Friday, October 12, 2012

OctoberfeAst!

Oh yes... I'm back! Did you all miss me? :D

Last Saturday was the trio birthday celebration of Rowie, Rio and Zaicy! Meeting place sa house namin para makapag-color ng buhok na theme ng celebration. I'm surprised na nagkasya ang 10 tao sa room ko..

Epic Fail - hindi halata ang purple and green hair!
Official ride namin si Sylvia, ang karu ni Mic. Derecho na kami sa Libis dahil sa Dampa kami mag-dinner at mag-celebrate!

Alam nyo naman ang peg sa dampa no? Mamalengke muna saka magpaluto.. Pero hindi kaming girls ang namalengke, um-aura lang kami para mag-picture. Sa ELF, boys ang masisipag sa mga gawaing pambabae, hehe..



Pictorial muna kami while waiting for the food.. Nosebleed pa kami ni Apple dun sa waiter.. Inglisero si Koya! Akala ata hindi kami marunong mag-tagalog..

Me with two of the celebrants - Zaicy&Rio

At siyempre kinantahan namin yun mga celebrants at nag-blow sila ng candle sa cake!


Zaicy (Oct. 30) - Rio (Oct. 12) - Rowie (Oct.1)
At kainan na!! Top 3 favorites ko yun baked scallops with cheese, kinembot na lapu-lapu in sweet&sour sauce at yun "a" for effort na ginataang crab.

Hindi appetizing yun look pero yummy!
Crispyng-crispy!
Inabot ng 10 thousand years sa paghihimay!
Scallops with brocolli, Shrimp in Oyster Sauce, Grilled Liempo, Sinigang na Hipon, Stuffed Pusit
Kumpleto ang ELF! Ansaya!

After ng kainan, lipat kami ng venue. Sa Tiendesitas naman kami for slight inuman session. Malapit kami sa stage kung san nag-perform si Ms. Cookie Chua!


Parang kainan session pala to ulet sa dami ng pulutan!
At kahit lasing-lasingan mode na, ang ganda ko pa rin no! Oh bawal ang negative reaction, sasampahan ko ng libel agad agad!


Me, Apple, Lori & Nic
Lori, bat iniilawan mo yang kembot mo?
Baka naman sabihin niyo na naman na bagay kami ni Zaicy ah!
Siyempre, hindi pa din tapos ang celebration. Nagpunta pa kami kina Lori to watch movies! Ang pinanuod namin? The Orphan at Insiduous! Nakaka-stress at nakakapagod panuorin si The Orphan, at nakakakilabot naman si man with fire on his face ng Insiduous! At kaloka pa nun pag-uwi ko, may shadow ng babae dun sa window ng bahay ni Tita ko! Ano, sinundan ako? Buti na lang at umaga na at gising na si Mama. :D



***

Last Thursday naman, nag-invite si Zaicy na pumunta sa Antipolo para ma-try namin ang cakes ng Cherish Bakeshop! 

After shift namin ng 4am, go na kami sa Mcdo Antipolo for breakfast. Then, tambay mode muna kina Zaicy kasi 10am pa mag-open yun bakeshop. Ayaw nila ako patulugin, antok na antok pa naman ako, hehe.. Parang ambilis lang din naman ng oras, gow na kami sa Victory Mall kung san kami mag-food trip!


The Beautiful Bekis - Kim, Zaicy & June
Kamusta naman eyebags?

Since almost lunch time na din naman, I ordered Pork Medallions - pork wrapped in bacon in light gravy sauce (PhP120).


Kulang sa Magic Sarap!
Chicken Sage, Clubhouse Sandwich, Tuna Sandwich at Tocilog!
Kung yun kinain ko kinulang sa magic sarap, yun Chicken Sage ni Lori e nakalimutan na talaga - in short, walang lasa, hehe! Pang-nagdidiet ata yun rice meals nila e.. Anyways, bumawi naman sila sa cakes!


Red Velvet Cake - Php50
Chocolate Chuvaness (PhP50) Nabawasan agad ni June!
Smores Cupcake (PhP45)


***

Sorry naman.. Sobrang tamad ko lang ng mga nakaraang araw.. Pag-uwi ko galing work, ang gusto ko lang talagang gawin e matulog, hehe!

Sinong naka-miss saken? Ililibre ko!


 

61 comments:

  1. ako! pwede na yung chocolate chuvaness! XD

    at sasabihin ko ulet, bagay kayo ni zaicy. lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku, patay ka kay Zaicy, sasampahan ka nya ng libel! haha..

      Hindi ko maalala yun name ng cake e, haha, gora ka antipolo, libre kita, hehe..

      Delete
  2. highly recommended ba sa cherish?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi... haha! ewan ko... for me mas panalo mga cupcakes and cake ni ate inday... :p

      Delete
    2. @arnica - it's worth a try din naman..

