Paminsan-minsan, ang sarap malasing no? Hindi yun lasing na lasing. Yun tipsy lang. Yung tamang kulet lang. Yun puro kayo kalokohan tapos tatawa ka lang ng tatawa sa mga nonsense na bagay. Yun tipong maalala mo pa un mga kabobohan na ginawa mo tas matatawa ka na lang ulet.
Sabi ko pa, "hindi ako lasing!". Ayoko pa magpahatid sa bahay e. Pero hinatid pa din ako ni Rowie. Tas nun naglalakad pasakay ng tricycle, tumingin siya sa relo nya, tas sabi nya "maaga pa". Tas tumingin din ako sa wrist ko. At naisip ko "sh*t, wala ako relo!". At never naman ako nag-relo. So yun tinanggap ko na na lasing nga ako. Ng konti, haha.
Derecho na ko sa kwarto ko. Higa agad sa kama. Nakakahilo. Take note, 2 tanduay ice lang nainom ko! Dalawa lang talaga unless tama yun hinala ko na may nagdagdag dun sa iniinom ko. Kung tama yun, ang bad nyo, lol.
In fairness, enjoy naman. Lalo na kung stressed ka. Yun pag andaming maliliit na problema tas nagkasabay sabay at nagkasama sama, isang major stress factor na. Mas stressed pa kesa sa trending na hitsura ni Charice sa X Factor, na ni-compare kay chaka doll este kay bride of Chuckie ata yun. Sino nga ba nagpakita saken nun pic na yun?
Oh, hindi ako lasinggera! Very seldom ako uminom. At birthday lang ni Lori kaya we needed to celebrate. At remember, pag medyo tuliro ako, extraordinary ang lakas ko sa pagkain. Kumakain ako ng pork budbod (fried rice topped with pork) kasabay ng hawaiian pizza. Pareho kasi masarap, nalito ko kung ano unahin, kaya pinagsabay ko.
Sa El Pedro's Grill pala kami kumain. At masarap yun food. Especially, yun pizza. Maniwala ka na masarap dahil lasing yun nagsasabi, haha. Pero masarap siya talaga, promise! Naalala ko kasi dun yun favorite kainan namin sa Antipolo dati na nagsara na.
Bago pala kami nagpunta sa resto, nagswimming muna kami. Ang itim ko na, grabe na to. Tatlong layer na tan lines ko. Hahaha, naalala ko yun mga nagsi-swimming sa pool na naka-hooded jacket at hat. Lakas maka-laughtrip, haha.
Inaantok na ako kaya next time ko na ikuwento yun swimming namin. Antok naman na ko talaga kanina pa, tas naisip ko magpopost ako kasi baka makalimutan ko na bukas, tas ngayon naman antok na ko ulet. Gulo no? Pero I'm sure na na-gets mo kaya good night na! Mmwah!
hahaha! ang dami kong tawa... lashing nga din yata ako ng slight... hahaha!
ReplyDeletethanks friend! luv yah! mwah!
nakakapagcomment pa ako so ndi pa ako lasing! nytie! mwah!
Leche, hindi ka pa lasing nyan e parang inangkin mo blog ko at ikaw nag-reply sa mga comments, wahaha! ikaw ang nagdagdag dun sa iniinom ko no?!
Deletehaha!nakikita mo kaya na dinagdagan ko... kaya nga kmi tawa ng tawa nila rowie eh... :p
DeleteIkaw nga! Adik ka! Paanong nakita ko? Hindi kaya!!
Deletehappy birthday lori!!!
ReplyDeleteat very good kay rowie sa paghatid sa batang in denial na lasing na sha. hahaha.
mabuti na lang umayos si zaicy pauwi dahil hindi ko talaga sha keri.
nytnyt ladies! mwah!
thanks sasa!
Deletevery good sa inyo ni rowie at kineri nio ang dalawang lashing! hahaha!
