng barkada! At most recently, siya ang naging tour guide namin sa siyudad ng East Wood, lol! 

Fast forward to Dinner time! Like what was originally planned, we ate at Bon Chon! Halos pare-pareho naman order namin..

"mukang hepalog na nilublob sa lutuan ng banana que" - nic
It was my second time to dine in this resto. And personally, I don't like their chicken! Yun balat lang kasi yun malasa, yun meat, parang kinulang sa magic sarap! Sabi nga ni Nic, "Kaya lng masarap to kasi kayo ang kasama ko.." Which is very true, there was nothing special with the food pero super happy dahil nagkasama kami at super namiss ko sila!


Nic, Stacy & Marie
After Dinner, we decided to watch The Amazing Spiderman.. At amazing din dahil sa super dami ng taong gusto rin mapanuod si Mr. Spidey, ubos agad ang slots na pang 11 at 11.30 pm! So yun pang 12.30am ang kinuha namin! But Nic, Stacy and Marie had to leave for their own selfish reasons, charot lang po!


We all loved the movie! As usual, naiyak ako sa eksenang namatay si Uncle Ben.. Sabi nila, mas close daw ang story nito sa comics kaysa dun sa naunang series. E malay ko ba, di ko naman nabasa yun comics.  

Natapos ang movie ng 3am, had to go home na dahil hindi na uwi ng matinong dalaga to, lol!


P.S. In case interested kayo to know how our friendship started and if you have the luxury of time, read it at Nic's new blog, click here..

**photos by Lori

66 comments:

  1. Never ko pa na-try yang Bon Chon na yan... Thank you for sharing... Cheers!!! ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayii, thank you sa pagdaan, i'm so touched! Try mo Bon Chon, just don't expect too much! :)

      Delete
  2. Never tried Bon Chon. Malayo kasi yan sa amin... sa Virginia pa ang pinakamalapit and besides parang walang veggies and seafood sila doon. Di pwede kay young lady.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay, akala ko local lang na food chain ang BonChon, international pa pala peg nila! Nun last na kain namin, remember dun sa Eb with Empi? May inorder kami veggie salad, pwede yun kay beautiful Yna..

      Delete
  3. Haha, pang-mayaman na mall, yan din na-feel ko one time na naligaw ako dyan. :)

    Gala, food, movie with friends, saya ng sosyal na friday night out nyo. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo, baka di na ko bumalik dun, bet ko yung pang-masang mall, hahaha! Super saya talaga, kasi kasama ko mga bestfriends ko! :)

      Delete
  4. ang saya naman, pareho tayo ng kuda sa magic sarap haha! fun fun friday night yey! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tawa rin ako ng mabasa ko yun post mo, pareho na talaga wave length ng utak nateng 2! Thank you sa pagsama mo sa magulong samahan ng ELF!

      Delete
  5. Wagas talaga mga side comments mo babae ka ha ha ha!
    dami ko tawa sa escalator, magic sarap at ano-ano pa.
    mas ok talaga mamasyal kung san ka comfortable kahit walang kasosihan di ba?

    yay! I saw my new blog sa roll Tats ako! mamaya maglalagay ako blog roll. THANKS! Happy 1st of July & a blessed Sunday sayo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong side comments?Lol! Oo, mas masaya mamasyal dun sa mga normal na mall, hindi yung halos lahat ng boutique may sariling pinto, hehe!

      Alam mo naman ako, may pagka-stalker kaya mabilis makasagap ng chismis! Nakita ko yun comment mo kay Mamu Joy sa blog nya, kaya nalaman ko na may bago kang blog, kaya pinakialamanan ko na! hehe..

      Delete
  6. THANKS for the blog roll add :) Will add u back!

    ReplyDelete
  7. HAHAHA! kaaliw... buti nalang ndi kayo naligaw nako! ECHOS! pangmayaman talaga eh noh? hehe... at least enjoy naman po kayo :D

    minsan talaga nakakaranas tayo ng ignorante moments, hehehe... ganyan din ako eh :D chos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay grabe talaga mare, muntik na talaga kami maligaw! Lakas mang-trip ni mamang drayber e, after magtanong sa kanya, pinaandar yung gulong ng tatlong beses tas pinababa na kami! hahaha..

      Delete
  8. ganda nga ng amazing spider man :) may halo pang comedy lol :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! Action, comedy, love story, drama in one! Bongga!

      Delete
  9. Di pa ko nakarating dyan and Maybe I Will try Paguwi sa Pinas, kunwari mayaman din, pero Divisoria nag shopping and Sm too. Hi hi. By d way, d ka ba natakot umuwi madaling araw? D ba delikado dyan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay gusto ko yang Divisoria Trip, sasama ako sayo pag-uwi mo, hahaha! Hindi naman delikado, infairness kasi 3am na, ang dame pang tao, kala mo 8pm pa lang, at 24hrs may bumabyaheng jeep..

      Delete
  10. bagay kayo ng friend mo sa unang pic, nagselos tuloy ako ng 30 secs. charot!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! After ba ng 30secs e narealize mo na bading yung friend ko na yun?? :p

      Delete
    2. haha... natawa nmn ako dito... talagang dapat idiin n bading... :p

      Delete
    3. Sorry naman, honest lang, beki naman talaga si Zaicy e! hahaha..

