At dahil dito nagsimula ang ELF, we all decided to attend the event. At mas na-excite ako dahil sa.. "If you're single, be ready to mingle".. Chos!
Dumaan sina Rio at Joana sa house ng maaga para makapagpaganda muna kami. Pinilit namin si Joana na mag-dress at nagpapilit naman siya! Nabadtrip tuloy si Lori and her famous line is.. "Sino ba naman ang gustong mag-mukhang tanga na siya lang ang naka-jeans at naka-dress lahat ng kasama niya.. blah blah blah.." Pag naka-jeans mukhang tanga agad, hindi pwedeng wala lang dress? hahaha!
Me, Chin-chin kulit, Joana and Rio sa bahay |
We then went to Red Ribbon to buy a cake as pasalubong and to wait for Stacy. Smart casual ang attire sa party at pauso ng batch dos (kami yun!) na mag-eyeglasses.
Eyeglasses + Braces + Curly Hair = Betty La Fea a.k.a Ugly Betty :D |
We then met up with couples Nic and Mic and
Pag dating, pinuntahan agad namin sina Kuya Arnel at Ate Lisa na parang mga hindi tumatanda! They own the store across the school. Dun kami kumakain at tumatambay dati. Dun din ako nakikipaglaro ng hide-and-seek sa anak nilang si Joshua. At inaanak ko rin ang bunso nilang si Jeremiah who was just two years old nun nag-graduate kami.
Kuya Arnel and Ate Lisa made this collage! Hanapin nyo ang ugly duckling na ako :) |
Kuya Arnel in red, Ate Lisa in black shirt and my inaanak who's now 11 years old.. woah!! |
And here's Joshua! Inseparable kami dati.. ang laki na nya! Feeling ko tuloy ang tanda ko na! |
Hinanap ko din sina Nanay at Tatay (ni Kuya Arnel) dahil super close din ako sa kanila. Hug ko agad si Nanay pati si Tatay, tapos kamustahan to the max! Katawa si Tatay, after kong chumika sa kanya, tinanong niya sina Lori, "Asan si Joanne?". Hindi pala ako nakilala, hehe.. Pero touched pa rin ako kasi hinanap niya talaga ko!
Sinundo na kami ni Engineer-Manager-Batch Dos Salutatorian Rowie para makapag-register na dahil na sa kanya tickets namin.. By the way, Rowie came in early in prep for the event dahil member siya ng Publicity Committee ng Alumni Board of Trustees (ni-research ko pa yan ah, haha!).
Good thing, Rowie was able to take pictures of our school nun maaga pa! This picture made me all nostalgic.. reminded me of the 9 years or so ago when we were referred to as the "Scholars ng Bayan".. this is the quadrangle where we used to sing the National Anthem, Rizal Mabuhay and RISCI hymn every morning.. and where we attended several acquaintance parties, disco balls and ofcourse, the JS Prom!
Enough of the drama, lol. The night was filled with trivia and speeches.. And music and dancing!
It was fun seeing our teachers again! And they too are not getting old! May fountain of youth ata sa RISCI e..
Madam Sangga-Physics Teacher My favorite teacher then and the reason why I loved Physics so much! Great motivator, very smart and energetic magturo! |
Sir Venus P.E. Teacher and CAT Commander Naalala pa kaya niya na nahilo ako dati sa formation kahit nakatayo lang naman kami.. Best in Anemia kasi ako dati, haha! |
Madam Delos Santos -Earth Science Teacher Madam Earth Science tawag namin sa kanya ni Lori, haha! |
But ofcourse, the highlight of the event was the reunion of old friends and batchmates! Some even came with their partners. Andami nagsabi na pumayat daw ako.. so chubby pala ako dati?
Thank you pala sa food na dala ninyo dahil hindi nagutom ang ELF! Ambest nyo! :D |
Souvenir from the photobooth |
Batch 1 |
The night ended with a fabulous display of fireworks! Napa-wow talaga ako! Thank you to the Pioneer Batch and to all officers of the Alumni Association for making this event a success and really intense! Job well done!