      @lori - hindi kaya bias ka lang towards Tita Inday? hehe..

      Delete
    3. haha! baka nga... pero hindi tlg eh...

      worth a try n din nmn.. ;)

      Delete
  3. grabe sis namiss kita ng bonggang bongga!
    bonggang bongga din dapat ang libre ah..hehehe...

    at baket ka kulot?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ewan ko nga kung bakit ako kulot.. bashta pag-gishing ko, kulot na sha ee.. hehe..

      Joke lang ang libre lalo na kung bonggang bongga no! haha

      Delete
  4. Nice events! Sige matulog ka iha. you need to rest. dont forget to send yummy pilipino foods to me:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oh I hope I can send them all to you.. After ko nga mag-blog, best in tulog na ko agad e, hehe..

      Delete
  5. Looks like a a great birthday celebration and of course all those yummy food. Makes me hungry right now ! :)

    xo
    Sam
    http://fabulouspetite.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Sam! It was indeed great because it was a treat from the 3 celebrants! :D

      Delete
  6. more more kain! :)

    tandaan ang libel na isasampa ko sa magsabing bagay kami ni Marseng Joanne! Hahaha..seriously.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.. may nagsabi pa din oh.. si Gord at si Mhie! Nagsumbong talaga ako? hehe..

      Delete
  7. ako Anne,na miss kita,saan tau rarampage,send mo na lang yang filipino food dito sa akin...di ka nga nagkamali bagay kau ni ZAicy,kilig to the bones naman si ako...hehehe.Bagay ka ng semi-curly hair..You look great on curly hair.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga? bagay ba saken kulot.. I'm thinking kung magpa-rebond ba ako or magpa-digital perm e, hehe..

      Delete
    2. oo bagay sayo, ask mo din opiniones ng mga ka friendship mo,digital perm na lang for a change,bagay sau kasi maputi ka..hehe

      Delete
  8. waaahhh!!!! miss na miss na miss na miss na miss kita! as in! sobra! ang tagal na nating hindi nagkikita eh...

    pakialam mo kung inilawan ko ung kembot ko... i just need to emphasize na meron ako, napagitnaan ako ni apple at arnica eh.. haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ililibre mo ako ha? kahit sa Pitch perfect lang... ang poor ko eh... :(

      Delete
    2. Sinungaling! Hindi mo ko na-miss, magkasama lang tayo nun isang araw oh!

      At yun libre mo, yun ng bag na ninakaw mo saken, binayaran ko kaya yun sa tita ko, hehe..

      Delete
    3. hahaha! ninakaw tlg? grabe ka naman, frend...

      miss pa rin kita o... kahit magkasama lang tau kanina... ;)

      Delete
  9. Sige na nga! --- I miss you, Joanne!

    ReplyDelete
  10. Sarap ng food! Andami! hehe. Sarap talagang mag-fudtrip! Nakakataba, hehe..Enjoy and take care always!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi nga ako tumataba.. mino-monitor ko weight ko e 92lbs pa rin..

      Delete
  11. Ang sarap naman ng food. Namimiss ko ang dampa. Sarap ng desert :) HAppy Birthday kay Zaicy, Rio, Rowie.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you daw (kahit di ko pa nasabi sa kanila, hehe!)

      Delete
  12. Hay Marj, ligawan mo na kasi si Zaicy hahaha.. miss you so much Joanne! ;P

    ReplyDelete
  13. antaba mo na ... hmm i was thinking bka malasing kayo ni zai at may mangyari.. wat u think? jaaajajajaj ..... puro kaen na kayo ..



    NAMISS KITA SOBRA! HAHAHAHAHA

    ReplyDelete
    Replies
    1. @Kulapitot - malamang pag nalasing kami, magpukpukan kami ng bote, pero malabong mangyari yun sinasabi mo, hahaha..

      @Sir - Ano, nakitawa ka na lang? speechless?!

      Delete
  14. lafang kung lafang! Kala siguro ni kuya foreigners kayo kaya umiingles! Medyo chinky eyed tatlo sa inyo baka akala taga china kayo. hihi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, ganun? Baka mukha lang kaming conyo kids, tas nun kainan na, nalaman nilang rated PG pala kami, hahaha..

      Delete
  15. happy birthday sa kanila....masaya mamalengke with dabarkads....parang ang sarap nung scallops...:)


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayun ngang baked scallops pinaka-bet ko e.. though mas masarap pa din yun scallops na kinain namin sa Iloilo!

      Delete
  16. Ako ate namiss kita.. HAHAH!
    Manlilibre na yan, hehe. Joke.

    Hapey Bartdey sa kanila. Ansaya saya naman :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Na-touch nga ako at nag-message ka sa chat box ko e.. Kelan ka mapadpad dito sa Manila? ililibre kita.. :)

      Delete
  17. belated happy birthday sa kanilang tatlo.....

