Paano ako napadpad sa mundo ng blogging?
Magpapasko last year, festive ang scenario, lahat masaya, lahat excited..
Favorite month ko ang december.. Kasi umuuwi dito sa amin sina ate at kuya ko, at yun mga pamangkin ko.. Siyam na pamangkin ko, kaya sobrang gulo sa bahay, sobrang saya lagi..
Pero noon, hindi ako masaya.. Nagkukulong ako sa kwarto, akala nila puro tulog ginagawa ko.. Pero hindi ako nakakatulog, mabuti hindi namamaga yun mata ko kahit walang tigil pag-iyak ko noon.. Pag lumalabas ako ng kwarto, pinipilit kong makipagbiruan at makipag-harutan sa mga bata, pinipilit kong palabasin na masaya rin ako, mahirap yung ganun no..
Ang alam nila, masama pakiramdam ko, nagkasakit kasi ako, bulutong, bad trip lang, sabay sabay na pahirap.. Sobrang stressed na, sobrang panget ko pa..
So anong drama ko? Ano pa, broken hearted. Yung akala kong sa pelikula lang nangyayari, nangyari saken. Saklap much! Haha..
Ganito ang summary.. First boyfriend, first love, 7 years in the making, nag-propose ng kasal, pumayag ako, nag-full payment kami sa venue, magpapa-reserve na sa church.. To the highest level ang kasayahan ang lola mo..
Tapos, two days bago mag-pasko, nalaman ko na may ibang girlaloo ang koya mo.. Nadurog ang puso ko, lol! Bumagsak ang happy meter sa zero! Nag-negative pa ata, nabaliw baliw ako.. Hindi ko na iisa-isahin mga kabaliwan ko, kahiya much na na yun..
Super lungkot ko, pakiramdam ko walang nakaka-intindi sa nararamdaman ko.. Pano may maka-relate, e halos lahat ng friends ko in a happy relationship ang status, yung ibang single, hindi rin ako maintindihan..
So ayun, nag-blog ako.. dun ko ibinuhos ang mga emosyon ko, ang mga tanong ko.. Bakit ganun? Mabuti naman akong tao. Marami akong tinanggihan (naks!) dahil sa lalaking minahal ko ng todo, tapos ganun lang mangyayari saken.. Bakeet?? Ganyan ang drama ko noon, haha..
Natapos ng tuluyan ang relasyong iningatan ko ng matagal na panahon 2 days after new year. At nag-decide na rin ako na i-share sa pamilya ko kung ano ang mga pinagdadaanan ko..
At siyempre, andyan din si God na super love ako at nag-guide saken na mag-move on.. In fairness, siya yun pinaka-kinapitan ko ng time na yun, and I made the right choice.. Kaya stay positive ako..
Nun medyo okay na ako, nasawa na ko sa pagpo-post ng ka-emohan, naisipan kong gumawa ng bagong blog.. eto yun, so second blog ko na to.. In fairness, may pumatol, may nagbasa, hahaha..
Ayun lang, so now you know..
"Learn to love. Learn to forgive. Learn to forget. And Learn to live.”
**Bumalik saken ang mga alalala na yan dahil sa isang bagong kaibigan na blogger na nakakwentuhan ko about lovelife kahapon.. Wag kang assuming, hindi na ako bitter :)
**Dedicated din sa mga tunay na kaibigan ko na hindi ako pinabayaan nun time na yan :)
Well good riddance. Buti na lang before sa wedding sya nagloko kasi mas mahal ang annulment at mas mas matagal ang healing process kasi you know na nag-sabihan na kayo ng vow and all. Sa other girl na lang ang tira-tira mo. :)
ReplyDeleteYou'll deserve someone better.
Tama! God is good, alam nya na gusto ko ng happy marriage kaya nangyari yun.. Yun other girl, hayaan na lang naten siya sa buhay nya, hahaha..
DeleteAmen kay Lili!... expensive and stressful to get an annulment.
DeleteSo alam na! Wait for the right guy ang drama ko ngayon, hahaha..
Deletelagi nga ng lagi kong sinasabi, may dahilan ang lahat ng nangyayari. ayan kaya nagnyari yan dahil magkaka kilala pala kayo ni Empi! lol! But I am really so happy for you marse, though wala pang kapalit, and I know we are in no hurry, naging happy pa rin tayo despite the heartbreak.
ReplyDeleteCheers!!
Everything happens for a reason, no doubt!
DeleteHahaha, tambling ako sa comment mo! Alam mo namang older brother lang tingin ko kay Empi..