And thank you RISCI for all the wonderful memories, the lessons learned.. and siyempre pa sa pagkakabuo ng EverLastingFriends! ♥
Special Thanks to Rowie for the pictures!
P.S.
Siyempre hindi nawawala ang P.S. sa mga posts ko!
Since halloween ngayon, why not watch the featured ghost story ng RISCI sa Saksi? Dati kasing sementeryo ang RISCI, at hindi yun chismis lang.. dahil nun first year pa lang kami, habang ginagawa pa yun ibang classroom building, e nakita pa namin yun mga lumang nitso at tira-tirang buto sa school grounds!
Click here to watch the video! Hindi ko pa napanuod ng buo yan, natakot ako e! Haha! I-kuwento nyo na lang saken!
Happy Halloween everyone!
At Happy Birthday dear blogger friends.. Kulapitot and Pretty Hash! :D
kinilabutan nga ako dun sa video na un friend...
ReplyDeleteat talagang sinave mo ung text ko para mailagay dito ah... winner ka tlg... papunta palang kami ng muzon nakasabit na ung asawa ko... wawa much...
ayaw mo tlgng gamitin na RNSHS March ung Risci Hymn ha... :p un naman tlg title nun... nag-effort pa ko tignan... hmph!
dahil ako unang nagcomment... dapal may special prize... ok na skin ang libre ng movie... hehe...
DeleteMas winner kasi yun text mo, wahaha! Unforgettable, kaloka ka kasi!
DeleteHindi kasi siya "march" para saken, e pakialamera ko, kaya wala ka magagawa, haha!
Wala naman ako sinabi na may special prize ang unang mag-comment e! Poor ako ngayon friend, next time na ang libre..
hindi ako ang naunang magcomment kasi walang prize. whahahaha (evil evil) lol :P
DeleteYabang.. porket may prize ka kay sis Hash e! haha
Deletedapat kasama yung sleepover natin kila lori. hahaha
ReplyDeleteAng haba na kasi! Napagod na ko.. to follow na lang ang mga sumunod na kabanata, haha!
Deletemaya ko na watch ang video... pero natawa ako sa betty la fea hehehe
ReplyDeletepero cute ka naman ^__^
Nakaka excite nga ung ganyan... masaya na magsama sama kayo.... ma meet ang mga old prends hehehe at pati na rin si teacher...
ANg saya nyo sa mga pic hehehe
Haha, kesa iba pa magsabi e ako na lang manlait sa sarili ko, haha!
DeleteAnsaya nga, ngayon lang kami nakasama sa reunion ng high school e :)
masaya nga yan.... ako nga di pa nakaka attend ng ganyan... nagkaroon kami kaso nandito na ako sa KSA..... masaya talaga yan....
Delete^___^
Kanina lang ay pinag-uusapan natin ang classmate mo. Hinanap ko talaga si LA at Arianne. Wall photo nakita ko si LA. Si Arianne diko makita. Umattend ba yung dalawa nayun. hehe. Nakakamiss talaga ang highskul life :) Lakas makahighskul :P
ReplyDeleteSi LA lang yun andun, pero medyo late na dumating e, wala naman ako pic with her.. wala si Arianne e.. Ansaya! Small world talaga! :)
DeleteI love reunions!
ReplyDeleteang sarap ng feeling na makasamang muli ang mga dating kaklase at kaibigan.
Sa batch namin pag nag-reunion para walang issue sa outfit it's mandatory to wear the official reunion shirt. Kesehodang naka-Rajo Laurel na gown ka pag dating mo sa venue ipahuhubad sayo at mag-t-tshirt ka lol.
Masaya nga sana kung meron din kaming batch shirt, yun batch 1 at 3 kasi meron e inggitera ako, haha!
Deletedi pa ako nakaka-attend ng alumni namin....layo kasi! :)
ReplyDeleteEMPI
Me too. Ang super layo kasi. :))
DeleteEmpi, e di sa next na uwi mo, ikaw magpauso ng reunion!
Deleteevery september kasi yon e...sinasabay nila sa Fiesta sa amin. :D
DeleteAng cute mo dyan sa outfit marj. The best talaga ang hayskul reunion!