Hahaha, bwisit much siguro si Rowie saken, nagkaroon pa siya ng alagain. Lasing din siya, naalala ko kasi ask ko siya "9 na?" tas sabi nya "anong 9" paulet-ulet kami, usapang lasing, hahaha..
Deletehindi n nga nya inubos ung iniinom nya di ba? kc parang masakit n yta din ulo nia or sumting...
Deletehahaha! okay lang yan ate paminsan minsang magkaroon ng tama. hehe... aliw ako sa kwento mo, na-miss ko na malasing.. hehehe
ReplyDeleteTara, inom tayo, haha! Jan sa Baguio ako unang nalasing e, dahil sa Soju, naalala ko lang..
Deletetara po! hahaha. memorable place.
Deletehindi ko alam ate ang soju?? (paseynsya) hehe :P
hahaha!..ang kulet mo na pero mas makulet ka pala pag lashing..post pa lang ah hindi ko pa alam yung sa personal hihihi...
ReplyDeleteay naku! ang saya ni Joanne kasama pero mas mapapatawa k nya kapag lasing... hahaha!
Deletemula nung nalasing sya nung nsa Baguio kami parang ang sarap n nya lasingin ng paulit-ulit... hahahaha...
O sige Lori, ang saya mo, haha! Ay Sis, laugh trip lang naman peg ko pag lashing, hihi.
Deleteahaha..bet ko yang laughtrip pag lashing ganyan din ako eh tapos nagiging englishera hahaha! parang gusto tuloy kita makalashingan lols!
Deleteay bet din kita makalashingan, haha.. hindi ako nagiging englishera pag naka-inom, mahirap yun lashing at nose bleed at the same time, haha
Deletekaya nga bihira ako malasing eh!hahaha..nalilito ako.. si Lori ba ay si Anne at si Anne ba ay si Lori at paano nangyari yun?hehehe...
DeleteSi Lori ay si Anne at si Anne ay si Lori. Siya si Lori Angela, minsan Loanne, gulo nya no?
DeleteLoanne sounds like Joanne hehe..ok now i know :)
Deleteomg you were drunk marse? ewie! haha!
ReplyDeletehindi ka sinama sa drinking spree? hehehehe
DeleteKasama namin siya, kaming dalawa kaya ang nagpasaya sa kanilang lahat!
Deletemaka-ewie ka jan Zai.. eh isa ka pa... :p
DeleteAnong meron at naglalasing? :D
ReplyDeleteWala lang po :p
DeleteYii :)
Deletehahaha, natawa naman ako sa yii..
DeleteHahaha. Natawa ako sa post na ito. Cheers. Kampay!!! :)
ReplyDeleteKampay!!! hahaha..
DeleteHahahaha ang cute mo sigurong tingnang lasing hehehe.
ReplyDeleteGusto ko din yang tanduay ice, yan lng din ang carry ko pero minsan nakikiinom din kay hubby san mig light hehehe.
Alam mo ba kpagmnag aaway kmi di ako makatulog kaya iniinom ko mga stock niya sa ref, sabagay bihira nmn mga once in every 3 months hehehe.
Ayoko ng kahit anong beer e, puro pait lang, eew! Haha, arte. Akala ko nga magiging mahimbing tulog ko pag nakainom, hindi rin pala.
Deletebuti hindi ka nalunod sa alak.. hehehe peace..!
ReplyDeletehindi naman, konti lang naman e
Deletehinde may relo ka tlga . pramis ..hehehe .. nawala mo nga.
ReplyDeleteako ata ang lasing eh :p
Nawala ko nga ata e, haha, pareho tayo lasing?
Deleteinom tayo, san miguel beer....
ReplyDeleteyuck, ayoko ng beer, haha..
Deletehaha oo nga po bakit kasi beer??? hehek!
Deletegusto din kitang lasingin ng pag ibig ko! Dyok! hehe. Masarap naman talaga uminom lalo na mga close friends mo kaharap mo. :)
ReplyDeleteHahaha, bet ko din malasing sa pag-ibig, charot! Tama, hindi naman ako umiinom ng hindi close friends kasama e.