      Delete
    4. ow sya pala si "Zaicy"? impernes di halatang beki. may karapatang magselos si riChie. gawin mo ng 1 minute riChie at lamang syo si Zaicy ng 30secs na kagwapuha lolz (nakisawsaw na rin ha ha ha)

      Delete
    5. Hahaha, oo lalaking lalaki kung pumorma yang si Zai e, napagkamalan nga kaming mag-asawa dati e, hahaha..

      Delete
    6. Makikisawsaw na din ako. Siya pala si Zaicy, ung nagdrawing dun sa ikaw na nahulog sa hagdan. akala ko girl sya. kasi naman eh, bakit Zaicy?

      err, Zai... peace tayo 'dre.

      Delete
    7. Hahaha, in demand si Zaicy! Siya nga yun artistic na nag-drawing! "Babae" nga kaya Zaicy, hahaha!

      Delete
    8. hmmm, wala na ako masabi. sya na ang ....

      Delete
    9. ako na talaga! haha :) hi everyone!

      Delete
  11. nice post ! it looks like you guys had a good time and enjoy each other's company.

    xo Sam

    http://fabulouspetite.blogspot.com

    ReplyDelete
  12. Nagugutom ako sa sweet sausage na yan. na mi-miss ko talaga mga pagkain sa atin... lahat masarap, larawas nyo maganda den..enjoyen nyo ang weekend. take care

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masarap talaga food naten dito! Sinful nga lang.. Thanks!

      Delete
  13. ginawa mo p akong kaladkarin? ikaw BI nmn.. :p

    haha! luvyah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow, maka-BI ka naman jan? Tinuruan ba kita mag-inom? mag-drugs? Hindi di ba?! Good girl kaya ako! Ubusan lang ng yaman ang peg ko, hahaha!

      Delete
    2. grabe... kapag BI, drugs, inom agad? :p

      addictive din nmn ung mga pangkakaladkad mo ah.. hehehe...

      Delete
    3. Bad influence.. bakit bad ba mag-gala at magsaya?? wrong term yan, che! hahaha..

      Delete
  14. ang saya-saya naman talaga barkadahan nyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masaya talaga! Join ka minsan.. :)

      Delete
    2. ayun, alam ko na talambuhay ni Elf. gumala ako sa blog ni Tropang Ina.

      Delete
    3. Naku, ang haba ng talambuhay namin, pasensiya ka na! Thank you! :)

      Delete
    4. Ay, nabasa ko comments mo sa blog ni Nic, palipat lipat pala ang naging peg mo dati! Kahit walang super tropa, you can always find new friends! Cheers!

      Delete
    5. oo nga, palipat-lipat. ang ending..... wala talaga ako naging ka-close. pero tama ka, marami pa rin naman darating na mga bagong kaibigan.

      Delete
  15. Di ko pa na-try kumain sa Bon Chon. Actually last time dapat dyan kami kakain kaso puno na kaya sa iba na lang kami kumain. :)

    Na-excite naman ako sa Spiderman. Gusto ko na tuloy siyang panuorin. :D


    http://spoonfulofstories.blogspot.com/

    ReplyDelete
  16. Ganda pala sa eastwood! mkapunta nga dyan pg napadpad ang promdi sa maynila :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maganda nga teh, sowsyal na sowsyal! Hahaha, kami din promdi.. from the napakalayong province ng Rizal! :)

      Delete
  17. Wahaha.. dami kong tawa. Para sa akin, ang EASTWOOD = OPISINA. Hehehe. Never akong nagshop ditey. Mahalia Fuentes. Ipapaubaya ko na sa SM ang pagbili ng kung anu-ano. Hindi masaya ang Bonchon. Masaya lang yun kasi kayo ang kasama ko. Bwahaaha. May 2 options na kami para maka-love team mo.. si Zai Moonchild o si Rowie. Take your pick.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama, pang-SM lang din shopping mode ko!

      Hello?! Baka masuka si Zaicy saken pag pinilit naten siyang maging ka-love team ko! hahaha..

      Delete
    2. pengeng candy, nasusuka na me! chos! :)

      Delete
  18. nice photos! poor me, haven't tried bon chon yet :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahm, di naman din bongga ang BonChon, pero try it still, baka iba experience mo.. :)

      Delete
  19. Sabi ko sa sis ko di ko feel sa Eastwood mag shopping kasi wala namn ako mabili! Wala kasing pangbili. hihihi! Nag food trip kayo ha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din,parang walang mabibili dun, although may mga shops na normal, iba talaga ambience, hehe.. Oo, more kain kami, takaw lang..

      Delete
  20. Sarap ng may barkada talaga. I miss this kind of gimmick. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lalo na pag kasing kukulit naman ang kasama, masaya talaga! :)

      Delete
  21. TKNT! Pangmayaman,sabagay mahirap nga pumunta dyan, ingat ingat sa escalator teh :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, may phobia na nga ako sa mga stairs e, yun normal na hagdan nadapa ako, tong escalator pinahiya ako, tsk tsk..

      Delete
  22. Patok ang escalator experience mo! Dami ko tawa!! lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mabuti naman napatawa kita.. pina-iyak mo kasi ako sa post mo.. :(

      Delete
  23. wow, sweet. minsan gusto ko talga ng mga ganitong eksena eh. haha.. di naman pang mayaman ang eastwood. astig lang kasi dun kasi malinis at maraming gimikan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, joke lang naman yun, di lang kami familiar sa place, kaya hirap mag-ikot, puro pa kami walang sense of direction.. buti yun mga dun nagwowork e naitour kami.. thanks sa pagdaan..

      Delete