ReplyDeleteThanks mare! Ansaya nga! Dati kasi nagyaya yun batch namin e lagi di nakasama ang ELF..
Deletelove the outfit joanne. pretty girl ka ha. sweet ng face mo. bakit di mo dinala partner mo? yung sa last post mo? parang si zanjo lang ang peg nya. hehehe
ReplyDeleteBakit may pambobola sis? Wala akong pera ah? Haha.. Ay naku, pangarap lang naman yun, asa naman ako!
Deletewow...inggit namann ako dun sa sa reunion....sana magkaroon din kami...very well organized talaga...love your dress girl, and the video is freaky...:)
ReplyDeleteHindi ko pa rin na-watch yun video, kinikilabutan kasi talaga ako!
DeleteAng pretty mo teh angat na angat, pautang haha :>
ReplyDeleteKala ko naman totoo, mangungutang lang pala! hahaha..
DeleteHow come walang mention if nakita mo ang high school crush mo? :D
ReplyDeleteFrom an ugly duckling to a pretty "eligible" swan of the lake.
I was looking for my hs crush, hinanap ko talaga dun sa reg form ng batch 5, e hindi pala siya nagpunta :(
Deletelike ko ang pretty pink shoes mo sis... hehehe... buti pa kau nagreunion na kami wala pa.. laging per section ang reunion wala manlang alumni...
ReplyDeleteit's good to see na nagkasama sama ulit kau.. namiss ko rin tuloy ang mga high school friends ko...
bgay ka pala na may eye glass sis..hehehe
thanks for the greetings...
Sus, natawa ka lang sa betty la fea look ko e, haha! First alumni nga namin to e.. next year batch naman namin ang host daw, yey!
Deletedi naman ugly duckling, di ka lang kase nakangiti sa pic mo. o di ba hinanap kita sa collage, you're the 3rd one from left, bottom row right?
ReplyDeleteHindi ako nag-smile sa pic dati kasi super sungki ang ngipin ko, as in! Haha..
Deleteat may sleepover? waaa.. dami kong na-miss...
ReplyDeleteOo, kasi naman aga nyo umalis! Wala man lang tayo pic na 5 :(
DeleteI thought may lindol!!!
ReplyDeleteDumadagundong palang kasayahan! Ayos yan! Nice pictorials!!
Haha, creative nun nag-isip ng title ng program e! Thanks!
Deleteit looked you really had an amazing party. bet ko ang skirt mo girl:) thanks pala for the birthday greetings! enjoy the rest of the holidays!
ReplyDeleteThanks din sis! Ay mukha lang siyang skirt pero part siya ng dress :)
DeleteWow, now you are wearing a dress with matching shoes.
ReplyDeleteKatuwa naman ang reunion no. Me di ko maka attend ng ganyan dahil nag self study lang ko. Hi hi. Pag nag reunion sko lang attend. Msybe mga sensors sa exam . Hi hi
Hehe, minsan nagkukunwari din akong babae!
DeleteAng sosyal mo naman pala mommy, exclusive ang school! hehe..
Saya! Pretty Betty ka naman Marse :)
ReplyDeleteAng cute mo sa pic nung high school, mukha kang itlog haha :)
ANg laki na nga ni Joshua, parang may malisya ang hawak mo sa kanya ha :)
Ayaw ko din panoorin ang video, alam mo namang ang duwag ko :)
At last but not the least, mukha ngang engeng pag naka jeans lang! Haha :)
Ang dame kong tawa sa comments mo Zaicy! Mukha talagang itlog ah? Grabe ka, kapatid tingin ko kay Joshua, walang malisya yun, konti lang, chos! At isusumbong kita kay Lori!!
Deleteinfairness at standout ka sa lahat ha ..
ReplyDeleteyan tlga sekreto pag pumunta ka ng party kelangan magsuot ng colorful na damit para kita at mapansin ..
cute nung guy yung nagpapicture kayo ...
Akala ko compliment na, sabay bawi, insekta ka talaga, haha! Chos!