    ReplyDelete
  18. HAPPY HAPPY BIRTHDAY to Zaicy, Rio and Rowie!

    HAYMEZYU juana!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I know, i know.. na-miss mo ko, hehe.. Namiss ko rin kakulitan mo e! :)

      Delete
  19. may birthday cake! hahaha. looks like fun. namiss ko tuloy mga kaibigan ko. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, thanks! I've been wanting to visit your blog but I can't find it.. please send me your url :)

      Delete
  20. Hello from France
    I am very happy to welcome you!
    Your blog has been accepted in PHILIPPINES a minute!
    We ask you to follow the blog "Directory"
    Following our blog will gives you twice as many possibilities of visits to your blog!
    Thank you for your understanding.
    On the right side, in the "green list", you will find all the countries and if you click them, you will find the names of blogs from that Country.
    Invite your friends to join us in the "directory"!
    The creation of this new blog "directory" allows a rapprochement between different countries, a knowledge of different cultures and a sharing of different traditions, passions, fashion, paintings, crafts, cooking,
    photography and poetry. So you will be able to find in different countries other people with passions similar to your ones.
    We are fortunate to be on the Blogspot platform that offers the opportunity to speak to the world.
    The more people will join, the more opportunities everyone will have. And yes, I confess, I need people to know this blog!
    You are in some way the Ambassador of this blog in your Country.
    This is not a personal blog, I created it for all to enjoy.
    SO, you also have to make it known to your contacts and friends in your blog domain: the success of this blog depends on all Participants.
    So, during your next comments with your friends, ask them to come in the 'Directory' by writing in your comments:
    *** I am in the directory come join me! ***
    You want this directory to become more important? Help me to make it grow up!
    Your blog is in the list PHILIPPINES and I hope this list will grow very quickly
    Regards
    Chris
    We ask that you follow our blog and place a badge of your choice on your blog, in order to introduce the "directory" to your friends.
    http://nsm05.casimages.com/img/2012/07/12/12071211040212502810092867.gif
    http://nsm05.casimages.com/img/2012/03/19/120319072128505749603643.gif
    http://nsm05.casimages.com/img/2012/03/24/1203240217091250289621842.png
    http://nsm05.casimages.com/img/2012/03/28/120328020518505749640557.gif
    http://nsm05.casimages.com/img/2012/03/26/1203260602581250289633006.gif

    If you want me to know the blog of your friends, send me their urls which allows a special badge in the list of your country
    I see that you know many people in your country, you can try to get them in the directory?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello! Thanks for adding me in your list! :)

      Delete
  21. Aipang international kn teh tignan mo yung comment sa taas hihi lapit na pala birthday ng marseng zai mo kain nyo ko ha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, hindi naman, nag-aambisyon lang, hehe.. Ililibre ka daw ni Zai (oh ako talaga nag-prisenta ng libre, hehe)!

      Delete
  22. ang sarap ng kaen niyo!!!!
    :D

    ReplyDelete
  23. ... seems like you've enjoyed every single minute of that trip.. hahaha.. So relate naman ako jan sa mga ganyang lakad. aheheh..

    followed yah anyway. hope you could follow back ;-)
    cutyjelix143.blogspot.com
    xOxOXO ♥

    ReplyDelete
  24. Halos pareho kayo ng posts ni Zai, lagi kayong magkasama sa mga happenings sa buhay kaya kayo nagpakakamalang magjowa eh hahaha... Oo bagay kayo ni Zai, kundi lang kayo parehong girl, bet ko kayo magkatuluyan!

    Di ko pa napanood yang Insidious na yan, pero sabi maganda nga daw. Yung The Orphan naman, kakagigil lang yung mahaderang babae haha...

    Hindi ko napaghandaan ang post na to, gutom pa ko, ayaw tuloy lalo akong nagutom sa pics ng mga kinain nyo, waaa!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Inseparable na nga kami ni Zaicy e, hahaha.. Parang gusto ko ng mag-tomboy para pwede na kami, charot!!!

      Natawa naman ako sa term na mahadera, haha, asar nga si Esther no?

      :)

      Delete
    2. Why not, kung di nya kayang magpakalalaki ikaw na lang! Hahaha...

      Delete
  25. Uy libre? Ako maam na-miss kita hehe. Pero not bad combination nga kayo ni Zaicy ah.

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, patay tayo jan, makakasuhan ka ng libel ni Zai..

      Delete
  26. buti na lang ke loveteam ako, di ako masasampahan ng libel...hehe! happy birthday sa mga friendships mo gurl, belated/advance. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Na-miss ko na nga si loveteam e, tagal na nun last na gala namin, hehe..

      Delete