Saturday, August 4, 2012

Googly Eye!

Pak na pak!

Ang blush-on ko kahapon! Haha.. Magkikita kami ni Zai sa Robinsons Galleria kahapon para manuod ng Brave, at later ay manuod ng The Healing with Empi. Pagsakay ko palang sa bus, alam ko ng tinitingnan na ko ng cast, bongga kasi ang blush-on ko. Trying to achieve an Anne Curtis look kasi, kaya nag-nude lipistik ako. Ang ganda ko, grabe! Chocnut! Kinilabutan ka sa confidence level ko no? Pero dahil blog ko to, wala kang magagawa.

OA ang traffic kahapon.  Nasa magkahiwalay na bus kami ni Zai, pero parang naghahabulan kami at may time na nag-abot pa kaya kaway-kaway kami sa isa't isa. At kahit mag-isa ako sa bus ko, todo smile ako. Maya maya, may estudyante sa ibang bus na kumakaway din saken, natawa na lang ako. Tas may koya na pahinante ng truck na kumaway din saken twice, nahiya na ko. Balik suplada look na.

O napicturan pa pala ako ni Zai
Hindi na kami umabot sa sched showing ng Brave, kaya Ice Age 4 na lang watch namin ni Zai. Gutom kami pareho kay nagtake-out kami sa mcdo. Talented si Zai, kumain ng spag sa loob ng sinehan.

Enjoy ang Ice Age, ang dame naming tawa. Favorite character namin yun lola ni Sid at ang kanyang "imaginary" friend na si Precious. May lovelife na si Diego, buti pa siya, char! Ang favorite line ko sa movie ay "You never leave a friend behind".

from google images
Sakto yun tapos nun movie e parating na si Empi. Ni-treat pa nya kami sa KFC, sayang wala ako gana kumain, bucket sana inorder ko, charot! Thanks Marky! 7:35pm pa yun The Healing R18, so naka-ikot pa kami ng slight sa mall.

First time kong nanood ng horror sa sinehan. Takot kasi ko. Pag nanunuod nga ako ng horror sa bahay, dapat broad daylight at sa sala namin para may kasama. Buti na lang at 2 kasama ko, at ako sa gitna, at may nahihila ako magkabila pag nagugulat, haha!

Pero na-enjoy ko yun movie. Oo, nakakatakot! Pumipikit talaga ako pag sa mga madugong eksena, haha! Pero aliw din siya. May halo din kasi itong comedy, favorite ko naman yun tatay ni Vilma Santos. At katuwa din ang mga kasama namin na audience, very responsive sa pinapanuod, so hindi lang ako ang sumisigaw sa sinehan, haha! Palakpakan pa sila nun natapos na, saya!

Empi, Zai & me - after katatakutan look
After ng movie, nag-ice cream kami sa DQ at nag-picture para may souvenir. And then, bye bye na. Naging mababaw ang tulog ko kagabi, naka-ilang gising ako, takot pa rin si subconscious, haha!

Yun lang.. Happy Weekend po!


*pics c/o Zaizikels

58 comments:

  1. Ang saya. It's been ages na since we went to the movies. Sa bahay na lang kami nanunuod kasi nakakatipid. Hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paminsan lang din naman ako mag-movie, masaya din! Though, masaya din sa bahay kasi comfy..

      Delete
  2. Panonoorin ko ang Ice Age 4....anong pangalan ng bus iyang sinakyan mo na napicturan ka..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganda ang Ice Age kaya go! RRCG po yun bus? bakit?

      Delete
  3. huwaw ang daming fans na kumakaway ah..dapat kinawayan mo rin with matching flying kiss lols...bakit nga ba googly ang eyes nila?..eeeerrrr....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, hindi ko kinawayan yun iba, si Zaicy lang! katakot yun eyes da ba? haha..

      Delete
  4. nice2 nagenjoy tlga kayo, buti pa you may time for movies ako wala na hehe :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. bakit naman wala? treat mo sarili mo paminsan-minsan! :)

      Delete
  5. sarap basahin ng nga entries kagaya neto. ang light lang pero sobrang enjoy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganyan dapat ang life, light lang at enjoy! :)

      Delete
  6. gusto ko yong rolling eyes. haha

    ReplyDelete
  7. mukhang maganda yung feedback sa the healing ah. anyway..sarap naman pasine sine lang. =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. watch mo beh, maganda siya.. pero kung matatakutin ka rin, hanap ka kasama =D

      Delete
  8. horror movie!?! aww, kahit forever na kami di magkita ng sinehan ok lang...hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. teka, PS lang din: a naman ang answer di ba gurl? in love at busy....sa date! heheh...

      Delete
    2. ay hindi ako inlove, kahit sa date, lol! in fairness, nasurvive ko first horror movie ko so keri mo rin yan sis!

      Delete
  9. wow bonding :) well, nasa water world pa ako eh... walang gala moments ang buhay. hangtaray ng pic sa bus :) ganda :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganda? ko? thanks! haha.. nakow, wala pa ring tigil ang ulan, pano na social life mo nyan?

      Delete
  10. ang saya saya! dapat tuwing may horror manunuod tayong tatlo ha! labshu!

    ReplyDelete
    Replies
    1. labshu two marse, hehe! onga, di pwedeng tayong 2 lang, pareho tayo duwag, haha!