DeleteSi Joshua?? 10 taon ata tanda ko sa kanya no! Child abuse ka e!
woow,, looks like lots of fun :D
ReplyDeleteNaman! :D
DeleteUi di naman Betty La Fea, kung betty man mukhang nagtransform naman sa ibang pictures hehehe. Katakot makakit ng mga kalansay ah. Malamang magmumu nga yung mga yun.
ReplyDeleteUi, thank you naman, hehe.. Nun time namin, normal lang na makakita ng bungo at kung anik-anik, at least ngayon wala na ang mga buto.. mumu na sila, hehe.
Deletebuing ka talaga,Joanne kung mag describe as in bhwahaha ako parati sa post mo.pero in fairness ang ganda mo at di kita binola kasi wala akong bola ngayon at nakita kita sa collage sa ilalim sa group picture at napa seryoso and image-no smiley.hehehe.
ReplyDeleteYou know me naman, hihi.. Thanks! Puro ganyan pics ko nun highschool, kaya hindi ko ata makita mga yun e sinunog ko na ata, chos!
Deleteawww salamat po sa post, namiss ko tuloy ang risci, at ang pinas.
ReplyDeleteHey I remember you! Batch 3 ka di ba? Thanks! :)
DeleteYup :)
DeleteCool! Sana may ganyan din kami sa school someday! haha! :>
ReplyDeleteWoah. Ang porma ng alumni niyo ah! Sana may pic ka din ng mga bones dati. Hehe.
ReplyDeletepara ngang pumayat ka sis..kasi bilugan muka mo dati based dun sa pic collage ni ate lisa..kaw yung katabi ng lalaking naka-eyeglasses tama ba?hehehe...
ReplyDeletesaya nga ng reunion..nagkita kita din kami ng mga highschool friends ko noong holiday ang sarap mag-reminisce ng highschool life lalo na yung mga love team at crushes hihi...
ayoko panoorin ang video..alam mo naman matatakutin ako..
at napansin ko lang talaga..ang blooming mo ngaun sis..hmmmm why kaya? :P
may ilan akong kilalang batchmates na taga-diyan. hihi
ReplyDeletethis looks like it was a lotta fun! =)
ReplyDeletelove from the NANA girls xoxo
Sa Binangonan ka pala naghighschool. Taga Binangonan ako pero sa Morong ako naghighschool.
ReplyDelete...and I watched the video. Scary. Hahaha.
Naku di kita makita sa collage bat ganun!
ReplyDeleteMukhang nag-enjoy naman kayo sa event. Come to think of it, di pa ko naka-attend ng school reunion. It would be nice (and weird) to see all of your old classmates and teachers, and find out what happened to them.
Ang saya naman! Di ako naka attend ng homecoming namin 2 years ago ginaap. Nasa lakwatsahan kasi ako nung time na yun. Bagay sayo yung glasses! Genius na genius and dating! hihi!
ReplyDeletelooks like a lot of fun!! im sure enjoy na enjyo ka. events like that are something one shouldnt miss.
ReplyDeletesi rio ba yung katabi mo sa collage? ang saya naman ng reunion! which reminds me na meron din (daw) kaming reunion next year o.o
ReplyDeletepinanood ko yung video, hindi naman masyadong nakakatakot ;) may naexperience ka din bang kababalaghan sa school nyo?
sana makapag reunion din kmi ng aking mga high school batch minsan.
ReplyDeletelab na love ko ang girly outfit mo sis ha, super lady like:)
masaya ang ganyan..muling pagkikita ng mga nakaibigan noon kabataan pa..
ReplyDeletenapaisip tuloy ako kung maging ganito kasaya ang magiging alumni homecoming namin someday hahaha =D
ReplyDeletewow! ang sarap ng gathering na yan!!!
ReplyDeleteay matagal tagal pa ako mag gaganyan.. feels happy seeing old friends get together
ReplyDeleteAy, may allergy ako dyan sa homecoming-homecomifng na yan. Kasi yung homecoming sa amin ay puro tsismisan lang yata nangyayari eh hehehe. Nakakatuwa naman at na-enjoy mo talaga siya. Di naman halata na masyado kang nag-enjoy hehehehehe
ReplyDelete