Deletedrink moderately, smoking kills, tOinks!
ReplyDeleteYes marj, drinking moderately and not smoking po!
Deleteagree kay Gracie, drink moderately, siguruhing makakauwi pa, hehe! na-try ko malasing once at sinumpa ko na sya, sakit sa ulo..never again, haha!
ReplyDeleteHindi naman ako magpapakalasing na tipong di ko na kakayaning umuwi, haha! At gang 2 bottles lang ako, promise! :)
Deletehahahaha..buti nga sa'yo inom na tamang trip lang..ako twice kong naranasan na akala ko ang inom namin ay tamang trip lang pero yung pala nauwi sa bangenge-an hahaha...nalasing ako at talagang gumapang ako sa kalasingan..Ikaw ba naman ang di lasenggero tapos napadami ka ng inom ng di mo namamalayan kasi sarap na sarap ka sa mga usapang walang katuturan din...ayun kaboom....di na ako makatayo. Di ko na inulet yon...sama..di naman talaga ako lasenggero hahahaha...naubusan lang ng bala kung paano tumanggi sa mga kaibigan... hehehe..followed your blog already and thanks for the visit.
ReplyDeleteHindi rin ako lasinggero no!! Haha, guilty, char.
DeleteRandom blog walk :)
ReplyDeleteMasarap malasing once in a while, basta wag lang palagi lols :D
Tama po!
Deletesheno lasheng? hek!
ReplyDeleteIkaw? lol
Deleteahahaha ako rin dalawang bote lang ng tanduay ice tipsy na ko pero kaya pang uminom mga ganyan. nakakatawa lang nagawa mo pang magblog kahit lasing ka na?ikaw na!=D
ReplyDeletedinagdagan daw pala nila yung baso mo kaya pala nalasing ka. hihi
Haha, na-hyper ako sa tanduay ice, kaya nakapag-post pa, haha
Deletehahhahah, pinasaya mo talaga ako sa post mo...bilib talaga ako sayo.BTW- enjoy your life being single..sa totoo lang tama yong ginagawa mo, basta know your limitation lang..ganun din ako noong dalaga pa ako, yong tipo tipsy gusto ko...buti nga sa grupo nyo walang umiiyak sa amin mayroon grave ang drama..at tawanan kinabukasan..hehhee...
ReplyDeleteWahaha, buti nga walang mga drama princess samen, puro kami tawanan lang, haha.
Deletenakkaatawa naman yung sign na lasing ka haha wala kang relo... loka ka talaga aning...
ReplyDeletehindi ba lasing yung tumingin ng oras kung wala naman relo, hello! haha..
DeleteDapat talaga may limit! :)
ReplyDeleteHangkulet! Hehe. Nung bata pa ako (parang jutanders na jutanders ang dating eh no) ganyan din lang ako.paminsan-minsan tipsy-tipsy-han ang drama hehe tapos puro laugh trip. Parang lahat nakakatawa eh no. Tapos parang lahat ang sarap asarin pero ang hindi ko alam ako na pala ang inaasar hehe.
ReplyDeleteFun post!
Spanish Pinay
Dedma lang sa asaran basta walang pikon sa grupo para lahat happy, hehe. Thanks!
DeleteYes, naitindihan naman ang kwento mo, i guess hindi ka naman lashing ng itype ito. hehe joke! anyway, basta occasional lang at hindi sobra-sobra ok lang.. wag lang magda-drive para safe : )
ReplyDeleteWala naman po akong ida-drive, hehe..
DeleteDream come true kapag nalasing ako until sumuka. Gusto ko yun. lol dalawang tanduay ice lang? ano kayang inilagay nila
ReplyDeleteAww, ayoko umabot sa point na sumusuka na, haha! Hindi naman kasi talaga ako umiinom kaya konti lang lashing agad :)
Delete