      Delete
  11. hahahaha. aliw much ako nagbasa!
    naimagine ko po kung paano po kayo magkaway sa bus... parang masaya lang.
    Lakas po makahatak ng fan ang blush mo teh, hehe

    papanoorin sana namin ng friend ko ice age 4 pero hindi nakaabot kaya the dictator nalang :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. naimagine mo bang mukha akong abnormal?haha.. true, ang blush ang highlight of the day! san kayo nanuod?

      Delete
    2. hindi naman ate, parang masaya lang..
      dito sana sa SM baguio..

      ahaha.. talagang binalikan ko pa
      talaga itong post ate, para magcomment ulit ^__^

      Delete
  12. WAGAS ka Juana! pati sa bus may picture ka! nag-hire ka ba ng paparazzi??? lolz!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Zaicy kasi ay natural born na paparazzi, haha..

      Delete
  13. sounds like you had lots of fun with your friends. your antics are always funny and you are adorable !

    xo
    Sam

    http://fabulouspetite.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup, because i have a crazy set of friends, lol! thanks sam!

      Delete
  14. What a funny happy wekend:) AKo rin takot manood ng hooror movie, lalo pag mag sia ko sa bahay. Feeling ko, nagkakaroon ako ng multong kasama dito pag nanood ako. SO, love stories na lang. hi hi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan din feeling ko mommy joy, haha! Ayoko rin ng love story dahil wala akong lovelife, joke!

      Delete
  15. may paparazzi ka na ! astig! kaw na tlga hahahahahaha :) gusto ko panuoring ung brave :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako din! sa off ulet brave naman.. o kaya sama ako sayo kasi mukhang may ibang ka-date si Zaicy, haha!

      Delete
  16. Pouting lips ang peg mareng jo ha. Andalas ng date nyo kaaliw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha, hindi sinasadya ang pout, biglaan ang pangyayari! every week may date dapat! haha..

      Delete
  17. enjoy talaga ako sa blog mo sis, wow sa Diego may lovelife na hehehhe...di ko pa napanood ang Ice age 4, di ka pala pwede dito sa bahay namin sis kasi puro horror ang pinapanood namin everyday..bwhahahahha...sanayan lang yan sa totoo lang....mas exciting nga ang horror kaysa ibang movie sa totoo.Happy weekend...enjoy your day.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Happy Sunday sis! Puro horror talaga everyday? Lalo ako ma-prangki nyan, haha!

      Delete
  18. Gusto kong panoorin ang the healing pero was like ng mga friends ko, mga duwag hehehe.
    Inaantay nmin ng anak ko brave, sana palabas na sa ilocos soonest:))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, ayoko rin naman ng the healing talaga, napilit lang ako nun 2.. watch nga tayo brave, baka maging brave pa ko! :)

      Delete
  19. hahaha. great sunday! pero ayoko ng horror...di ako nakakatulog sa gabi.. :)))
    --blogwalking here

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masaya naman pala manuod ng horror, basta may kasama!! :)

      Delete
  20. ikaw na ang may dalawang date! taray! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Group date between friends lang, ikaw naman! :)

      Delete
  21. Naloka ko sa peg, Anne na Anne! at may picture pa sa bus! Excited rin ko manuod ng sine, free from our co. kasi nga nag celebrate ng 40yrs. Ayun makakalibre ng isa. Ayy movie pero bet namin ng ofcmates ko stepup o the healing... gusto ko matakot eh! hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ambisyosa lang sa Anne di ba? Wow, libreng movie tickets, i like!

      Delete
  22. Mukhang napakaganda ng the healing pero napasabay sa rainy days kaya di masyadong nagclick no, andami mong nood teh!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko sure kung nag-click o hindi ang the healing, haha.. ansaya manuod e!

      Delete
  23. Nice dear Your blog information is so good and article is so good I like your blog.

    Web design india

    ReplyDelete
  24. Too many people are talking about the Healing, maybe I should watch it too. Thanks for sharing! :D

    ReplyDelete
  25. ganda hehe knti lang nakakapansin nung color coordination astig pagkakagawa....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napansin ko din, pero ang color coordination ay walang kinalaman sa story line, haha

      Delete
  26. sarap buhay panood nood nalang ng sine. ang ms masarap dun puro libre. HAHA!

    wag na mainggit kay diego, me lovelife ka na rin naman e. :P

    P.S. gusto ko ang confidence level. keep it up! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. At sinong nagsabing libre?? haha! Wala pa akong lovelife ah! ;)
      P.S. Sayo ko nakuha ang confidence na level up :)

      Delete
  27. Galing naman ni Zai kayang kumain ng spaghetti sa loob ng sinehan! Buti di nalalaglag spag ni Zai pag sumisigaw ka. hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naubos nya yun spag in no time, di pa start ng movie e ubos na, haha.

      Delete
  28. Hahahaha. Kaway kaway sa bus. Laftrip. Hahaha.

    Unusual facts via twitter said na if nagigising ka ng 3am, 90% ay may "someone" that is staring at you. Ito ang reason ng pagkaparanoid ko nowadays coz nagigising ako ng 3am. Hahaha.

    I don't watch horror movies kasi lumilipad ang imagination ko. Feeling ko nagiging katabi ko yung mga karakters sa movies. Hahaha.

    Nakakainggit talaga ang mga gimmicks nyo. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. 3am? hindi ko napapansin kung ano oras ako nagigising, sana naman e hindi 3am, hahaha. Ayoko rin naman talaga ng horror, napilit lang ako. haha.

      Delete
  29. Natuwa naman ako sa pakaway-kaway story mo haha.. kakaway talaga mga strangers sa iyo, nasa bus ka eh : )

    ReplyDelete