Yey, thanks marse, love you!
"ouch!" para kay empi. :))
DeleteHahaha.. hindi naman, ganun lang din tingin ni Empi saken, younger sister! :)
DeleteAnong kaguluhan 'to? Hehe
DeleteCrush mo raw ako, totoo ba yun?? hahaha..
DeleteGanun talaga ang buhay, juana...este joanne! LOL! Di na ako hihirit...*behave ako*
ReplyDeletehulaan mo kung sino ako! LOL!
Alam na alam ko kung sino ka.. ang lalaking niloko ni juana, na ngayon si "juan" na ang hanap! lol! :)
DeleteBwahahahahahahahaha!
DeletePart of life, but Thanks God na nakaraos kana. Don't wori, d best is yet to come:)
ReplyDeleteThanks Mommy Joy! The best, kelan ka ba darating? hahaha..
Deletenakakaiyak naman... chos!
ReplyDeleteaba... dapat nga pasalamat pa tau jan... dami nting laboy oh... :p
seriously, u deserve someone better... OMG, sa ganda mong yan... hehe... basta dito kami lagi para sau kahit ubusan pa ng yaman ang trip mo... :p
Hahaha, akala mo naman sponsored ko mga laboy, hahaha!
DeleteTunay ka talagang friend, haha, sinusuportahan mo paniniwala ko na maganda ako, at ang ubusan ng yaman na peg ko! Love you!
In fairness nmn frend.. You are liing your life at it's fullest now. Sana lagi kang masaya. Isa lng ang taong nawala.. Pero sobrang dami naman ng taong nagmamahal sa yo. More lakwatsa more fun! Luv u frend ^_^
ReplyDeleteI know right! Super daming nagmamahal saken.. One thing's for sure, nun mangyari yun, napatunayan ko kung sino mga tunay kong kaibigan *wink*
DeleteYan na bagong motto naten, more lakwatsa, more fun! Love you too!
Kaloka si boypren.. este ex..
ReplyDeleteGets ko ung feeling na hindi maishare sa family.. :( mahal.pa si guy..ayaw masira sa family.. gusto mo.maayos muna..kaso hindi talaga maayos.. :( oh syet nahawa ako sa drama. Haha
Ahahaha, relate much ka! Hindi naman ako nag-drama, in fairview, naalala ko lang, parang.. I remember the boy, but I don't remember the feeling anymore, haha, kumanta?! :)
Deleteerr, wag nyo ako idamay sa sisi ha. wala akn kinalaman dun dahil hndi ako ung third party nung magloko si ex mo. hihihi
ReplyDeleteanyhow, ngayong napagtagumpayan mo na unang pagsubok, ibig sabihin nun ay malakas kana. kaya pa-canton naman dyan oh.
Bakit parang guilty ka bro? siguro nanloko ka rin ng babae dati no?hahaha.. wala naman kasing naninisi sayo at sigurado akong di kaw ang third party dahil babae siya, haha..
DeleteInihaw, ayoko ng canton, spag na lang..
makiki-comment nga dito.. felingero ka Lawrence lolz! peace brother ha ha ha
Deletehahaha, lagot ka kay balut, lawrence.. hehe!
DeleteButi nga talaga nangayri ito BAGO pa kayo ikasal! I have 3 very close friends na nangyari sa kanila ang ganito after ikasal! 2 sa kanila may anak na with the guy. Hay gulo talaga at mas nakakadurog ng puso kasi may involved pang mga bata. Kaya blessing in digsuise ito for you :-) and I am really glad nalagpasan mo na! Ready na for the next? :-)
ReplyDeleteSpanish Pinay
Yup, I know na it really is a blessing in the sky, lol! Well, tingnan naten, hehehe.. :)
Deletedon't worry, next time wag mo haya-an na ma-broken ka ulit. madami panamang lalaki, hahabol sau. btw, be strong.
ReplyDeletethanks dear!
DeleteI really love this post juana (naki-juana tuloy ako lol).
ReplyDeleteit takes a lot of courage for someone to discuss publicly the darkest or lowest moments of life. but the truth is, the more you talk about it, the more it lessen the pain.
I agree with everybody na buti na lang hindi pa kayo kasal. isipin mo na lang na talagang mahal ka ni God at nagtagumpay ka sa "paghihiwalay ng nabubulok sa di nabubulok" :P
ay teka nakalimutan ko tuloy itanong... anong url nung isang blog mo? yung puro hinagpis? gusto kong basahin mga hinagpis at hinaing mo ha ha ha
DeleteHahaha, ibang tao si juana, di ako yun, masama ugali nun, hahaha..
DeleteI can talk about it now, kasi parang wala na lang.. Next time, yun darkest secret ko naman, char! wala naman akong ganun, hahaha...
Hahaha, kahiya yun dati kong blog, umo-OA lang, hahaha.. http://strayed-butterfly.blogspot.com/
hindi mo na kawalan yun na naghiwalay kau. kawalan na ng EX mo yun kasi wala ka na sa kanya. :)
ReplyDeleteI know right, hahaha...
Deletebuhay pag ibig nga naman
ReplyDeletemagulo much, hehe..
DeleteGod is really good, di ka nya hinayaan matali sa isang taong di pala karapat-dapat, and glad you're okay now. Cheers sa ubusan ng yaman na peg mo, sige lang, gala lang ng gala. ;)
ReplyDeleteTrue, ang saya kaya gumala!
Deletelove n love n love k talaga ni God.....hindi nya pinabayaang matuloy ang wedding vows nyo... kc kung ngkataon....hay!!!!!!!!! lalong masaklap... pinakawalan nya ang tulad mo...kaw n ang pinakamaganda at pinakamait n babae s earth...nagpakawala sya ng treasure.... BEH!!!!!!!!!!
ReplyDeleteat sa kanya na no name....sorry n lng sa u ikaw ang nawalan..uulitin ko BEH!!!!!!!!
love u so much sis... be strong,,be happy.. my mas deserving p s love mo.. XD
Naks! Pinakamaganda at pinakamabait? Ako na talaga! Haha, iba talaga pag sisters, nagbobolahan! Love you Ate!
DeleteKahit sa blogging world lang tayo magkakilala, I want to say this - I'm soooo happy for you now.
ReplyDeleteStay happy. :)
Haha, I'm so touched, thanks! :)
Deletehello.... isa na ako sa mga follower mo, NICE :)
ReplyDeleteyou may also follow me back.. GOOD DAY!
Hey sis, thanks! I tried to follow you but I got an error saying your profile has been removed! Can you send me your blog's url? thanks! :)
Deletenakakalungkot naman, pero at least you're doing ok na ;)
ReplyDeletenag-start naman akong mag-blog while taking care of my first baby, stay-at-home Nanay kumbaga...
Yeah, I'm a lot better now.. :)
DeleteWow, saya! thanks for sharing kung san nagsimula ang blog mo!
lahat satin dumadaan sa madramang phase ng life and syempre bilang supergirls tayo nakakarecover nmn kahit papano :) Glad you are a lot better now Jo.
ReplyDeleteNORTH PEAK X WANDER SHUGAH GIVEAWAY!!!!!!
Hey sis, thanks for sharing your giveaway! Kaso may jinx naman ako sa raffle e, haha..
Deletemoving on is the only way..girl! kaya bongga ka dyn! and change is beautiful!
ReplyDeleteThat, I figured out too.. moving on is the only plus happiness is a choice! Thanks dear for dropping by!
DeleteHay nakarelate na naman akech bakla... anyway, glad to know naka-move on kana. Baka sign yan na gamitin din natin ang ating utaks next time mare, at di puro puso lang ang pairalin amen?
ReplyDeleteTomo mare! haha.. Sabi nga ni ateng from sunny toast, moving on is the only way! True di ba? Masaya pa rin naman na gamitin ang puso e! hahaha..
Deletehi :)
ReplyDeleterelate ako dito...i know exactly what you've been through..gapang much ang ginawa kong pag-move on hehe..kaya cheers saten dahil naka-move on na tayo :)
Cheers sa mga survivors! :) thanks for dropping by!
DeleteIt's good you found out before you got married! One of my favorite quotes is this: "God gives His very best to those who leave the choice to Him! " Blessings! Patsy from
ReplyDeleteHeARTworks
God really chooses the best for us, always! That's exactly what I realized when that happened! Thank you Patsy!
DeleteSyet! Napamura ako nung nabasa ko to. Lalo na nung may ibang girl sya. I'm sure nakamove on kana ngaun. Blessings din at nagblog ka at nakilala ka namin. huhu I'm so sad talaga for u. Ichismis ko to ah. joke lang. lol
ReplyDeleteAko rin napamura noon, haha! Mabuti na lang at supported ako ng family at friends kaya nakamove on ako agad.. Hahaha, keri lang na ichismis mo, chinismis ko na nga sarili ko oh! hehe..
Delete